Kabanata 13
"Class, we will have a pre-demonstration tomorrow. Please, review the major perspectives of modern psychology. The topics are structuralism, functionalism, psychoanalysis, behaviorism, and humanism. And after our activity, we will have a long exam. That's all. Class dismisses."
Nagsitayuan ang lahat. Lumapit sina Bernadette sa upuan ko.
"Kamusta na si JunJun?"
"Okay lang," nang mailagay na ang notebook sa bag ay tumayo ako. "Mauna na ako sa inyo." nilagpasan ko sila pero tinawag ako ni Bernadette. Nilingon ko siya.
"Hindi mo na kami masyado pinapansin. Simula nung pumunta tayo sa bar...G-Galit ka ba sa ginawa ko? Yung paghalik k—"
Pinutol ko ang sasabihin niya. "Sa tingin mo? Okay lang 'yon, wala namang malisya 'di ba?" tinaas ko ang kilay at nginitian siya ng kaunti.
"Oo naman. Ano ka ba naman! Friendly kiss lang 'yon!"
"Sige..." walang gana kong sabi at iniwan na sila sa kwarto. Limang buwan nang nanatili sa amin si JunJun. Sa limang buwan na 'yon ay masasabi ko na sobrang saya ko. Ang gaan sa pakiramdam. Kapag linggo ay nagbebenta kami. Sa sabado kasi ay busy din ako sa paggawa ng mga takdang-aralin. Kahit na gusto ko sanang tinulungan si Nanay sa pagtitinda ay wala akong magawa. Mas kailangan kong pag-igihan ang pag-aaral...hindi lang naman para sa akin 'to, para sa pamilya ko din ang laban ko.
Nakita ko si Felix sa canteen. Nakaupo mag-isa sa table umbrella. Hindi na ako nagdalawang-isip na lapitan siya, nang maramdaman ang presensiya ko ay inangat nito ang ulo sa akin pero umiwas din.
"M-Musta Felix?"
"Okay lang," sabi niya sa walang ganang boses. Narinig ko ang malakas na pagbuntong-hininga niya saka tumayo. Sinundan ko siya hanggang sa hawakan nito ang palapulsuhan ko. Hinigit sa kung saan.
"Sandali l-lang. Saan mo ako dadalhin?!" pagpupumiglas ko. Mas lalong humigpit ang hawak niya sa akin na ikinahiyaw ko sa sakit. Nabalot ng takot ang puso ko nang dalhin ako nito. sa rooftop.
Anong binabalak niya?!
"F-Felix..." nanginig ang aking boses Naluluha na rin ang mata ko. "Bakit ka nagkaganito? Hindi na kita maintindihan."
Binitawan niya ang kamay ko saka tumalikod. Mabigat at mabilis ang paghinga niya. Sinuklay ko nito ang buhok saka sumigaw ng napakalakas. Natakpan ko ang aking tainga dahil sa takot. Takot na baka saktan niya ako.
"Bakit kasi..." bulong niya saka hinarap ako. Nagulat ako dahil sa nakita. May luha sa kaniyang mga mata. "Tangina! Nakalimutan na kita eh pero bwisit! Hindi ko mapigilan ang sarili ko. Minahal kita ng sobra-sobra. Mahal kita, Belle. Mahal na mahal. Desperado na ako na makuha ka sa kaniya."
"Pero, Felix—"
"Ano? Reject na naman ako? Na hanggang kaibigan lang talaga ako para sa'yo? Hindi ko kaya, Belle. Hindi ko kaya..." humina ang boses nito.
"You need to accept it, Felix. Kaibigan lang talaga ang kaya kong ibigay sa'yo. Huwag ako ang mahalin mo, maraming iba diyan na nakatuon ang atensyon sa'yo."
"Pero ikaw ang gusto ko," Aniya.
"Hindi ikaw ang gusto ko...Si JunJun." Natahimik siya. "Itigil mo na 'to. Walang saysay ang lah—"
Mabilis niya akong nilapitan at hinawakan ang dalawa kong pisngi. Sinubukan na halikan ako pero tumanggi ako. Ginalaw-galaw ko ang aking ulo saka madiin na sinarado ang bibig ko. Impit akong umiiyak, paulit-ulit na pinaghahampas ang dibdib niya maging ang mukha niya.
BINABASA MO ANG
Beautiful Lie with Scars ✔
Romance[TO BE PUBLISHED] It takes a lot of truth to gain trust, but just one lie to lose it all. Belle is a gentle and compassionate woman who lives in a simple house at Baybay, Aklan. Despite their lower status, she's goal-oriented. She will prove to ev...