Kabanata 25
"Hindi niya anak 'yon, pamangkin niya lang. Yung nag-message sa'kin through private message is his brother, the father of that patient."
My mouth hangs for a moment I heard Felix's answer. Nang mabasa ko ang message ay malakas ang kutob ko na siya 'yon at partida, hindi ako nakatulog sa kakaisip ng text na 'yon. Kaya tinanong ko sa kaniya si Lucas at yung bata.
Ang buong akala ko ay anak niya ang bata dahil malaki ang pagkakahawig nilang dalawa. Grabe naman 'tong pag-iisip ko.
Hays!
"Why you didn't tell me that?!" nasapok ko ang ulo ko dahil sa gulat. Tumawa naman siya.
"Because you did not ask me about that thing," he chuckled and he showed me the print document of information of Rex, Lucas's nephew.
"Yung nabasa mong message sa email ko ay tatay niya ang nagpadala pero nung gabing umuwi ako sa araw na 'yon ay nag-message ulit siya na yung tito na lang ni Rex ang sasama sa bata dahil may meeting na pupuntahan silang mag-asawa. Pumayag naman ako pero wala talaga akong ideya na siya ang Lucas na kilala ko 11 years ago."
I let out a deep sighed while massaging the sides of my temple. Ang therapy ng bata ay aabot ng anim o isang taon kung ganoon ay halos magkikita kami ni Lucas araw-araw! At masama na ang pakiramdam ko sa bagay na 'yon.
Hindi naman pwedeng iiwasan ko na lang siya sa tuwing pupunta sila dito.
"Saka tahimik pala ang isang 'yon, kung hindi ko lang siya tinatanong ay hindi siya magsasalita. Naninibago ako sa Lucas ngayon. Kahit na may galit ako sa kaniya noon ay tinuring ko pa din naman siya na kaibigan," malakas na binagsak niya ang clipboard at pinagkrus ang braso sa dibdib. "Kahit na karibal ko siya sa'yo..." Aniya.
"Felix naman..." pagod kong sabi. Alam naman niyang ayoko na ayoko ang binabalik niya ang nakaraan.
Tinaas nito ang dalawang kamay bilang pagsuko. "I know, I know...Tatahimik na po ako mahal kong prinsesa."
"Tigilan mo nga 'yang pagtawag mo sa akin ng mahal na prinsesa," inikot ko ang mata saka umirap.
"Eh prinsesa kita eh dapat pa nga mahal kong reyna ang itatawag ko sa'yo." usal nito at bumungingis pa. Iniling ko na lamang ang ulo na hindi makapaniwala sa sinabi niya at nagtipa ako sa keyboard ng computer.
"Busy ka ba bukas?" tanong ulit niya.
Umiling ako. "Hindi naman. Bibilhan ko lang si Nanay ng bagong gamot niya, paubos na din kasi eh. Tapos bibisitahin ko si Ate Muriel," nilingon ko siya. "Bakit? May ipapagawa ka ba?"
"Ah, wala. G-gusto lang sana kita ipasyal sa GreenBelt."
I pout my lips. "Ano naman gagawin natin do'n?"
"Wala lang naman..." humina ang boses nito. "Baka gusto mo lang,"
Lumabas ang maliit na ngiti sa aking labi saka tumango. "Sige. Bukas ba?"
Gulat itong napatingin sa akin, dinulas pa ang swivel chair papunta sa akin at hinawakan ang magkabilang pisngi ko.
"Payag ka na?" tumango ako saka pilit na tinatanggal ang pagkakahawak niya sa pisngi ko. Akala ko ay aalisin na niya 'yon pala ay mas lalo niyang pinanggigilan ito.
"Mashaket! A-Aray!" inabot ko ang buhok nito at sinabunutan. Siguradong mamumula ang pisngi ko dahil sa pagkurot niya, hangga't hindi niya aalisin ang hawak niya hindi ko tatanggalin ang pagkakasabunot sa kaniya. Mas nainis pa ako kasi tumatawa lang siya. Hinila ko paibaba ang buhok nito kaya napa-aray na siya.
BINABASA MO ANG
Beautiful Lie with Scars ✔
Romance[TO BE PUBLISHED] It takes a lot of truth to gain trust, but just one lie to lose it all. Belle is a gentle and compassionate woman who lives in a simple house at Baybay, Aklan. Despite their lower status, she's goal-oriented. She will prove to ev...