Kabanata 24
"Doc. Santos, the patient of Doc. Felix has already arrived. Magkasunod nga lang po kayo. Hatid ko na po kayo sa check-up room."
And that was the moment I start panicking. If I will go to that check-up room magkikita kami!
"Doc? May problema ho ba kayo? Bakit parang balisa po kayo ngayong araw?" tanong ni Divina. Umiling na lang ako saka pinakitaan siya ng ngiti na sigurado.
"Oo, okay lang ako." sabi ko at inunahan na siya maglakad. Natapik ko pa ang puso ko dahil sa sobrang pagpintig nito, namamawis na din ang aking palad.
May dapat pa ba akong mukhang ihaharap sa lalaking pinagsinungalingan ko?
Saka ano naman kung magkikita kami? Ika nga nila maliit ang mundo na ginagalawan natin. At labing-isang taon na ang nakakalipas nung huli kaming nagkita sigurado ako na nakalimutan na niya ako.
Hindi ko alam...
Nginitian ko si Divina, siya na ang pumihit ng doorknob. Para akong nalagutan ng hininga ng magsalubong ang aming mata...ang berdeng mata na minahal ko ng lubos.
Halos magwala muli ang puso ko.
Siya rin talaga ang nagpapadama sa akin ng ganito.
Umiwas ako ng tingin ng napansin ang matagal naming pagkakatitig. Inayos ko ang white coat ko at diretsong naglakad sa desk ko na kaharap lang nila, dalawang metro ang layo.
Pilit akong ngumiti "Good afternoon..." bumaling ako sa bata na katabi nito na tumingin-tingin sa paligid.
Kinuha ko na lamang ang mga clipboard folders na kailangan kong basahin. Hindi ko na sila tiningnan pa. Sobrang tahimik ng paligid, hindi ako sanay kapag may pasyente.
Ngayon lang ako kinabahan at nahihiyang kausapin ang isang pasyente. Iba naman kasi 'to! May nakaraan kami kaya syempre, mahihiya talaga ako lalo na ako ang nakagawa ng kasalanan.
Pasimple kong sinilip ang relo ko. Alas-nwebe y kinse na ng umaga. Nasaan na ba si Felix?! Hindi pwedeng paghintayin ko lamang sila dito. Baka maging pipi pa kami dahil walang balak na magsalita.
Pinakielaman ko ang mga dokumento ni Felix sa desk niya, nakita ang isang bago at malinis na papel na nakalagay sa clipboard.
Ito 'ata ang papel dahil nabasa ko ang pangalan na 'Kaiden Lucas Fernandez'
So, his surname is Fernandez huh?
Nilakasan ko ang loob ko. Umupo ako ng maayos at tumikhim, sinalubong ang tingin niya.
"You have an appointment with Doc Felix?" I asked.
"Yes," He said in a low voice, looking at me intensely. I looked away and focus my stare on the young boy who's busy pointing something to his side.
I showed a sweet smile. "We should start. Doc. Felix will arrive late and I don't think you can wait for him..." Out of nowhere, I said.
Thank goodness I have that big confidence urging myself to talk to him. I took my pen, a new pad clipboard to take some notes and started to ask some questions.
"What is the name of the child?" I asked.
Nanatili akong nakatingin sa papel ko at hinihintay ang sagot niya.
Sigurado ako na anak niya 'to kasi magkahawig ang dalawa lalo na ang berdeng mata.
"Rex Xavier Fernandez."
Sabi ko na.
Binalewala ko ang biglaang pagsakit ng puso ko dahil hindi dapat sa ganitong oras ako mag-drama.
BINABASA MO ANG
Beautiful Lie with Scars ✔
Romance[TO BE PUBLISHED] It takes a lot of truth to gain trust, but just one lie to lose it all. Belle is a gentle and compassionate woman who lives in a simple house at Baybay, Aklan. Despite their lower status, she's goal-oriented. She will prove to ev...