02

3.3K 73 4
                                    

Kabanata 02

"Hala! Ang poging lalaki dai! Parang anghel na bumagsak sa lupa—ay sa tubig pala."

Tulala kong tiningnan ang isang estrangherong lalaki na may mala-Evan ang pangangatawan at gandang Adonis. Hindi ko mawari kung bakit may isang kakaiba akong naramdaman nang makita ko ang lalaki hindi ko maipaliwanag ito.

Ang lalaki ay nakahandusay sa buhangin na may dugo sa bandang taas ng ulo niya na umaagos pababa sa noo nito at may iilan pa siyang galos sa mukha...sa labi, mata at ilong. Ang damit nito ay para bang sobrang mahal para hawakan namin kaya ang mga tao dito ay hanggang tingin na lang sa kanya, walang may lakas ng loob na lumapit sa lalaki.

Anong nangyari sa kaniya?

"Tumabi kayong mga chismosa!" Boses ni Dracula ang aking narinig. Nasa likuran namin siya kaya binigyan namin siya ng daan. Suminghap ito at tumili saka lumuhod, niyakap ang walang kamalay-malay na lalaki. "Papi! Sobrang papi itey! Ay!!" Tili niya.

Nagsimula ang bulung-bulungan habang ako ay ngumingiwi na pinapanood si Dracula na niyayakap ang lalaki. Ilang segundo pa ay may humawak sa aking braso.

"Anong nangyari rito, Anak?"

Si Nanay lang pala.

Tumingin muna ako ng isang beses sa lalaki bago balingan muli ng tingin si Nanay. "Hindi ko alam eh. Tanungin mo sa mga bangkero, Nay baka alam nila." pagkatapos kong sabihin 'yon ay pumunta nga siya sa mga bangkero na abala sa pag-aayos ng kanilang mga lambat at pagbibilang ng isda na nahuli nila ngayong araw.

Rinig ko ang pag-uusap nila.

"Alvin, anong nangyari dito sa bata?" tanong ni Nanay.

"Nakita namin 'yan na palutang-palutang sa gitna ng karagatan mabuti nga ay nakita namin dahil kung hindi ay tiyak na kakainin na 'yan ng mga pating."

Lahat ay napasinghap sa narinig. Maski ako.

"Siya lang ba mag-isa?" Ako naman ang nag-tanong.

Lumihis ng tingin si Mang Alvin at tumango. "Oo, siya lang hija. Naghanap pa nga kami na baka may kasama pa siya, wala talaga eh. Dapat ay maaga kaming makakabalik dito pero nanatili muna kami ng kaunting oras para sa lalaking 'yan." Aniya.

"Draculang bakla na ubod ng lait, umalis ka nga diyan! Panira ka ng view!" sigaw ni Bakokang. Tinarayan lang siya ni Dracula at pinagpatuloy ang pagyakap sa lalaki. Dahil siguro sa inis ay lumapit si Bakokang sa kaniya, hinila ang buhok nito paalis hanggang nasa gilid namin nina Baktol at Barnakol.

"Puta ka, ah! Bakit mo ako kinaladkad ng gano'n?! Ikaw na babae k—" galit na galit si Dracula. Tumayo siya, aambahan ng sampal si Bakokang pero bago niya magawa 'yon ay hinarangan ko siya at tinaas ang kamao.

"Titigil ka o makakatikim ka sa'kin ng sapak?" madiin kong saad.

Matalim lamang ako tiningnan ni Dracula at sumigaw sa inis at nagwalk-out habang kumekendeng. Pinaikutan ko na lang siya ng mata.

"Anong gagawin natin sa kaniya?" Ani Barnakol. "Hindi naman pwedeng iwanan natin siya diyan."

Iyon nga rin ang iniisip ko. Hindi naman pwede na sa amin si—

"Sa inyo muna kaya siya, Belle." saad ni Baktol.

"A-Ano?"

Inginuso nito ang lalaki na tiningnan ko naman. Hanggang ngayon ay hindi pa siya nagigising, basang-basa na rin siya. Mas nababahala ako sa dugo na lumalabas sa kaniya, mahirap pa naman na matuyo 'yon.

Beautiful Lie with Scars ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon