39

2.2K 52 1
                                    

Kabanata 39

"The 6 months of treatment for Rex Fernandez is now ended. You can now down your payment of six-months therapy through our account. " Felix happily said.

We both smiled at Mr. Haldwin Fernandez, the brother of Lucas and Rex's father. Nginitian ako ni Rex na kumakain ng Magnolia Ice Cream. Masasabi ko na maayos na ang kondisyon ng bata kaysa noon na hindi siya ngumingiti at kung saan-saan na lang tumitingin, hindi ka tinitingnan sa mata.

"We're already paid, exact of fifty-million pesos. Thank you for treating my son's condition." Haldwin said.

Both Felix and I gasped in shock with enlarged eyes when we heard the fifty million pesos. That's too much!

"But, Mr. Haldwin, the—" Felix utters.

"It's a small thing, Doc. Ginawa niyo ang lahat para gumaling ang anak ko. Hindi biro ang kondisyon ng anak ko, maging ako na mismo niyang magulang ay hindi ko siya kayang gamutin sa sarili ko. Sa tingin ko pa nga ay kulang ang bayad." Aniya.

Mabilis na umiling si Felix, gumaya rin ako. "Malaking halaga na po 'yon, Sir. Thank you for giving your trust to us. Mr. Fernandez."

Marami pa silang pinag-usapan pero kailangan ko ding magtrabaho. Minsan ay naririnig ko pa ang mga pinag-uusapan nila ngunit pinagsasawalang bahala ko na lang 'yon.

Mahahalata na magkapatid sina Lucas at Kuya Haldwin dahil sa same features ng mukha nila. Ang pinagkaiba lang ay ang kanilang mga mata. Si Kuya Haldwin ay singkit habang si Lucas ay narrowed-rounded eyes na sa unang tingin mo pa lang sa kanya ay masungit at suplada na. Mas matangkad si Lucas sa kanya. Pero kung sa body build ay mature ang pangangatawan ng kuya niya siguro ay batak sa gym.

Umalis muna ako sandali para magtimpla ng kape habang wala pa naman akong next appointments. Iniwan ko ang tatlo sa loob at mukhang nagkakatuwaan naman sila, maging si Rex ay sumasali sa usapan.

That's good to see.

Nakasalubong ko ang bagong nurse papunta sa pangalawang hallway ng unang palapag.

"Hi, Doc,"

"Hello, Thea, in 30 minutes you and Divina can have your lunch." 

She nods her head. "Sige po, Doc."

Binigyan ko na lamang siya ng tango at tinungo ang coffee vending machine. At nang matapos na ang pagtimpla ay tinikman ko ito. Biglang may nagsalita sa likuran ko.

"Belle?"

Napaso ng kaunti ang dulo ng dila ko kaya naibaba ko ang baso saka hinarap si Kuya Haldwin.

"Oh! Sorry! Nagulat 'ata kita. " He chuckled.

I laughed awkwardly. "Hi, Kuya Haldwin. May kailangan ka?"

Umiling ito saka sumandal sa pader na hindi kalayuan sa akin, pinag-krus pa ang braso sa lebel ng dibdib niya. "Wala naman. I just want to have a little chitchat with you."

"Oh..." alanganin kong sagot.

"Did you know that you're the only one whom Lucas takes seriously as a woman and introduces to our family?" He smirked. 

Umiling ako. Wala naman kasi akong alam sa mga naging karelasyon ni Lucas at ayoko din na halungkatin ang mga nakaraan niya. Kung madami siyang nakarelasyon ay hindi ko na dapat pinoproblema 'yon dahil sa akin naman na ngayon si Lucas, ako lang ang mahal niya. Masasayang lang ang oras ko kung pag-uusapan namin 'yon.

Beautiful Lie with Scars ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon