CHAPTER 2

484 14 0
                                    

Nagising ako sa isang malambot na kama at di pamilyar na kwarto. Bumangon ako at nilibot ng tingin ang buong kwarto, kulay abo ang pintura ng kisame hanggang sahig na gawa sa tiles at panlalaking panlalaki pa ang amoy, may weird din na mga paintings na nakasabit at mga mamahaling gamit na nakadisplay. At malaking walk in closet.

Napatingin ako sa may veranda at dun ko lang nalaman na gabi na pala.

Natigil lang ako sa pag lilibot ng biglang bumukas ang pinto at iniluwa ang isang matandang babae.

"Pinapatawag na po kayo ng master." Bungad niya.

Awtomatikong napataas ang kilay ko.

"Bakit na naman daw?" Mataray kong tanong.

"Para kumain." Maikling sagot niya.

Tsss, buti naman at may plano pang pakainin ako ng lalaking 'yun?

"Tell him to wait." Malamig kong utos sa kanya.

"Pero di siya pwede paghintayin." Angal niya pa.

"So? I didn't told him to eat with me and besides, I don't want to eat with him I might lost my appetite." Taas kilay kong turan.

Nakita ko ang pag iling nito bago nagpaalam na lumabas.

Dumiretso ako sa isang pinto na alam kong banyo. Gaya ng inaasahan ko ay malaki din ito, ang sahig ay gawa sa marmol at ang pader naman ay puro salamin. May dalawang shower at isang bathtub, lababo, banyo at isang drawer na sa tingin ko ay lagayan iyon ng mga gamit para dito sa loob.

Naghilamos ako ng mukha at tiningnan ang sarili sa salamin at inayos ang aking buhok bago lumabas at lumabas din ng kwarto.

Bumababa ako sa hagdan at isang babaeng nakauniporme na kasing edad ko lang ang lumapit saken.

"Kanina pa po naghihintay ang master sa inyo." Nkayukong saad nito.

"Bakit ba kasi siya naghihintay pa kung pwede naman siyang umuna? Tsss, ang daming kaechosan ng lalaking 'yun ah! Baka pagdating ko dun ako na naman ang pagalitan? Bulok talaga ng utak nun!" Inis kong sabi at tiningnan ang babae na ngayon ay gulat na nakatingin saken.

Tsss, bakit ba napakagulatin ng mga tao'ng 'to? Inaano ko ba sila?

Bumuntong hininga ako.

"Lead me the way." Utos ko na agad niya namang sinunod.

Nang makarating kami sa kusina ay nakita ko ulit ang damuho na prenteng nakaupo at diretso ang tingin saken ng malamig niyang mga mata pero di ako nagpasindak at nilabanan ang titig niya at tinaasan pa siya ng isang kilay.

"What took you so long to come here?" Malamig niyang tanong.

Di ko siya sinagot at naglakad papunta sa mesa habang di pinuputol ang titigan namin hanggang sa nakaupo ako malayo sa kanya. Aba! mabuti na 'yung malayo ako sa kanya.

Naputol lang ang titigan namin ng ibaling ko ang tingin sa mga pagkain.

"Hm, these foods looks delicious." Komento ko habang tinitingnan ang mga pagkaing nakahain at isa-isa akong kumuha.

"But I doubt it if these are real delicious and..." I paused and looked at him who already looking at me coldly, "not poisonous." Nakangising dugtong ko.

Tumiim naman ang bagang niya at matalim na tiningnan ako. Tsk.

"I don't poison useless person coz I can kill them with my guns." Malamig na turan niya.

"Is that so?" Nakangiting saad ko pero di siya nagsalita.

Nagkibit balikat ako.

"Let's eat." Dugtong ko.

In The Arms Of The Possessive Mafia Boss (Series 1: Phoenix's Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon