CHAPTER 44

322 10 2
                                    

"Momma when can we visit little sis again? I miss her."

Hindi ko na mabilang kung pang ilang ulit ng tinanong ni Zef sakin 'yun. Simula kanina ng matapos kaming kumain ng dinner ay bigla nalang niyang natanong kung pwede ba naming bisitahin ang kambal niya, sinagot ko naman siya na kapag hindi na busy ang daddy niya pero ang kulit kulit niya talaga! Minsan nga hindi ko nalang siya pinapansin pero ang anak ni Phoenix humahanap ng paraan para lang mapansin ko siya. Mana talaga!

Ito namang ama niya walang pakialam at hindi man lang sinusuway ang anak niya.

"Baby I told you maybe one of this days di ba? Wag ng makulit okay? Momma's busy." Pagpapaintindi ko sa kanya.

I was busy on updating my café. Matagal na din nung huli kong natutukan ito and I am thankful to have my assistant who's taking care of my café. Siya ang nagsilbing owner and manager ng café habang wala ako and so long wala namang naging problema. Iyong mga costumers ko ay hindi naman nabawasan and good news dahil nadagdagan pa sila. Ang isang branch naman ng café ay ganun din though some of it has a conflict still my assistant did her job to do well.

Pasalamat nga rin ako dahil madalas na ina-update nina Tiffany ang café kahit na busy sila. Lalo na't dumating na ang baby nila sayang nga lang at hindi ako naka-attend nung bininyagan ang baby girl niya though ninang pa rin ako. Sabi pa niya na baka bibisita sila dito at dalhin dito si baby Lucy. Ang cute ng name di ba? Sinunod talaga sa pangalan ni Lucas dahil iyon ang gusto ni Tiffany.

"Momma! You're not answering me!" Zef's annoyed voice pulled me out of my thoughts.

Napabuntong hininga ako. "Zef naman eh! Busy pa nga si momma look! I have many works to do!" Napipikang sabi ko.

Kunti nalang at ibabalibag ko na 'tong anak ko eh!

"Bakit di mo nalang po ako sagutin? Dali dali lang nun momma eh! Gusto ko ng puntahan little sis ko! Baka nagtampo na sakin 'yun." Nakangusong sabi niya.

"Baby next week, next week tayo dadalaw okay na?"

"When momma?" He asked more like I want to visit little sis tomorrow. Pronto! Ganun!

"Alright, we'll visit your little sis tomorrow okay na ba baby?" Tsaka pa lang lumitaw ang malaking ngiti sa labi niya at bigla nalang akong tinalunan at niyakap at hinalikan sa pisngi.

Napailing nalang ako. Wala akong nagawa sa magandang ngiti niya dahil nawala agad ang inis ko dun.

Ang hirap naman pala magkaroon ng anak na kaugaling kaugali ng daddy niya. Napaka bossy. Gusto lahat nasusunod and take note! Gusto lahat nagagawa agad!

Hindi ko tuloy napigilang lingunin si Phoenix na abala sa kakapindot sa laptop niya pero ng maramdaman siguro niya na nakatingin ako ay lumingon siya sa gawi ko at nginitian ako bago binalik ang tingin sa laptop niya at nagpatuloy.

Sabi ko nga busy siya. This days kasi ay napapansin kong parang may problema sa company niya masyado siyang abala at kahit minsan ay kinukulit siya ni Zef na maglaro sila ay tinatanggihan niya ang bata at sinasabing busy pa siya. Nakakainggit nga eh!

Pa'no ba naman kasi isang sabi lang ni Phoenix na busy siya ay titigil agad si Zef pero kung ako ang magsabing busy ako ay lalo akong kinukulit.

Pinatulog ko na si Zef dahil pasado alas otso na ng gabi. Mabuti nalang at di ako nahirapan dahil inaantok na din naman siya hinintay lang talaga ang sagot ko. Bata'ng 'to manang mana sa ama niya eh.

"Wife." Tawag bigla sakin ni Phoenix.

"Yes?" Tugon ko ng hindi siya nililingon.

"We'll visit our little angel tomorrow, right?" Dito ako napatigil sa pagsulat at napaangat ng tingin sa kanya.

In The Arms Of The Possessive Mafia Boss (Series 1: Phoenix's Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon