21

2.6K 65 9
                                    

Kabanata 21

"A-Ano pong balita sa anak ko, Doc?"

Malakas ang pintig ng puso ko. Malaki ang paniniwala ko na ligtas siya at walang nangyari sa anak ko.

Ang doktora ay huminga ng malalim at tiningnan ako gamit ang malungkot nitong mata.

"I'm sorry, Ma'm. Your baby is gone..."

Tila nabingi ako sa narinig. Ang puso ko ay parang tumigil sa pagtibok at ang mundo ko ay unti-unting nawasak. Hindi ako makahinga ng maayos.

"A-Ano pong s-s-sinabi niyo?" mahinang boses kong sabi.

"I'm sorry, Miss. Dahil po sa stress ay hindi nakayanan ng bata." ani Doktora.

Ano?

Wala na ang baby ko?

Ang anak ko, wala na?

Natakpan ko ang bibig ng lumabas ang malakas na hikbi ro'n. 

Ang sakit...

Kasalanan ko 'to. Kasalanan ko ang lahat.

Anak ko...

"Belle..." naramdaman ko ang yakap ni Felix sa akin. Dahil sa mabigat na sakit na aking nadarama ay mahigpit ko siyang niyakap at humagulgol sa balikat niya.

Niyakap din ako nito pabalik at paulit-ulit na hinahaplos ang buhok ko at ang aking likuran.

Hindi ko kaya.

Ayokong paniwalaan ang sinabi ng doktor.

Si Felix ang huli kong nakita bago ako mawalan ng malay habang tulalang tinitingnan ang alon na papunta sa akin. Siya ang nagdala sa akin sa ospital. Sabi niya ay papunta na sina Nanay at Louise dito.

Papaano ko sasabihin sa kanila na wala na ang bata? Na wala ng apo si Nanay? Na wala ng pamangkin si Louise, na wala na ang anak ko.

"F-Felix, wala na ang anak ko...wala na siya...kasalanan ko 'to. Dapat ako na lang eh...ako na lang. Bakit siya pa?" paos na ang boses ko at sobrang sakit na ng aking lalamunan. Ang luha ko ay walang tigil sa pag-agos.

Nanginig ang labi ko. Ni hindi ko man lang nahawakan ang anak ko, hindi ko man lang siya naramdaman na sumipa. 

Walong araw pa lang siya sa akin...

Bakit ang bilis naman Niya kunin sa akin ang anak ko? 

Bakit?

Ito na ba yung kabayaran sa kasalanan na nagawa ko?

Bakit ang anak ko pa?!

Iniwan na nga ako ng ama niya na walang kaalam-alam na nagdadalang tao ako tapos mawawala rin ang anak ko?

Ano pang matitira sa akin? 

Hindi ko na alam gagawin ko. Hindi ko na alam...

"Anak, nagmamakaawa ako sa'yo lumabas ka na riyan sa silid mo. Nandito si nanay. Nandito pa kami ng kapatid mo. Anak naman...huwag mong hayaan na kainin ka ng lungkot. Kung gusto mo ng kausap, handa akong makinig. A-Anak kita kaya ako ang tanging kakampi mo rito. Parang a-awa mo na anak...p-papasukin mo na si nanay. Tutulungan ka ni nanay..." rinig ko ang panginginig ng boses ni Nanay sa labas ng kwarto ko. 

Niyuko ko ang ulo at ipinatong ito sa dalawang tuhod ko. Hindi ko na alam kung ilang araw na ako katagal nandito sa loob ng kwarto ko.

Hindi kumakain. Hindi umiinom ng tubig. Hindi lumalabas. Walang sapat na tulog. Tanging pag-upo sa paanan ng kama ang ginagawa ko.

Beautiful Lie with Scars ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon