Kabanata 30
"Louise? Pakiaabot nga yung damit ni Nanay,"
Piniga ko ang basang tuwalya at pinunas ito sa kaliwang braso ni Nanay. Binigyan ko siya ng ngiti.
May sinasabi siya na hindi ko maintindihan.
"Nay, huwag niyo pong ipilit." saad ko at hinalikan ng marahan ang noo nito.
Tumayo ako sa pagkakaupo at lumipat sa bandang ibaba niya para 'yon naman ang mapunasan ko.
Tatlong linggo nanatili si Nanay sa hospital habang si Louise ay anim na araw lang. After those three weeks of check-ups and medications to Nanay, she already discharged yesterday. Nasa bahay na kami at inaasikaso ang pagpupunas sa katawan ni Nanay.
Ang buong katawan niya ay tumigas. Alam kong mahirap para sa kanya 'yon, okay sana kung kalahating katawan lang ang nadaanan ng stroke kasi may chance na makakagalaw ng kaunti pero iba ang sitwasyon niya kaya sa mga galaw ko ay dinahan-dahan ko para hindi siya masaktan.
"Heto, ate." inabot sa akin ni Louise ang damit.
"Hawakan mo muna, ikaw ang magdamit kay Nanay. Magluluto ako ng tanghalian at kailangan ko ding umalis para matulungan si Felix." nang matapos na ito ay tumayo na ako at nilagay ang tuwalya sa palanggana. "Anong oras nga pala pasok mo? Para makauwi ako,"
Inumpisahan na niyang damitan si Nanay. "Mamayang hapon pa ang pasok ko, ate."
"Sige, text mo na lang ako kapag aalis ka na. Baba na ako." dinala ko ang palanggana sa ibaba at tinapon ang tubig nito sa kusina, ang tuwalya ay sinampay ko sa banyo sa ibaba.
Saktong alas-nwebe y trese ay umalis na ako. Lugaw at adobong atay ang niluto ko na iniwan ko sa kusina para sa tanghalian nilang dalawa. Si Louise kasi ay hinahabol ang mga missed activities nito pero doon na siya gumagawa sa kwarto ni Nanay para mabantayan niya ito.
Pagdating ko sa pasibilidad ay binati ako ni Divina. Hindi ko na siya inaabala na ihatid ako sa check-up room dahil may mga pasyente na at kailangan niyang asikasuhin 'yon.
I guess I need to hire new nurses so that Divina can rest for a while and she'll have a new friends.
I'll talk about it to Felix.
Nahahati din kasi ang sahod namin para maibigay kay Divina. Mabait at attentive license nurse siya kaya gustong-gusto ko siya. Kahit na may malalaking hospital naman na kaya siyang pasahurin ng malaki ay napili niya pa din dito sa amin.
Nginitian ko na lang si Felix, hindi ko kasi siya pwede abalahin dahil may kinakausap na siyang pasyente. Umupo na lamang ako sa desk ko saka nginitian ang matandang pasyente.
Pagkatapos ng pag-uusap ng dalawa ay kinalabit ako ni Felix kaya nilingon ko siya. "Bakit? Sorry nga pala dahil naiwan kita dito. Hassle siguro noh?" inginuso ko ang labi saka tinigil ang pagsusulat.
Tumawa ito. "Medyo lang naman. By the way, kamusta na nga pala si Tita?"
"Iyon nahihirapan. Hindi na nga ako nakakatulog ng mabuti sa gabi dahil iniisip ko palagi ang kalagayan niya kaya doon na lang ako nakakatulog sa tabi niya,"
"Gusto mo do'n muna ako sa inyo para masamahan kita sa pag-aalaga kay Tita? Wala din naman akong ginagawa sa bahay saka mag-isa lang din naman ako, mas mabuting masamahan ko na lang kayo." Aniya.
Umiling ako at nginitian siya. "Kaya ko pa naman. Tatawagan na lang kita kapag kailangan ko na ng tulong mo. Siya nga pala, may gusto sana akong i-suggest."
"Sige lang,"
"Tingin ko ay kailangan nating magdagdagan ng nurse. Kahit dalawa lang para naman may kapalit oras si Divina. What do you think?" Tinaas ko ang kilay saka pinatong ang nakasaliklop na kamay sa ibabaw ng desk.
BINABASA MO ANG
Beautiful Lie with Scars ✔
Romance[TO BE PUBLISHED] It takes a lot of truth to gain trust, but just one lie to lose it all. Belle is a gentle and compassionate woman who lives in a simple house at Baybay, Aklan. Despite their lower status, she's goal-oriented. She will prove to ev...