11

1.9K 52 3
                                    

Kabanata 11

Wala namang masama kung mamahalin ko siya. Kahit na may kokontra ay ipaglalaban ko ang nararamdaman ko sa kaniya.

Niyakap ako nito pabalik, hinigpitan pa.

"Is there something wrong? Sorry, hindi na kita naihatid sa school mo. I think this is my fault. Hayaan mo maayos naman na ang pakiramdam ko pwede na kita ihatid at sunduin."

Hindi naman 'yon ang problema ko.

Huminga ako ng malalim at inilayo ang mukha sa kaniyang dibdib, nanatili pa ding magkayakap ang aming mga braso sa isa't-isa. Dinungaw ako nito, ang mainit na hininga niya ay tumama sa aking noo.

Wala akong ideya kung bakit biglang nanubig ang aking mata habang nakatitig sa kaniyang berdeng mata.

"Alagaan mo sarili mo, please...sasamahan mo pa ako sa mga gusto kong gawin, gagawa tayo ng magagandang alaala," Inabot ko ang panga nito at marahan na hinaplos. "Ayoko na ng ibang kasama. Ikaw lang ang gusto ko," pag-aamin ko.

Hinawakan nito ang kamay ko na nasa kaniyang panga dinala sa kaniyang labi at hinalikan ng paunti-unti ang likuran ng palad ko. Kung pwede ko lang sabihin sa kaniya ngayon ang lahat, ang katotohanan na hindi siya sa akin...pero natatakot pa ako sa ngayon. Gusto ko muna siya makasama kahit sa maikling panahon lang.

"I promise..." Aniya.

"But, doesn't promise are meant to be broken?" taas-kilay kong tanong.

Umiling siya. "Promises are meant to be lived, baby..." lumapit ito at matunog na hinalikan ang aking noo. "I'll fucking do it, para sa'yo. Gusto ko lang din ikaw ang makasama ko. Just please, stay by my side and to your heart..."

Tumango ako. Pagkatapos ay niyuko ang aking ulo. "Promise me, kahit na anong mangyari sa ating dalawa, JunJun...Huwag mo akong iwan, ah. Lalo na kapag sa panahon na kailangan na kailangan kita sa mga laban ko,"

Natatakot ako. Ngayon ko pa lang naramdaman ang ganito sa isang lalaki. Napaka-espesyal niya sa buhay ko. At ayoko na ng iba pa, siya lang. Kahit na dadating ang panahon na magdesisyon siya na iwan ako ay pinapangako ko na siya pa din...kahit na hindi na ako sa puso niya...

"I wouldn't break my promise, baby..." sabi niya. Niyakap ako muli nito. Gumaan ang pakiramdam ko sa sinabi niya kahit na may isang parte sa puso ko na dapat huwag masyadong mag-expect. Dahil lahat ng ito ay may kabayaran.

"Mahilig ka sa buwan?" Nilingon ko siya. Pagkatapos ng maikling usapan namin ay napag-desisyunan namin na maupo muna sa buhanginan. Nawala ang pagod at pangamba ko dahil sa kaniya. Nakakatuwang isipin na siya lang ang nakakagawa no'n.

"Oo...Iba ang binibigay nitong emosyon sa tuwing tinitingnan ko siya sa taas. Ang maliwanag nitong ilaw at ang perpektong hugis nitong bilog. Napaka-ganda talaga..." Ngumiti ako. Tiningnan ko muli ang buwan at huminga ng malalim.

May hindi pa pala ako natatanong.

"U-Uh, JunJun...Matanong ko lang, nung sumakit ba ang ulo mo may n-nakita ka bang hindi kaaya-aya o mga imahe?"

Pinaglaruan ko ang daliri ko. Saka ipinikit ang mata. 

"Oo. Meron," mahinang sabi niya. Binuksan ko ang aking mata saka tiningnan siya. "Pero mga malabo lang 'yon..."

"A-Ano?" kabado kong tanong.

Itinukod nito ang dalawang kamay sa likuran, pinagpahinga sa mga maliliit na butil ng buhangin. Pagkatapos ay umangat din ang tingin sa buwan.

"Maraming tao, magulo. May isang babae na parang tinatawag ako pero wala akong marinig na kahit na ano," bumaling ang mata niya sa akin. "May dugo rin akong nakikita sa aking kamay kahit na malabo ay natitiyak ko na dugo 'yon. Hanggang do'n lang 'yon hanggang sa nandilim na ang paningin ko."

Beautiful Lie with Scars ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon