37

2.3K 52 9
                                    

Kabanata 37

"Kailan pa? Hindi mo man lang ako sinabihan."

Napapikit ako. Sasabihin ko naman talaga sa'yo, naghahanap lang ako ng magandang pagkakataon dahil ayaw kitang masaktan.

At ayokong masira ang pagkakaibigan natin.

"Kaya pala hindi mo masagot-sagot ang mga tawag ko kasi masaya ka na pala ulit sa kanya. Hahaha." aniya. Yumuko ito saka narinig ko ang mahina nitong pagsinghot.

Kinuha ko ang susi na nalaglag at nilapitan siya. "F-Felix...look at me," marahan kong hinawakan ang baba nito.

Tama nga ang nasa isipan ko, umiiyak siya.

Tahimik na naglandas ang luha nito na pinunasan ko gamit ang hinlalaki ko.

Oh God, I made Felix cried!

"Hindi talaga pwedeng ako, Belle? Bakit hindi ako? Mas kaya kong higitan ang pagmamahal niya sa'yo, mas una kitang minahal...Pero bakit hindi mo ako magawang piliin...mahalin mo man lang ako, Belle..." he said in his shaky voice.

"Mahal naman kita, Felix. Pero noon ko pa sinabi sa'yo na hindi ko masusuklian, sinusubukan ko pero wala talaga eh...Naiinis din ako sa sarili ko kasi bakit hindi kita kayang mahalin? I loved you as a friend, as a brother but as a man of my life...I can't. I'm so sorry, Felix. Hindi ko intensyon na saktan ka ng ganito."

"If you want to blame me, hate me... then do it, Felix. Gusto kong saktan mo ako, gantihan mo ako dahil hindi ako matatahimik na nagawa kitang paiyakin...na nagawa kong saktan ang lalaking nandyan parati sa tabi ko..." nanginig na ang aking boses sa dulo ng aking pagsasalita hanggang sa maramdaman ko ang mainit na yakap.

Naidilat ko ang aking mata.

"I am not a moron, Belle. Hindi ko gagawin sa'yo ang ginawa noon ni Lucas. Hindi kita kayang saktan at kamuhian..." hinaplos nito ang likod ng buhok ko. "Kasalanan ko rin naman. Pinagsiksikan ko yung sarili ko kahit na alam kong wala naman talaga akong pag-asa."

Oh, Felix...

Sobra-sobra ang laki ng pasasalamat ko sa'yo. Kung hindi mo ako binigyan ng lakas ng loob sa panahon na dinadamdam ko ang pagkawala ng anak ko at ang pag-iwan sa akin ni Lucas, hindi ko alam kung makakaya ako nina Louise at Nanay na kumbunsihin na kailangan kong bigyan ng halaga ang buhay ko.

Kaya ngayon na nakikita kitang nagkakaganyan. Gusto kong kamuhian ang sarili ko.

Humiwalay ito sa yakap at hinalikan ang noo ko. "Mahal kita, Belle. Sobrang mahal pero kung si Lucas ang nagbibigay saya sa puso mo kailangan na kitang pakawalan. Kahit na masakit, alam kong balang araw ay makakaya ko. Kung sakaling saktan ka man muli ng lalaking 'yon sabihin mo sa akin. Okay?"

Tumango ako. "Okay. Still best friends, right?" kahit na maluha-luha ang aking mata ay nagawa ko pang ngumiti. Tinaas ko ang kamao ko sa harap niya para salubungin ang kamao niya.

Pinaikot niya ang kanang braso sa kaliwang braso ko, sinalubong ang kamao ko. "Forever, best friends..." Aniya.

I smiled.  

Thank you for loving me, Felix but I already love someone who's imperfectly perfect to me.

And, Lucas is his name.

Felix patted my head. "Pahinga ka na. Kita na lang tayo bukas."

"Sige. Send ko na sa'yo yung new type medical reports ng pasyente mo mamaya para bukas ay mabasa mo na at maib—" natigil ako sa pagsasalita nang may mabilis na itim na van ang tumigil sa aming harap.

Beautiful Lie with Scars ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon