Kabanata 27
"Ako na muna ang papasok sa loob. Maghintay ka rito sa labas." Lucas said and turned his back at me.
I grabbed his arm, stopping him. Bumaba ang tingin niya ro'n kaya mabilis kong binawi ang kamay ko at saka tumikhim. Nasa isang bahay kami na sobrang laki na matatawag ko ng mansion. May malaking gate ang nakatambad sa aming harapan pero kami ni Lucas ay nakatago sa isang malaking puno at sinisilip ang dalawang bantay sa labas.
Si Felix ay pumunta sa estasyon ng pulis para matulungan kami. Sana mapaaga ang dating nila. Huwag sana nilang paabutin na may masaktan sa aming dalawa ni Lucas.
Nanginginig ako sa takot pero dahil ang kapatid ko ay nasa panganib ay kailangan kong lakasan ang loob ko para mailigtas siya.
"U-Uh, paano kung mahuli ako dito? Saka paano kung may mangyaring masama sa'yo sa loob?" alala kong tanong. Kinagat ko ang ibabang labi dahil sa nanginig ito. "Sama na lang ako sa'yo..." sabi ko.
Lucas's eyes stared at me for a long time before he reached my left hand and hold it tightly. I looked down at it and saw our intertwined fingers that look so fit each other. Muli ko siyang tiningnan.
"Hindi kita matiis..." mahinang bulong niya. He deeply let out a breath. "Stay by my side, okay? Sundin mo lang ang mga sasabihin ko sa'yo. Understood?"
Tumango ako.
Dumaan kami sa madilim na lugar para hindi kami makita ng mga bantay. Tahimik ang aming mga galaw at ang mga yapak dahil kailangan naming mag-ingat. Hanggang sa nakita ko ang paghugot ni Lucas sa likuran nito ng isang baril na aking ikinagulat.
Bakit mayroon siyang baril?
Malapit na kami sa kinatatayuan ng dalawa. Masyado silang mapag-obserba sa paligid kaya minsan ay nagtatago kami sa iilang pader o matatayog na halaman. Titigil sana ako sa paglalakad nang mabilis na pinalo ni Lucas ang batok ng dalawa gamit ang isang kamay nito.
Wow...
Bagsak ang dalawa. Kinuha ni Lucas ang baril na dalawa at ibinulsa ang isa, ang isa naman ay inilahad niya sa akin.
"A-Ano 'yan? Hindi ako marunong maghawak niyan!" takot kong sambit at inilayo pa ang baril sa akin. Nang makita ko ang paghugot ng baril niya ay labis na akong natakot, paano pa kaya kung hahawakan ko pa 'yon?
Lucas chuckled. "You need this. Itago mo lang sa likuran mo para hindi makita ng mga kalaban. Pero kailangan mong maging aktibo, gamitin mo 'yan kapag alam mong hindi mo na sila kaya.
"Bakit? A-Ako ba ang papasok sa l-loob? Akala ko tayong dalawa?" mangiyak-ngiyak kong tanong at lumapit pa sa kaniya habang inoobserba ang paligid kung may mga kalaban pa.
Narinig ko ang mahinang tawa niya kaya naman ay tiningnan ko siya. "Hindi, Belle. Tayong dalawa ang papasok sa loob at 'yang baril na binigay ko sa'yo ay magagamit mo sa pagligtas ng kapatid mo. Sumunod ka na lang,"
Pagpasok namin sa gate ay malakas akong napasinghap dahil may mas marami pa palang bantay do'n. Hinatak ako ni Lucas sa likod nito, nabitawan ko ang kamay niya dahil hinugot nito ang isang baril sa likuran niya, napatili ako nang makarinig ng sunod-sunod na pagputok ng baril.
Hanggang sa hinila ako ni Lucas at nagtago kami sa isang abandonadong kotse. I covered my ears. Si Lucas ay patuloy sa pamamaril habang nakatago ang kalahating katawan. Hinawakan ko ang dulo ng laylayan ng leather jacket niya. Panic din akong tumingin sa paligid dahil baka sa pwesto namin ay mayroong kalaban.
Paano ba 'to?
Ayoko na...Natatakot na ako!
Tumigil ang putukan, hinawakan muli ni Lucas ang kamay ko pero nanigas ang katawan ko na ayaw ko ng tumayo.
BINABASA MO ANG
Beautiful Lie with Scars ✔
Romance[TO BE PUBLISHED] It takes a lot of truth to gain trust, but just one lie to lose it all. Belle is a gentle and compassionate woman who lives in a simple house at Baybay, Aklan. Despite their lower status, she's goal-oriented. She will prove to ev...