Kabanata 06
"F-Felix?"
"Hi, Belle! Musta ang araw mo?" masayang bati niya.
Naturo ko pa siya dahil sa sobrang gulat. Tiningnan ko ang kaniyang kabuuan umiba na ang kaniyang tindig at naging lalaki na talaga ang pisikal na kaanyuan niya.
Kababata ko din siya. Si Felix ay kaedad ko lang at 15 years na kaming hindi nagkikita. Lumuwas kasi sila sa Laguna dahil sa nakapag-asawa muli ang kaniyang ama. Wala akong nakuhang balita sa kaniya, hindi ko naman kasi siya gano'n ka-close at nakalimutan ko din na kamustahin siya.
Mangha ko siyang tiningnan pagkatapos ay binigyan siya ng malaking ngiti. "Hala, kailan ka pa nakabalik dito?"
"Kahapon lang." Aniya. Pinulot nito ang mga libro ng nalaglag ko. "Pasensiya ka na ah. Nagulat kita." tumawa ito.
"Okay lang. Hindi ka pa din talaga nagbabago. Ang hilig mong gulatin ako."
Sinabi ko na lang sa kaniya na maghintay siya sa labas dahil saglit lang naman ako sa loob. Pagkabigay ko ng libro kay Kapitan at nagkaroon ng kaunting payo ay lumabas na ako sa Barangay Hall, tumayo naman si Felix nang makita ako.
"Ano? Dating gawi?" ayaya niya.
"Sige ba. Basta libre mo." nginisian ko siya. Tinaas nito ang wallet niya na ikinaikot ng aking mata. "Kahit kailan talaga ang hambog. Siguraduhin mo na marami 'yan, gutom pa man din ako."
Sumakay kami ng tricycle papuntang Macjo Eatery. Sa labas siya umupo likod ng driver habang ako ay nasa loob. Sampung minuto lang ay nando'n na kami. Siya na ang nagbayad dahil wala din naman talaga akong pera na dala.
Hindi ko naman kasi aakalain na magkikita ulit kami ngayon.
"Kasama ba pamilya mo na bumalik dito?" tanong ko.
Kinusot nito ang mata bago nagsalita. "Oo, sa Barangay Afga kami naninirahan ngayon. Nagkaroon kasi ng problema ang pamilya ko kaya kailangan na bumalik ulit kami dito."
"Oh..." Hindi ko na tinanong ang dahilan baka kasi hindi siya komportable na sabihin 'yon. Basta masaya ako na bumalik ang kababata ko. Kahit na medyo lumayo ang loob ko sa kaniya.
Pagpasok namin sa loob ay madali kaming nakahanap ng mauupuan, kaunti lang ang tao na kumakain ng tanghalian. Pinag-hila niya ako ng upuan bago siya naupo sa tapat ko.
"Anong gusto mo?"
"Plain rice, crispy pata, isang kinilaw na hipon tapos calamansi juice. Samahan mo din ng extra 2 rice." sabi ko.
Natawa siya. Saktong lumapit ang seridora. Sinabi niya ang order namin.
"Ay teka!" singit ko. Tiningnan nila ako. Ngumiti na dahilan ng pagkasingkit ng mata ko. "Saka apat na fried chicken, hinihaw na pusit at gambas. Take out 'yon ah, para mauwi ko sa amin at makain nila Nanay at Louise..."
Hindi nagsalita si Felix, iniling na lang nito ang ulo. "Kung ano 'yung sinabi niya, pakilista. Salamat."
Nang umalis ang babae ay hindi na napigilan ni Felix ang tawa. Ngumuso na lang ako at pinaglaruan ang tissue na katabi ng kutsara't tinidor.
"Matakaw ka pa din..." saad niya habang natatawa. Ilang segundo pa ay tumigil siya at seryoso akong tiningnan. "Kamusta na nga pala si Aling Fely? Saka si ate Julie?"
Huminga ako ng malalim. "Gano'n pa din kami ni Nanay...nagtitinda ng banig, suman, alahas na gawa sa kabibi. Si Ate Julie naman ay pumuntang Amerika kasama si Ate Matha, tatlong buwan na. Mabuti pa sila makikita nila ang mga malalaking gusali do'n saka makakakain ng masasarap na pagkain."
"Nagpapadala naman siya ng pera?"
"Oo. Tine-text niya lang si Nanay kapag nahulog na niya ang pera para makuha namin."
Tumango-tango siya.
Si Ate Julie ay kapatid ko lamang sa ina. Mas matanda siya sa akin ng tatlong taon. Mabait at masayahin siya. Akala ko nga masama siya noong una naming pagkikita pero hindi pala. Kung anong meron siya, ibibigay niya. Siya na lang ang tanging pag-asa namin sa lahat. Malaking tulong ang pagpapadala niya ng pera kada buwan.
Pero kahit na anong pilit namin na pagkasyahin 'yon ay hindi talaga kasya sa isang buwan lang kaya may panahon talaga na gipit na gipit kami.
Dumating na ang pagkain namin. Nagkaroon ng mahabang-habang kwentuhan. May apat na pala siyang kapatid na puro babae sa pangalawang asawa ng ama niya. Saka mabait naman ang stepmother niya, ang umiba lang ng ugali ay ang kaniyang ama. Nalulong pala sa droga at paglalaro ng billiard ito kaya siya na ang nagdesisyon na bumalik sila dito.
Gusto ko tuloy makilala ang bagong pamilya niya.
"Tumagkad ka lalo. Ang duga." sambit ko at uminom ng juice. Sa tingin ko ay nasa 6'3 or flat 6 ang height niya. "Ako heto pa din, maliit. Wala na akong pag-asa na tumangkad lagpas 18 na nga ako."
"Huh? Sakto lang naman ang tangkad mo ah. 5'5 ka diba?"Tumango ako. "Kahit 2 cm lang naman ang madagdag eh."
"Huwag ka ng maghangad. Mas magandang tingnan sa babae ang maliit ang height para kaya namin kayong buhatin..."
"Sa inyo maganda? Paano naman sa amin na kailangan pa talaga na tumingala kami para tingnan namin kayo, minsan naman ay tumitingkayad."
Bumungisngis siya. "Ang cute kaya tingnan,"
"Cute daw...Psh." umirap ako. Tinali ko na ang plastic bag na naglalaman ng mga pagkain para makain ng pamilya ko mamaya.
Akala ko do'n nagtatapos ang bonding namin. Dinala niya pa ako sa market dahil may bibilhin daw siya para sa akin.
"Heto!" Mabilis niya akong hinila patungo sa isang tindahan ng mga damit. Kinuha nito ang isang kulay rosas na bestida may disenyo pa ito na dilaw at puting mga bulaklak. Abot hanggang tuhod ko ang haba, tingin ko ay kasya sa akin.
"H-Hindi ko naman kailangan 'yan." inginiwi ko ang mukha habang tinitingnan ang bestida.
Nilingon niya ako at itinaas ang kilay. "Magagalit ako kapag hindi mo tinanggap 'to. Ngayon pa lang naman kita bibilhan ng damit, kaya sige na..."
Nahilamos ko ang palad sa mukha ko. "Sige na, bahala ka." Hinayaan ko na siya. Makulit kasi ang isang 'to saka totoohanin niya talaga ang sinabi niya.
"Ngayon lang 'to wala ng susunod. Nakakahiya..." sabi ko. Binigay ni Felix ang anim na napili niyang damit sa akin. "Salamat nga pala..." mahinang sabi ko.
"Walang anuman, matakaw na binibini." Aniya. Nang maibigay na ang supot ay kinuha ko 'yon sa kaniya at binitbit. Nagkatinginan kami.
"Salamat ulit. Hayaan mo kapag naka-ipon ako ay bibilhan kita ng damit din, pamalit dito."
"Huwag na. Isipin mo na lang na souvenir ko 'yan sa pagbabalik ko dito." Pagkatapos ay inakbayan ako nito, malakas akong suminghap at umangat ang tingin sa kaniya. Isang ngiti ang binigay niya sa akin saka marahan na tinapik ang pisngi ko.
Nang biglang may humigit sa akin na ikinahiwalay ko sa kaniya, ang dalawang kamay ko ay nakapatong sa isang matipunong dibdib na mabilis ang paghinga.
Iaangat ko sana ang ulo pero hinawakan ito at mas isinisiksik ang katawan ko sa dibdib niya, niyakap ako ng mahigpit.
"Sino ka ba?" rinig kong galit na saad ni Felix.
"No. Who are you? She's mine. Back off, man!" ani ng pamilyar na boses.
JunJun?
BINABASA MO ANG
Beautiful Lie with Scars ✔
Romance[TO BE PUBLISHED] It takes a lot of truth to gain trust, but just one lie to lose it all. Belle is a gentle and compassionate woman who lives in a simple house at Baybay, Aklan. Despite their lower status, she's goal-oriented. She will prove to ev...