35

2.6K 51 2
                                    

Kabanata 35

"Bakit ngayon ka lang umuwi, Ate?"

Nilagpasan ko siya ng lakad at pagod na umupo, tinanggal ang heels na suot. "Sa bahay ako ni Lucas, nakitulog." sagot ko at binagsak ang ulo sa sandalan ng sofa. "Kamusta nga pala si Nanay? Nasaan din nga pala si Beauty?"

"Nasa kwarto pinapalitan ng damit si Nanay. Lagot ka, hinahanap ka ni Nanay kagabi. Lagot ka talaga." pananakot ni Louise.

Binangon ko ang ulo saka nilingon siya sa likod. "Lagot ka talaga," I mocked her words.

Louise smirked. "Nakitulog ka nga lang ba kay Kuya Lucas? Sa hitsura mo parang naka-score kayo kagabi ah." Humalakhak siya.

My cheeks flushed. Tumayo ako. "S-Shut up!" madiin kong sambit.

Patuloy pa din siya sa pagtawa at nilapitan ako. Malakas niyang tinampal ang braso ko na aking ikinahiyaw, inambahan ko siya ng sapak pero binelatan niya lang ako.

Naku! Louise!

Nagkunwari pa itong nag-isip. "Hmm...So it means, nagkabalikan na kayo?"

Tumango ako. "Oo,"

Nanlaki ang mata niya at tumili habang tumalon-talon sa tuwa. Sinuway ko naman siya dahil baka natutulog sa itaas si Nanay, maingayan pa sa lakas ng boses niya.

Ilang segundo pa ay tumigil na ito, sumeryoso ang mukha. "Napatawad ka na niya?"

I nodded, again. "Matagal na raw,"
Marami pa siyang tinanong na sinasagot ko naman. Hindi kasi talaga ito titigil kapag hindi ko siya sinagot. Pinuntahan ko ang kwarto ni Nanay para kamustahin ang kalagayan niya at alam ko namang nag-alala siya sa akin dahil hindi ako nakauwi kagabi dito.

Bago kasi ako matulog ay pinupuntahan ko muna siya at kakantahan ng iilang paborito niyang kanta para mabilis siya makatulog.

At nag-aalala din ako na baka hindi siya nakatulog kagabi.

Hays, dapat pala umuwi na ako!

Bakit ba kasi hindi ko matiis ang mga erotikong hawak sa akin ni Lucas?!

"Okay na po kami ni Lucas, Nay." sambit ko. Umayos akl ng pagkakaupo sa tabi niya, Hinawakan nang marahan ang kamay nito. Nakatitig lamang siya sa akin, naghihintay pa ng mga sasabihin ko. "Isang buwan na po ang nakakalipas nang nagtagpo muli ang aming landas. Kahit anong pilit kong umiwas sa kanya ngunit mas lalo kong pinapahirapan ang sarili ko. Hinahanap-hanap siya ng puso ko, Nay... Hanggang ngayon, mahal ko pa din si Lucas..."

Nagsimulang manubig ang mga mata ko.

"Bakit ganoon, Nay? Bakit sobra-sobra ko siyang mahal?" naguguluhan kong tanong. Mariin kong pinikit ang mga mata ko at huminga ng malalim. Siguro, kasi siya ang first love ko...My heart was devoted to him...and my soul.

Naidilat ko ang mata nang naramdaman ko ang paggalaw ng hintuturo ni Nanay sa aking palad kahit na nakapatong ang kamay ko sa ibabaw ng kamay niya.

Bumaling ang tingin ko sa kanya.

"Errr—Eh—Gus..."

May gusto siyang sabihin!

"Nay..." mahinahon kong sambit. Pinunasan ko ang laway sa gilid ng labi nito gamit ang hinlalaki ko. "Galit po ba kayo kay Lucas?"

Hinintay ko ang pagtango o pag-iling niya sa tanong ko pero pinipilit niya talagang magsalita kaya hinayaan ko siya. Baka maintindihan ko din ang gusto niyang sabihin.

"Gus—gusto...k-ko—" tumigil siya. "k-kita Lu-Lucas..."

"Gusto niyo pong makita si Lucas? I mean, gusto niyo pong pumunta dito si Lucas?" klaro kong saad.

Beautiful Lie with Scars ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon