01

6.1K 120 28
                                    

Kabanata 01

"Kuya, ano ba?!"

Mariin kong hinawakan ang bayong na nakapatong sa mga hita ko. At binigyan siya nang disgustong tingin. Ang bag nito ay ginawa niyang pantakip sa ibaba niya.

"Bakit mo nilalabas titi mo, Kuya? Ang bastos mo!" sinadya kong lakasan ang boses ko para ma-alerto ang ibang pasahero.

"Kay sagwa man jud, oy!"

"Liit naman niyan."

"Ay, hala! Supot."

Ang mga pasahero ay tinitingnan siya ng masama. Nakatayo kasi ang lalaki sa aking gilid habang abala ako sa pag-aayos ng mga gulay sa bayong ko ay bigla ko na lang nakita ang pagbukas ng zipper nito habang nakaharap sa akin.

"Tatawag ako ng police! Manong, pakitigil nga sa malapit na estasyon ng police!" sigaw ko. Kita ko ang pagtango ng driver. Bumaling muli ako sa lalaki, hindi na ito makatingin sa akin. Pagkatapos ay bigla na lang ito nakipagsiksikan sa mga tao na nakatayo din papuntang harapan.

"Hoy! Hoy! Saan ka pupunta, ha?!" sambit ko. Dahil sa inis ay tumayo ako at nakipagsiksikan din sa mga tao, binigyan naman nila ako ng madadaanan pero tumigil ang bus at nakita ang mabilis na pagbaba ng lalaki at tumakbo.

Bagsak ang aking balikat habang tulala na nakatingin sa pintuan na nilabasan ng lalaki. Nilihis ko ang tingin sa driver. "Kuya, bakit mo naman siya hinayaan na makababa?" tanong ko.

Kumamot ng ulo si Manong. "Eh hija, kasi pinakita niya ang baril sa loob ng bag niya kaya pinalabas ko na para wala nang mangyari na masama." Aniya.

Ngumiwi ang mukha ko. "Paano kung peke lang pala ang baril na 'yon? Maraming gano'n sa bayan na binebenta, bente lang." usal ko at bumuntong-hininga. Naglakad muli ako sa upuan ko pero may nakaupo na matanda do'n nang makita ako ay aakma sana siyang tatayo pero pinigilan ko.

"Okay lang po. Malapit-lapit naman ho akong bababa." Ngumiti ako.

"Salamat, hija." anang matanda. Binigyan ko lang muli siyang ngiti. Sa totoo lang ay trenta minutos akong tatayo dito bago ako makarating sa Tangalan.

"Tangalan," ani Kuyang Kutsero.

"Meron po." saad ko. Lumapit ako sa pintuan. Pagkatigil ng bus ay bumaba na ako. Hinintay ko muna ang bus na umalis bago ako tumalikod at naglakad na papuntang baybay. Galing kasi ako sa Maynila dahil kinailangan kong ibenta ang mga banig at iba't-ibang klase ng alahas na gawa sa kabibi. Kapag kasi dito ay kaunti lang ang pera na nakukuha namin kaya kailangan ko pang pumunta sa Manila para lang makarami ng benta.

Itong bayong na may gulay ay binili ko na para ulamin namin mamaya at bukas.

Nang makarating na sa Barangay Hall ay tumigil ako sa paglalakad at pinunasan ang pawis sa aking noo gamit ang palad. Lumihis ang aking mata sa labas ng barangay, nakita ang mga kaibigan na mukhang mga problemado. Kinawayan ko si Bakokang at mabilis akong naglakad papunta sa kanilang direksyon.

"Anong nangyari?" tanong ko. Si Barnakol ay may sugat sa gilid ng labi nito. Alam ko na. Marahas akong bumuha nang hininga.

"Nakipag-away ka na naman no?" tinaasan ko siya ng kilay.

Pinalatak nito ang dila na gumawa ng tunog. Tumayo si Barnakol at dinala ang dalawang braso sa dibdib nito. "Sila ang nauna. Binastos kasi nila si Baktol sa tindahan ni Aling Bebe, mabuti nga sa kanila 'yan...dapat pa nga bugbog-sarado na ang mga tarantado na 'yan eh." Aniya.

Inilipat ko ang tingin kay Baktol na tahimik lang sa gilid. Tiningnan ko ang kaniyang suot pero wala namang mali. Mahaba ang itim na saya at sa pang-itaas naman niya ay isang baby pink na boxy t-shirt.

Beautiful Lie with Scars ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon