Hinintay ko silang dalawa ni Margaret magsalita pero pareho silang sabay na tumungo. Si papa na nakatitig sakin ng may pagsisisi sa mata at si mama na tahimik na umiiyak habang inalalayan ni Margaret sa braso.
"How 'bout you my dearest mother? When did you remember that you have another daughter here? When did you remember that there was Scarlet in your family that once exist? When did you looked for me? Did you even... Did you even think about me after throwing me out? Or did you ever considered me as yours?" Sunod sunod kong tanong sa kanya.
"Walang oras o araw na hindi kita naiisip anak. Tinangka kitang hanapin. Tinangka ka naming hanapin pero hindi ka namin mahanap pero wag mong isipin na sumuko kami dahil walang araw kaming pinalipas para magpahinga sa kakahanap sayo. Honey, we are so sorry for what we did to you. Pinagsisihan namin dahil hindi ka namin pinakinggan. I'm so sorry Scarlet. I'm so sorry for being a useless mother. Hindi man lang kita niyakap no'ng panahong takot na takot ka. Patawarin mo ako kung ikaw ang sinisi ko sa pagkawala ng ate mo. Pinagsisihan ko ang lahat Scarlet. Pinagsisihan ko." Mahabang sabi niya habang umiiyak. Kahabag habag ang hitsura niya dahil kita sa katawan niya ang panghihina.
Aaminin kong naaawa ako sa kalagayan niya pero ang galit at poot na andito sa puso ko ay higit na mas malakas. I just can't feel myself become weak upon seeing her crying.
"Scarlet alam kong mali kaming lahat at pinagsisisihan namin iyon. Napuno kami ng kalungkotan at sakit dahil sa pagkawala ni Carreille." Sabi naman ni Margaret na ngayon ay umiiyak na rin habang nakaalalay kay mommy.
Napatawa ako at napapailing ng magkasabay. "At ako? Hindi? Anong akala niyo sakin? Robot? Na walang pakiramdam? Na walang puso? Na walang kakayahang makaramdam ng sakit? Akala niyo ba kayo lang? Akala niyo ba kayo lang ang nakakaramdam ng kalungkutan at sakit no'ng nawala si Carreille? Hindi niyo nga man lang ako hinayaang ihatid ang kapatid ko sa huling araw niya! Kung akala niyo ang sakit na dinaramdam niyo, ang kalungkutan dahil sa pagkawala niya ay hindi ko naramdaman pwes sasabihin ko sa inyo at makinig kayo!" Sigaw ko sa kanila at isa isa silang tinitigan sa mata.
Isinusumbat nila sakin ang sakit sa puso nila dahil sa pagkawala ni Carreille. Ang kalungkutang dinadala nila dahil sa pagkawala ni Carreille pero hindi nila naisip na doble ang sakin. Nawalan na nga ako ng pinaka importanteng tao sa buhay ko, nagawa pa ng pamilya kong ibato sakin ang lahat ng sisi. At pinaalis pa nila ako sa bahay at tinakwil sa buhay nila.
Buong buhay ko wala akong ginawa kundi ang maging mabuti at masunurin sa lahat. Lahat ng gusto nalang gawin ko ay ginawa ko. Wala akong ginawang maski isa na ikasasama ng loob nila pero bakit ganito ang sinukli nila sakin? Bakit sa kabila ng lahat ng nagawa ko ay sakit ang binalik at pinaramdam nila sakin?
"She was the closest sister I have. She was my only best friend and my only savior. She was the only person who'd listened to my problems and stayed by my side to those days that I'm so down. She was the only one who'd cheer me up every time I'm losing my hopes. She was the only one whose proud of my small achievements. She didn't leave my side. She was there for me and I thought she'll stay with me forever. She left me. She left me without even saying goodbye. She left me unready. She just left me and never come back!" Hindi ko na napigilan ang sariling bumuhos ang luha at mapa-upo nalang sa sahig dahil sa panghihina. "Akala niyo masaya ako sa pagkawala niya? Akala niyo ba hindi ako nasaktan sa pag iwan niya sakin? Hanggang ngayon ay dala ko ang sakit na yun! At hanggang ngayon ay tanda ko pa lahat ng masasakit na salita ang sinabi niyo sakin. Lahat! Lahat ng mga iyon ay nakatatak sa puso at isipan ko kaya wag na wag kayong umasta na parang limot ko na lahat! Hihingi kayo ng tawad at sasabihin niyo sakin na nagsisi kayo ng ganun lang kadali? Don't give me a bullshit. Leave with your own will or I will make you leave with my own way." Marahas kong pinahid ang luhang lumandas sa pisngi ko ng di inaalis ang tingin sa kanila na tahimik na nakayuko at tahimik na umiiyak.

BINABASA MO ANG
In The Arms Of The Possessive Mafia Boss (Series 1: Phoenix's Story)
De TodoMula sa pagkatakwil ng sariling pamilyar, madukot ng di kilalang mga tao, magising sa di pamilyar na kwarto at makita ang sariling nakasuot ng magandang damit hanggang sa nalamang ibenibenta na pala si Scarlet. Inisip niyang siya na ang pinakamalas...