17

2.2K 54 4
                                    

Kabanata 17

"Tulungan mo kami. Please?"

Bumuga ako nang marahas na hininga saka kinamot ang ulo.

"Hesley, kapag nahalata ni Prof. Laurente ang pagkakaiba ng sulat natin lagot tayo." tugon ko.

Ngumuso si Hesley. "Hindi ko talaga kasi magagawa eh. Aalis kami ng family ko bukas. Ibibigay ko pa lang sa mga prof natin yung excuse letter ko. Eh 'di ba, bukas din ang bigayan ng research project and proposal? Kaya sige na. Ayoko kasing maghabol. Gusto mo pagbalik ko rito, dalhan kita pasalubong?"

Umiling ako. At naisip na may babayaran pala si Louise. "Pautang muna ng 200 pesos balik ko na lang sa makalawa." sabi ko.

"Kahit huwag mo na ibalik!" kinuha nito ang mahabang wallet sa bag at nilabas ang dalawang isang daan saka inabot sa akin. Tinanggap ko naman 'yon. "So it means, payag ka na ah. Alam ko naman na madali lang sa'yo gawin 'yon." niyakap nito ang kanang braso at ikinikiskis ang mukha na ikinangiwi ko.

"Buti nga tapos na ako. Kaya yung sayo na lang ang gagawin ko mamaya. Saka susubukan ko gayahin ang sulat mo." usal ko at pinitik ang noo niya. "Uy, madumihan uniform ko. Ang kapal pa man din ng foundation mo."

Lumayo saka ngumuso ulit. "Grabe ka naman, Belle..." Aniya at inirapan ako.

Tinawanan ko lamang siya.

Sasabay sana sila sa akin palabas pero nang makita si Felix na nag-aantay sa harap ng corridor ay isa-isa silang nagpaalam sa akin. Lumabas na ako ng silid-aralan at nginitian si Felix.

"Tara na?" saad ko at tinalikuran siya. Tumabi naman ito ng lakad sa akin.

"Foodtrip tayo? Diyan lang sa tapat ng main gate. Mura at masarap pa."

Nilingon ko siya. "Streetfood ba?"

Tumango si Felix. "Oo. At alam kong hindi ka tatangi kapag streetfood ang usapan..." tinaas-baba nito ang kilay niya kaya nginisian ko na lang siya.

Kailangan pa pala namin tumawid pero malapit lang naman pala. Saka hihintayin ko pa pala si JunJun na lumabas kaya madali lang sa akin na makita ang paglabas niya sa gate.

"Manong, dalawang 20 pesos na fishball, dalawang trenta pesos sa kikiam at kwek-kwek saka dalawang kinse na palamig. Salamat." ani Felix sa tindero.

Kinalabit ko siya. "Andami naman."

"Alam kong matakaw ka eh. Baka nga hindi pa kasya sa'yo ang sinabi ko." tawa niya.

Kinurot ko ang tagiliran niya na ikinahiyaw nito. "Pinapataba mo lang ako saka alam ko kung paano ko limitahan ang pagkain ko niyan, baka magka-Hepatitis B pa ako noh!"

Abala siya sa paglalagay ng sauce habang ako ay nagsisimula ng kumain. Nilingon ko ang gate, may nakikita na akong same color code ng uniform na katulad kay JunJun. Dark red kasi ang sa Engineer Course habang sa Med-Tech Courses naman ay Light Blue.

Nailapag ko ang dalawang baso na hawak ko nang makita ang isang kuting sa gitna ng kalsada. Madami ang dumadaan na mga estudyante na tingin lang ang binibigay sa maliit na kuting.

Maingay ito at parang takot. Nakaupo siya sa kalsada, nanginginig.

Kawawa naman. Sarap ampunin kaso may rabies eh.

Naglakad ako papunta sa pwesto niya. Dume-kwatro ako ng upo saka handa na siyang kunin nang may marinig akong malakas na busina.

"Belle!"

May humatak sa braso ko, buti na lang ay mabilis na tumakbo ang kuting sa kung saan. Ang katawan ko ay yakap-yakap ni Felix, ramdam ko pa ang mabigat niyang paghinga.

Beautiful Lie with Scars ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon