Kabanata 18
"JunJun, huwag mo akong iwan. Nagmamakaawa ako..."
Pilit kong inaabot ang kamay nito na sobrang layo. Kahit na anong pilit ko ay hindi ko mahawakan ang kamay niya. Malapit lang naman 'yon pero bakit hindi ko maabot. Hindi ko siya mahawakan.
Nangyari na ang kinakatakutan ko.
"Huwag..." mahinang tinig ng aking boses.
"Belle. I'm leaving you! I don't want to see your face again! You prevaricate everything to me! You're a liar! Liar!" sigaw nito. Ang mukha niya ay pulang-pula sa galit. Matalim ang mata niya dahil sa galit at ibinaba ang kamay na inaabot ko.
"JunJun! Huwag! Patawarin mo ako!" lumakas na din ang boses ko.
Gusto ko siyang habulin pero hindi ko magalaw ang paa ko.
Tumalikod na siya sa akin. Kahit ni lingon ay hindi niya nagawa.
"HINDI!" Mabilis akong napabalikwas ng bangon, habol-habol ang aking paghinga. Inilibot ko ang paningin sa paligid, kwarto ko pala ito.
Panaginip lang pala. Masamang panaginip...
Gipalpal ng pawis ang mukha ko. Kinalma ko muna ang puso ko bago tumayo. Nagpalit muna ako ng damit bago lumabas ng kwarto. Maingay sa labas kaya nagmadali akong lumabas ng kwarto ko.
"Bakit kayo nandito?!" tinuro ko silang tatlo. "Basta-basta na lang kayo pumapasok ah?" sambit ko kina Barnakol, Bakokang at Baktol na ngumunguya ng palitaw at puto.
"Bakit? Si Tita Fely ang nagpapasok sa amin dito eh. Buti nga hindi kami pumasok sa kwarto mo para buhusan ka ng tubig. Aba, anong oras na at tulog ka pa." ani Barnakol, sumubo ng kutsinta.
Tiningnan ko ang maliit na orasan sa tabi ng telebisyon. Alas-onse na ng tanghali! Jusko!
Pumunta muna ako sa palikuran pala gawin ang umagang ritwal. Nakita ko si JunJun do'n kasama ang ilang lalaki na abala sa pagkuha ng ilang buko sa taas ng puno. Pumunta ang mata nito sa akin at binigyan ako ng flying kiss.
Nginitian ko siya.
Sumenyales ako na papasok ako sa loob, tumango lang siya.
"Malapit na Pasko 'no?" bungad na sabi ni Bakokang. Umupo ako sa tabi nito at kinagat ng palitaw habang nagtitimpla ng kape.
"Tanga ka? November 23 pa lang ngayon. Ilang days pa hihintayin natin." ani Baktol.
"Ikaw ang tanga. Hindi ka ba marunong magbilang? 32 days na lang kaya. Mabilis lang 'yon. Sakto, nandito si Mama kaya kumpleto kami sa pasko saka sa bagong taon." pagmamayabang ni Bakokang.
"Hindi halatang excited ka noh?" tinaas ko ang kilay saka iniling ang ulo. "Kailan Christmas break niyo?"
"December 10."
"Parehas lang pala tayo." ani ko. Sumimsim ako ng kaunting kape. Kahit na christmas break ay tatambakan naman kami ng gawain kaya mas magandang tatapusin ko 'yon sa una at dalawang araw ng break para ang natitirang araw ay bahala na ako kung ano ang gusto kong gawin.
"Ay siya nga pala, kanina nagpunta dito si Felix kasama sina Adonis at Paulo. Nag-ayaya sila na pumunta tayo ngayon sa Jawili Falls." usal ni Barnakol.
"Bakit? Saka ngayon talaga?" tanong ko.
"Nakalimutan mo na ba?" gulat na tanong ni Baktol, silang tatlo ay laking-mata akong tiningnan.
"Ang alin?"
"Birthday ni Felix ngayon." ani Bakokang. Pinalo pa nito ang braso ko. "Hala! Isusumbong ka namin ah, nakalimutan mo ang kaarawan niya. Ililibre niya daw tayo saka may boodle fight daw na magaganap."
BINABASA MO ANG
Beautiful Lie with Scars ✔
Romance[TO BE PUBLISHED] It takes a lot of truth to gain trust, but just one lie to lose it all. Belle is a gentle and compassionate woman who lives in a simple house at Baybay, Aklan. Despite their lower status, she's goal-oriented. She will prove to ev...