CHAPTER 18

283 6 0
                                    


Dalawang araw na ang nakalipas mula nung malaman kong buntis ako at hanggang ngayon ay di ko alam kung paano sasabihin kay Phoenix ang tungkol dito dahil sa pinangungunahan ako ng takot kaya nagaalangan pa akong sabihin sa kanya ito at isa pa ay busy siya.

Ngayon ay nasa opisina siya dahil may importante na inasikaso at ako naman ay andito sa kusina nagbbake ng cup cakes na peanut butter at ketchup ang flavor tapos may toppings pa ito na blinend kong ampalaya na may choco syrup.

Gusto kong ipatikim sa kanya mamaya ang gawa ko tiyak babanat pa yun ng isa dahil sa sarap.

Iniisip ko pa lang ang magiging reaksyon niya sa sarap ay napapangiti na ako.

Nabalik ako sa katinuan ng may tumawag saken.

"Scarlet"

"Oh Jenny ikaw pala" bati ko sa kanya na nasa pinto ng kusina.

"Kanina pa at para kang timang na ngumingiti habang dinidilaan pa ang ibabang labi tsk! Di ko alam na may pagkamanyak ka pala" asik niya at nginiwian pa ako.

"Anong manyak ka jan? Hoy Jenny! Ang dumi ng iniisip mo ha! May iniisip lang ako" angil ko.

"Ano naman? Tsaka ano ba tong ginagawa mo? Medisina?" Natatawang tanong niya.

Ang sama ng babaeng to ah!

"Hindi naman yan medisina jenny eh! Cup cakes kasi yan" nakasimangot kong sabi.

"Ay cup cakes ba? Para kasing hindi" mapanuya niyang sabi.

"Tsk! Umalis ka na nga lang! Nilalait mo na ang cup cakes ko eh!" Pagtataboy ko sa kanya.

"Hahaha ito naman di mabiro! Syempre joke lang! Pahingi ako mamaya ah!" Aniya sabay bunggo sa balikat ko.

"Syempre naman! Ikaw kaya ang gusto kong makatikim una nito bago si Phoenix" nangingiting sabi ko at tinapos ang paglalagay ng toppings.

"Ipapatikim mo kay Phoenix yan?"

"Oo mamaya pag uwi niya tapos lulutuan ko siya ng pagkain namin"

"Naks! Asawang asawa ang dating mo ah! Pwede na pala kayo magkaanak kung ganun" natigil ako sa huling sinabi niya.

Ang sarap siguro sa pakiramdam nun, na may anak kang aalagaan at may asawa kang inaabangan sa paguwi.

Si Phoenix kaya? Gusto niya kaya?
Siguro naman gusto nun kasi mahal niya naman ako kaya siguro sasabihin ko na sa kanya pero bukas nalang di pa ako nakapag rehearse ngayon.

Haysss sana lang talaga magustuhan niya ang sasabihin ko.

"Hoy! Tulala ka? Ano naman ba ang iniisip mo?" Untag saken ni Jenny.

"Hmm Jenny, sa tingin mo kung sakali mang buntis ako, sakali lang ah!" Pagkaklaro ko sa kanya.

"So yun nga, pano kung buntis ako tapos sasabihin ko kay Phoenix, sa tingin mo masasayahan kaya siya? Matatanggap kaya niya? Baka di pa siya handa magkaanak" bumagsak ang mga balikat ko at nakaramdam ng matinding lungkot.

"Alam mo Scarlet masisiyahan yun lalo namang matatanggap nun kasi kita ko sa kilos niya na mahal ka niya talaga. Kasi alam mo? Kung nasa malayo ka ay nakikita ko siyang tinitignan ka at parang binabantayan lahat ng kilos mo na para bang ano mang oras ay may mangyayaring masama sayo kaya ganun ka nalang niya titigan kaya maniwala ka saken pati sa nararamdaman mo dahil sigurado akong tatanggapin niya kung sakali mang buntis ka" nakangiting sabi niya.

Nginitian ko din siya pabalik.

Nang dahil sa sinabi niya ay nagkaroon ako ng lakas ng loob na sabihin kay Phoenix na buntis ako.

In The Arms Of The Possessive Mafia Boss (Series 1: Phoenix's Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon