15

2.3K 57 4
                                    

Kabanata 15

"Kuya? Magkano po 'tong Samsung Galaxy A10?"

"3, 299 Ma'm." sagot ng lalaki. "Dual Sim po siya, 32GB and RAM of 2GB po. Swak na swak po sa budget. Ito na po ang pinakamura sa amin. Mayroon po kaming tig-7.5k po. 34GB naman po siya and mas manipis po kaysa rito sa A10."

Nilingon ko si JunJun. "Okay na 'to. Saktong apat na libo lang ang naipon natin. Ano? Kunin na natin?"

Tumango siya, pinisil ang beywang ko. "Oo. Sakto na 'yan para kay Louise." aniya.

Tiningnan ko ang lalaki. "Sige po. Bilhin na namin." ngumiti ako. Nilabas ko na sa pitaka ko ang apat na isang libo. Bibili pa pala kami ng SIM saka charger. Sakto ang nadala ko. Salamat naman.

"Assembly lang po natin, Ma'm and Sir. Please have a moment."

Sinusundan ko lang ng tingin ang ginagawa ng lalaki. Napangiti ako nang pumasok sa isipan ko ang malaking ngiti at tili ng kapatid ko kapag nakita niya 'to. Wala akong cellphone na tulad nito. SAMSUNG Keystone SM-B105E ang gamit ko, nagagamit ko talaga 'yon sa pag-text at pagtawag sa mga kaibigan at kay Nanay.

"Kain muna tayo bago umuwi." ani JunJun. Hinawakan nito ang kamay ko at pinaglaruan ang bawat pagitan ng daliri ko. "Ano gusto mo?"

"Kahit sa tapsilogan na lang para makamura tayo." sabi ko.

Nang makapagbayad na ay umalis na din kami at lumabas na sa mall. Sumakay pa kami ng dalawang jeep bago kami nagtungo sa malapit na tapsilogan sa Tangalan. Sasakay ulit kami ng jeep para makadating sa palengke tapos ay lalakarin na lang namin hanggang sa bahay.

Pagkauwi ay hindi ko nakita si Louise sa loob. Si Nanay ay nasa tindahan ni Aling Bebe, nakikipag-chismisan na naman.

"Naglalaro 'ata." usal ko at nilapag ang shoulder bag sa upuan at naupo. "Hay!" pagod kong saad at sinandal ang likod sa matigas na sandalan ng kawayan. Si JunJun ay nakita kong kumuha ito ng dalawang baso ng tubig. Kaagad ko naman itong tinanggap at ininom.

Binaba ko ang baso at tumayo. "Palit muna ako damit." Tumango siya at uminom ng tubig. Isang maluwag na asul pajama ang sinuot ko saka t-shirt na kahel ang kulay. Sinuklay ko ang magulo kong buhok bago lumabas ng aking silid. 

Nakita ko si Louise na kinuha ang bag ko, nando'n ang cellphone.

"Loui—" pipigilan ko sana kaso nakuha na nito ang supot na sa loob ay ang box ng cellphone. Nagkatinginan kami ni JunJun, kibit-balikat ang sinagot niya sa akin.

"AAAHHH!" masayang tumalon-talon si Louise nang malabas niya ang nasa loob ng supot. Tumakbo siya sa akin at niyakap ang aking mga binti. Niyakap ko ang ulo nito, nagulat pa ako dahil sa nagsimula itong humikbi.

"Iyakin ka talaga eh noh..."

"S-Salamat Ate ko." Aniya.

"Hindi lang dapat ako ang pasalamatan mo..." nginuso ko si JunJun na nasa likuran niya. "Si Kuya JunJun mo din, tumulong siya sa pag-iipon ko." ngiti kong sabi.

Sinunod niya ang sinabi ko. Niyakap niya si JunJun, binuhat naman siya nito gamit ang malalakas niyang bisig.

Tinulungan namin siyang ilagay ang SIM at ang iilang pagpindot. Hindi na namin siya kailangan turuan dahil mabilis ang kamay niya magpindot na hindi ko na nasusundan. Grabe talaga 'tong kapatid ko.

"Huwag abusuhin 'yan ah. Sige, babawiin ko sa'yo 'yan kapag nalaman kong na-addict ka saka bababa ang grades mo dahil diyan." banta ko kay Louise.

"Opo..." aniya habang nakatingin sa screen ng cellphone niya. Hinayaan ko na lang siya, nagpaalam naman siya na lalabas siya para maipagyabang niya sa mga kaibigan niya. Hay, naku! Louise!

Beautiful Lie with Scars ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon