Kabanata 04
"A-Ano bang pinagsasabi mo?"
Nilihis ko ang aking katawan saka mabilis na naglakad, iniwasan siya. Hinanda ko na ang mga gagamitin para sa paggawa ng alahas. Dire-diretso kong kinuha ang mga kabibe para mahugasan at maibilad pa sa araw.
Alam kong sinusundan niya nang tingin ang mga kilos ko.
Nakatayo pa din kasi siya habang ang dalawang kamay nito ay nasa beywang niya, mukhang may sasabihin pa 'ata.
"Ate!" munting sigaw ni Louise. Patakbo itong pumasok sa loob ng bahay habang may dala-dalang mga isang tilapia sa kaniyang kamay.
"Saan mo nakuha 'yan?" gulat kong tanong.
"Sa kabilang bario, Ate! Nagkaro kasi kami ni Nene do'n tapos may nagbigay sa amin nito."
"Sino? Saka nagpasalamat ka ba?" tinaasan ko siya ng kilay. Kinuha ko ang bitbit nito at nilagay sa isang palanggana.
"Opo. Sabi pa nga po niya kapag kulang daw, balik na lang po daw po ako sa kanila."
"Nakakahiya naman. Okay na sa'tin 'to. Pagkasyahin na lang sa apat na tao," nilingon ko si Louise. Naglakad siya palapit kay JunJun na nakaupo na pala. Pagkatapos ay umupo si Louise sa kandungan niya.
Nagkatinginan kami ni JunJun.
"Ate, swerte mo kay Kuya. Pogi na, macho pa!"
"Heh! Tumahimik ka diyan."
Hindi ko na sana isasama si JunJun sa paglalako ng banig na natapos ni Nanay kahapon. Kaso mapilit siya. Gusto niya daw makalabas-labas saka maikot ang iilang bario at lugar dito. Ako naman, gusto ko siyang magpahinga sa bahay para bumalik ang lakas niya. Hindi pa kasi hilom ang mga sugat niya kaya nababahala ako.
"Okay lang ako, Belle. In fact, kaya ko ng magbuhat ng mabibigat na bagay. Katulad ng ginagawa nila," tinuro nito ang mga kargador ng bigas. "Maliit na bagay lang 'yan, gusto mo subu—"
"Hindi pwede! Oo na, okay ka na."
Mahina itong natawa saka tinabihan ako sa paglalakad. Siya ang may bitbit ng mga banig habang ako ay nakasukbit ang bag na may iilang barya.
"Ilang taon na nga pala tayo mag-on?"
Nanlaki ang aking mata sa biglaan niyang tanong. Oh, geez. Heto na naman tayo.
"U-Uh, buwan lang... 8 months."
"Oh...so, apat na buwan na lang pala ang hihintayin natin para sa Anniversary? Kailan nga pala 'yon?"
Tanungero talaga.
Iintindihin ko na lang siya dahil nga sa kondisyon niya. Kung mahirap para sa akin, mas mahirap sa kaniya. Wala siyang maalala, ang mga tao ay hindi pamilyar sa kaniya...lahat-lahat. Kaya kinakailangan niyang magtanong para masagot ang mga bagay na naguguluhan siya, lalo na sa aming dalawa...
"November 14."
"Ah..." tumango-tango siya.
Dapit-hapon ay mabilis na naubos ang aming paninda. At alam ko na kung bakit.
Dahil kay JunJun.
"Bili tayo rito! Ang pogi!"
"150 na lang po mga binibini." ani JunJun at pinakita ang ngiti niya na nakakalaglag ng panty. Halos mahimatay ang mga kababaihan. Samantalang ako heto nasa gilid niya, nakangiwi ang mukha habang nakikipag-kamayan siya sa mga babae na kaedad ko din, iilan ay may katandaan na.
Ewan ko ba.
Nakakainis.
"May jowa ka na ba, pogi? Single ako. Pwede tayo," ani ng di ko kilalang babae. Dilaw ang sando at itim na short. Naka-pusod paitaas ang kulot na buhok nito.
BINABASA MO ANG
Beautiful Lie with Scars ✔
Romance[TO BE PUBLISHED] It takes a lot of truth to gain trust, but just one lie to lose it all. Belle is a gentle and compassionate woman who lives in a simple house at Baybay, Aklan. Despite their lower status, she's goal-oriented. She will prove to ev...