32

2.5K 58 7
                                    

Kabanata 32

"You still love me, right, baby?"

Ano nga bang gagawin mo kapag sinabi ko sa'yo na hanggang ngayon ay mahal na mahal kita? Na gusto kong nasa tabi kita palagi, na ayaw na kitang umalis ulit.

Ano ang gagawin mo, Lucas? Lalo na kapag nalaman mo ang tungkol sa anak natin?

You will hate me so much...

I feel inflexible when his calloused and big hands touch mine. He tightened his grip and slowly he turned my body to him. Lucas looked a little bemused, clenching his jaw and brows furrowed.

"Answer me—"

I cut his words and flinched my hand to his grip. "Yes! Yes! Mahal kita! Mahal na mahal kita, Lucas! Pero natatakot ako..."

Bumalik sa isipan ko ang pangyayari sa Baybay na hindi niya ako pinakinggan sa lahat ng pagsusumamo ko. Inisip niya lang ang ginawa kong kamalian pero hindi siya naniwala na mahal na mahal ko siya na hindi ko kaya na iwanan niya ako. Pero anong ginawa niya?

He left me...

And this time, I don't want to be selfish, again. If he wants to leave me then I will. Kung ikakasaya niya naman na makita akong maging desperada sa kanya dahil patuloy kong hihilingin na maging masaya siya. Kahit dumating na sa punto na hindi na ako ang dahilan.

Lucas stared at me. I bit my lower lip.

"Pwede naman tayong mag-grow together ng magkasama at 'di kailangan iwan ang isa't-isa," tumigil ako ng ilang sandali. "Pero mas pinili mong iwan ako mag-isa..." mapait kong saad at tumulo ang luhang kanina ko pa pinipigilan.

Wala na akong pakialam kung may makakita sa amin dito, ito na ang pagkakataon na ilalabas ko lahat ng hinanakit ko na aking itinago sa loob ng labing-isang taon.

Mapait akong natawa na para bang nabaliw na.

"At alam mo ba, naniniwala na talaga ako sa promises are meant to be broken. Kasi lahat ng sinabi mo parang pangako na rin sa'kin 'yon. Nangako ka, Lucas! Nangako ka na hinding-hindi mo ako iiwan! Pero anong nangyari?" pumiyok na ang aking boses at ang mga luha ko ay tuloy-tuloy na sa paglandas.

"Isang pagkakamali lang naman 'yon. Bakit kailangan mo akong iwan? Hindi mo ako pinakinggan! Sa araw na 'yon pinaramdam mo sa akin kung gaano ako kasamang tao! Pwede naman nating pag-usapan ng maayos ah? Bakit mas pinairal mo 'yang galit mo kaysa sa intindihin ako?"

Sinubukan nitong abutin ang kamay ko pero mabilis akong humakbang paatras.

"Belle..." pabulong na tawag niya na para bang nahihirapan na din siya.

Bakit siya mahihirapan? Hindi naman siya ang iniwanan.

"Tapos ngayong nagkita tayo ulit—Tangina! Para bang wala lang sa'yo ang ginawa mong pag-iwan sa akin noon," marahas kong pinunasan ang luha sa mga mata ko.

Ang sakit ng puso ko.

Gusto ko siyang saktan para malaman niya ang alab ng damdamin sa puso ko.

Pero nanghihina ako ngayon.

Ilalabas ko ang lahat ng hinanakit ko na nakaya kong itinago sa loob ng labing-isang taon!

Humikbi ako at dinuro ko siya. "Nagmakaawa ako sa'yo na huwag mo akong iwan dahil mahal kita, Lucas at kailangan kita! Kailangan kita..."

He stepped once forward. "Oo, nadala ako sa galit ko, mali din ako. May mga bagay akong sinabi na pinagsisihan ko pero mas pinagsisisihan ko yung mga bagay na hindi ko na nasabi bago kita iwan,"

Beautiful Lie with Scars ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon