CHAPTER 34

245 9 0
                                    

Kinabukasan, napabalikwas ako mula sa mahimbing na pagkakatulog dahil sa sunod sunod na putok na naririnig ko mula sa baba.

Kahit wala sa ayos ang over size na damit ko, ang magulong buhok ko at kahit wala pa akong hilamos ay lumabas ako sa kwarto at mabilis na bumaba pero napatili ako sa gulat ng biglang may humablot sa braso ko mula sa likuran, mabilis na ipinulopot ang isa niyang braso sa leeg ko. Kinaladkad ako nito paatras kaya naman di ko nakita kung sino ito.

"Let me go! Let me go you moron! Let me go!" Paulit ulit kong sigaw sa kanya pero hindi ito nagsalita at nagpatuloy sa pagkaladkad saken.

Buti na nga lang at nakaalalay ang kamay niyang nasa braso para kahit papaano ay di ako mahirapan sa paghinga.

Napansin kong papunta kami sa likuran ng mansion dahilan para mabuhay ang kaba at takot sa puso ko.

"S-saan mo ako dadalhin? B-bitawan mo ako!" Muli kong sigaw at mas naglikot ako pero masyadong mahigpit ang pagkakahawak niya sa braso ko at maging sa leeg pero hindi ako nasasakal o nahirapan man lang sa paghinga. Kung paano niya nagagawa iyon ay wala akong alam.

"P-please b-bitawan mo na ako nagmamakaawa ako... Gusto ko ng umuwi" pagmamakaawa ko.

Nagpatuloy ito sa paglalakad na parang walang naririnig hanggang sa bigla itong tumigil at walang pakaundagang binitawan ako dahilan para bumagsak ako sa lupa.

"Aray!"

Ang sakit ng puwetan ko! Hindi ba alam ng mangangaladkad na ito na sobrang hirap ang ginawa ko para lang magkaroon ng malaking puwet tapos ibabagsak niya lang ng ganun ganun? Sarap manapak ah!

Sila na nga itong istorbo sa tulog ko tapos gaganituhin pa ako?

Rinig ko pa rin ang putukan mula sa loob at paniguradong sa harap ng manyson.

"Get up"

Napatigil ako sa pagdaing hindi dahil sa utos nito pero dahil sa pamilyar na boses na pinanggalingan.

Napapalunok ako habang dahan dahan na nilingon, patingala ang nagmay ari ng boses at kahit man na alam kong siya nga ay di ko pa rin maiwasang magulat.

The way he starred at me right now was too far from the stares he gave to me before. Those eyes with sweet, gentle, and happy was now replaced with emotionless one. Those lips I used to see a wide grin was now in a thin line. His face that filled with enjoyment before was no longer filled any humor now. I don't want to believe this. I just don't want because I know well the Stefan who's standing right now was still the Stefan I used to know before.

W-what happened?

Ilang buwan ko siyang di nakita simula nung pinatigil ko siyang manligaw saken na una pa lang ay siya na talaga ang nagpumilit. Akala ko ayos na sa kanya ang lahat at nung panahong di ko siya mahagilap ay hinayaan ko nalang kasi sa pagaakala kong part of moving on me pero pano... P-paano naging ganito bigla? Hindi ko siya maitindihan. Wala akong makuhang rason kung bakit naging ganito bigla. Tsaka... How did he know where I am?

Nanatili ang titig ko sa mukha niyang walang mababakas na kahit anong emosyon, kahit galit ay di ko makita sa kanya.

I need to know all of this! Kailangan ko malaman bakit siya naging ganito. Bakit sa ilang buwan na di namin pagkikita ay naging ganito siya.

I know someone just manipulating his mind that is why he became like this, different to the old Stefan I used to know and I used to be with.

"Stand up there, Scarlet I'm not here to pick you up so stand with your damn feet" napakislot ako sa biglang pagsasalita niya.

In The Arms Of The Possessive Mafia Boss (Series 1: Phoenix's Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon