Kabanata 08
"That's my girl..."
Isang malakas na palakpak ang aking narinig. Kaagad ko itong sinilip sa likuran ni Dracula. Malaking ngiti ang iginawad sa akin ni JunJun pagkatapos ay naglakad ito palapit sa akin, nilagpasan si Dracula na mangha siyang tiningnan.
Narinig niya ang sinabi ko?
Shocks!
"Ayieee!! Kilig tubol ni Belle oh!" asar ng mga kaibigan ko, nagsitilian pa ang mga baliw. Inambahan ko sila ng sapak para tumigil pero wala ding saysay 'yon mas lalo pa silang bumungisngis habang tinuturo kaming dalawa ni JunJun.
Isang kamay ang pumalibot sa gilid ng aking beywang. Nagsitayuan lahat ng mga balahibo ko. Palagi na lang ganito, kapag nagtatama ang aming balat o hinahawakan niya ako sa iilang parte ng aking katawan ay awtomatiko na makukuryente ang kaloob-looban ko.
Ito ba yung tinatawag nilang spark? Saka yung mga paruparo na nagsisiliparan sa tiyan mo?
Ewan ko ha, masyadong corny para sa akin 'yon.
Basta ako tumatayo lang balahibo ko.
"Hi pogi!" malanding sabi ni Dracula. Hinawi pa nito ang buhok at pinaakit pa lalo ang mata na para bang gusto niyang sunggaban si JunJun. Dahil do'n ay pinalibot ko din ang dalawang braso ko sa beywang niya.
Tinaasan ko ng kilay si Dracula.
"Sorry but I'm already taken. Narinig mo naman siguro ang sinabi ng baby ko, na sa kaniya lang ako...I'm happy to know that you admired me a lot but my heart belongs to this woman..." dinungaw ako ni JunJun. Inangat ko ang ulo sa kaniya sakto na inilapat nito ang labi niya sa aking noo.
Mas lalong nagsitilian ang mga kaibigan ko.
"Sa akin lang din siya..." pabulong na sabi ni JunJun, hinalikan ulit ang noo ko.
Hindi ko na kaya 'to...Wala na.
Wala namang masama kung magugustuhan ko siya ng tunay di ba? Kahit na anong pilit kong gawin para hindi siya magustuhan, mas lalo ko lang pinapahirapan ang sarili ko.
Mabait, gwapo, matulungin siya. Gusto ko pa siyang kilalanin ng buo kahit na wala siyang maalala sa totoong pagkatao niya...Gusto ko ang presensiya niya sa tabi ko.
Wala nang atrasan.
Gusto ko na siya!
"Pasukan na pala? Ako hindi ako papasok?" tanong ni JunJun. Magkahawak ang aming kamay habang naglalakad patungo sa aming lugar ng pagbentahan ng mga alahas. Sa susunod na bukas pa ang pasukan pero ngayon ko lang natanto na kailangan din niyang pumasok.
Hindi ko nga alam kung tapos na ba siya ng pag-aaral o nag-aaral pa lang talaga?
"Ah...Pinaparehistro ko pa sa barangay ang iilang mahalagang documents mo. Kaya baka ma-late ka sa pasukan..." pagsisinungling ko. Nakita ko ang pagtango niya. Biglang pumasok sa isipan ko na may kilala pala si Felix na isang guro na nagtuturo rin sa unibersidad na pinapasukan ko. Baka matulungan niya kami.
May kaunting natira sa alahas, eh dahil sa mainit at tirik ang araw ay umuwi muna kami, babalik na lang kami sa hapon. Hindi binitawan ni JunJun ang kamay ko hanggang sa makauwi kami sa bahay. Tinanggal nito ang itim na sumbrero at pinaypayan ang sarili.
Pawis na pawis siya. Nabasa tuloy ang senisado nitong sando.
Mabilis akong tumalikod nang tinaas niya ang sando. May kakaunti akong nakita sa loob kaya nakagat ko ang ibabang labi. Saka pinaypayan din ang sarili. Mas lalong uminit, ah.
Sana naman magsabi muna siya na maghuhubad siya para makaalis ako.
Shit naman!
"You don't like to see my body, baby?"
Nag-baby na, hala!
Mariin akong pumikit at naglakad paatras, sinisigurado na iniwas ang tingin sa kaniya pagkatapos ay mabilis na tumakbo sa aking kwarto, sinarado ang pinto. Hinahabol ko ang aking paghinga at isinandal ang likod sa likuran ng pinto.
"Belle?"
Napaigtad ang buong katawan ko nang mahina siyang kumatok sa labas. Pinunasan ko ang pawis sa aking noo at leeg bago binuksan ang pinto na nakapikit ang mata.
"B-Bakit?" sabi ko. Sobrang diniin ko ang pagkakapikit ng aking mata. Baka kasi hindi ko makontrol ang tingin ko kapag nakita ko ang katawan niya, matutulala talaga ako.
Isang malakas na kamay ang humigit sa aking beywang. Naidilat ko ang aking mata at aksidente kong nahawakan ang dalawang braso niya dahil sa biglaan nitong ginawa.
Dumagundong na naman ang puso ko. Naririnig kaya niya 'yon? Hindi ko maalis ang aking mata sa mala-gubat na kulay luntian na mata niya. Parang kinukuha ang kaluluwa ko...nakakabighani ang mata na mayroon siya.
"You're so beautiful...Gustong-gusto kong makita kung paano mamula 'yang pisngi mo. It's cute, and I don't let anyone else see that fucking cute face you have."
Paano kumalma?!
Ang katawan namin ay sobrang dikit sa isa't-isa. Humigpit ang hawak nito sa aking beywang. Ilang minuto pa kaming nagtitigan ay dahan-dahan na lumalapit ang mukha niya patungo sa akin, pinikit ko na lang ang mata.
First kiss ko s—
"Nanay!!! Si Ate at Kuya JunJun naglalandian oh!" matinis na sigaw ni Louise. Mabilis kaming naghiwalay, umiwas ako ng tingin. Nakita ko si Louise sa may pintuan habang sumipsip ng coke sa plastic. May maliit siyang ngiti pagkatapos ay tumakbo palabas, kaagad ko siyang hinabol.
Panira naman eh! First kiss ko na sana 'yon! Urgh!
Sa hapon ay bumalik kami sa pagbebenta ngayon ay kasama namin si Louise, si Nanay ay nasa palengke. Hindi kami nasa iisang lugar ng pinagbebentahan mas mabuti kasi na may iba't-iba kaming pwesto para iba't-iba din ang tao na bumili sa amin.
"Magaganda ho 'yan! Mura lang po, sa halagang sampung piso may isang pulseras at kwintas ka na! Lahat ng 'yan ay gawa sa kabibi." sabi ko. Hinihikayat pa ang ibang mga mamimili. Karamihan ay babae. Si Louise ang naglalagay sa bag habang si JunJun ay nagbibigay ng sukli...siya din ang dahilan kung bakit madaming dayo sa aming pwesto.
Hays."Belle!" lumipat ang tingin ko sa lalaking tumawag sa akin. Si Felix pala. Masaya itong tumabi sa aking pwesto. Nag-apiran pa kaming dalawa. "Oh, kasya ba yung mga damit na pinili ko sa'yo?"
Ngumiti ako. "Oo! Saktong-sakto lang sa katawan ko saka yung haba. Salamat nga pala ulit do'n ah."
"Wala 'yon. Nabasa ko lang kanina yung text mo..." lumapit ito sa akin at bumulong. "Kayang-kaya ko 'yon." Aniya at binigyan pa ako ng thumbs up.
"Sigurado ka ha? Ikaw lang kasi ang tanging naisip ko na matutulungan ako sa pag-aaral ni JunJun. Alam mo na, lagas din ang pera namin. Saka hindi ko alam kung anong grade na ba siya?"
"Sa tingin ko..." bumaling ang mata niya sa likod ko kung saan nando'n si JunJun. "College...tapos bagay sa kaniya ang 3rd year. Sasabihin ko na lang na transferee saka bagong lipat dito."
"Eh anong course naman niya?" taas kilay kong tanong."Engineering o Architecture, Management?" patanong niyang sagot. Parehas kaming kumamot sa ulo dahil sa problemado na kaming dalawa. "Ako na lang bahala. Huwag ka nang mamoblema. Sobrang basic lang sa akin 'yan?"
Nilingon ko si JunJun. Ang mata nito ay nakatingin sa aming direksyon...para niya kaming binabalatan ng buhay gamit ang matatalim na titig niya. Gumagalaw din ang panga nito na para bang naiinis. Ang kamay niya ay naging kamao.
Galit ba siya?
Lumapit ako. "May hindi ba nagbayad? Hayaan m—"
"Let's have a date." Mariin niyang utos at hinawakan ang kamay ko. Pinag-ugnay ang pagitan ng aming mga daliri.
BINABASA MO ANG
Beautiful Lie with Scars ✔
Romance[TO BE PUBLISHED] It takes a lot of truth to gain trust, but just one lie to lose it all. Belle is a gentle and compassionate woman who lives in a simple house at Baybay, Aklan. Despite their lower status, she's goal-oriented. She will prove to ev...