14

2K 52 4
                                    

Kabanata 14

"I'm sorry, Belle. Please, pansinin mo naman ako..."

Hinayaan ko si Felix na magsalita sa tabi ko. Kasama ko ngayon sina Bernadette, Hesley at Lovely kumakain sa canteen. Bigla nalang lumapit sa amin si Felix at lumuhod sa gilid ko.

Madaming tao na ang nakatingin sa aming pwesto. Pero kasi hindi ko magawang ibukas ang bibig ko kahit na gusto ko siyang kausapin.

"Hindi ko sinasadya. Please..." pagsusumamo niya.

Nagkatinginan kaming apat, silang tatlo ay nagkibit-balikat at nagpatuloy sa pagsubo ng kanilang kinakain samantalang ako ay hindi ko pa nagagalaw ang pagkain ko. Huminga ako ng malalim saka nilingon si Felix.

"Tumayo ka na diyan, isipin pa ng mga tao na sobrang sama ko dahil pinaluhod kita dito..." usal ko.

Umiling siya. "Wala akong pakialam sa kanila. Hindi ako tatayo dito hangga't hindi mo ako papatawarin,"

Kinagat ko ang ibabang labi. Hindi naman ako galit sa kaniya eh natakot lang ako sa ginawa niya sa akin do'n sa rooftop. Unang beses ko 'yon nakita sa kaniya at hindi ko aakalahin na magagawa niya sa akin 'yon. 

Gano'n ba talaga ang pagmamahal? Nagiging desperado ka na para makuha lang ang gusto mo? Gano'n din ba ako? Ngayon kasi ay nagsinungaling ako maituturing ba na desperada ako?

"Pinapatawad na kita. Sige na, tumayo ka na diyan. Kapag nakita pa tayo ng mga head prof. ako ang dehado dito." sabi ko.

Ngumiti ito at mabilis na tumayo saka niyakap ako ng mahigpit. Malakas akong napasinghap at naitulak siya...

Nagkatinginan kaming dalawa, yumuko ang ulo nito. Hindi ko sinasadya ang pagtulak sa kaniya. Sadyang nagulat lang ako at bumalik sa isipan ko ang paraan ng agressibong pagtatangkang halikan niya ako.

Tuluyan na ngang lumayo ang loob ko sa kababata ko.

Natakot na ang sarili ko sa kaniya.

"Sorry..." bulong niya. "Kahit paulit-ulit akong humihingi ng tawad sa'yo, hindi ako magsasawa...malaki ang kasalanan ko sa'yo, Belle. I am deeply sorry for what I've done to you...Sorry."

"O-Okay na 'yon, Felix..."

Tapos na ang dalawang linggo na suspension niya. Pero hindi maiiwasan ang iilang usap-usapan tungkol sa nangyari. Halos kumalat 'yon sa buong campus. At nang bumalik siya ay hindi maalis ang tingin sa kaniya na parang pinangdidirian siya. Naawa naman ako sa kaniya, alam kong hindi niya kagustuhan 'yon.

Nagmahal lang siya...Pero mali ang paraan ng pagmamahal niya.

Ang pagmamahal kusang dumadating hindi pinagpipilitan.

"Ayos na kayo?" Nalihis ko ang tingin kay Helsey.

"Oo." sagot ko.

Ngumiti silang tatlo saka binigyan ako ng thumbs-up. "Ang bait mo pala no, akala ko masungit ka nung una. Kasi palagi kang nag-iisa sa gilid saka nagbabasa. Tapos kapag tumitingin ka ang suplada ng mga mata mo." ani Lovely.

Sumang-ayon ang dalawa. "Yes. But even you have that bitchy face your heart is pure..." ani Bernadette.

My heart is pure? Really?

Kung busilak ang aking puso hindi ako dapat nagsinungaling kay JunJun, 'di ba?

Ibinaling ko ang tingin kay Felix. Akala ko ay nasa tabi ko pa siya pero nakita ko na lamang ang kaniyang likod at naglalakad ng marahan palayo sa canteen. Hanggang sa makita ko si JunJun na papasalubong sa lakad ni Felix.

Beautiful Lie with Scars ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon