03

2.4K 82 20
                                    

Kabanata 03

"Ikaw na lang gumising sa kaniya Louise." 

Tinulak ko siya pintuan ni JunJun. Nagtago naman siya sa likod ko. "Bakit ako? Dapat ikaw, Ate! Syota mo naman yan eh," saad niya.

Nakagat ko ang pang-ibabang labi. Pagkatapos kasi ng anim na linggo tuluyan na siyang nakalabas sa ospital. At sa anim na linggo 'yon hindi na ako ang nagbantay sa kaniya. Inasikaso ko na talaga kasi ang mga kailangan kong gawin para sa pasukan sa susunod na buwan. Si Nanay at si Louise ang nando'n, minsan ay sina Bakokang at Baktol ang nagbabantay kay JunJun.

Sigurado ako na nahihirapan siyang kilalanin kaming lahat.

Dahil nga sa wala siyang maalala.

"Oh, bakit nakatayo lang kayo diyan? Hindi niyo pa nagigising si JunJun?" boses ni Nanay. Inilapag muna nito ang mga dahon para sa banig saka siya nameywang na nakatingin sa aming direksyon.

"Bahala ka diyan, Ate. Lagot ka!" ani Louise at tumakbo palabas ng bahay.

"Hoy! Bumalik ka dito!" sita ko pero wala rin. Kinamot ko na lang ang ulo at huminga ng malalim. Wala naman akong magagawa. Alam na din ng lahat na jowa ko 'tong lalaki na hindi ko alam kung saan nanggaling at kung sino ba talaga.

Dumagsa kasi ang mga chismosa nang unang beses na dumating dito si JunJun sa bahay. Talagang pinagpyestahan siya ng karamihan, ang iba ay inaangkin siya, gustong ampunin. Syempre si Nanay, palaban. Hindi siya pumayag.

Ngayon, pangalawang araw niya na sa bahay. At pinoproblema ko talaga ang paggising sa kaniya. Hindi ko kasi alam parang kinakabahan ako bigla.

"Ano tutunganga ka na lang diyan?" taas kilay na usal ni Nanay. Huminga na naman ako ng malalim at humarap sa pintuan. Tinaas ko ang kamao handa na sanang kumatok pero biglang bumukas ito at nakita si JunJun na walang suot na pang-itaas na damit, magulo ang buhok. Tanging maluwang na short ang suot niya, na kay Tatay galing.

Malakas akong napasinghap.

Naglandas paibaba ang tingin ko sa kaniyang katawan. Nanlaki ang mata dahil sa nabilang na abs. Ang tigas saka malaman! Parang magkakape ako ngayong umaga tapos siya yung pandesal ko—este, puta? Bakit pumasok sa isipan ko 'yon?!

"Morning..." paos nitong bati sa akin saka hinalikan ang aking magkabilang pisngi.

Wait lang!

Hindi ako makahinga...

Hindi ko magalaw ang sariling mga paa.

H-Hinalikan niya ako?

Sinalubong lang nito ang aking mata saka ako nilagpasan. Tulala akong nakatingin sa kawalan. Totoo ba 'yon? Hinalikan niya talaga ako? Hindi ko naman aakalain na gagawin niya ang bagay na 'yon.

Inaakala niya talaga na girlfriend niya ako.

Bumigat bigla ang aking dibdib. Oo nga pala, nagsisinungaling lang kami. Lahat ng ito ay may bayad din balang araw...lahat ng ito ay wala dapat malisya. Wala siyang kaalaam-alam sa lahat...

"Anak, mag-agahan ka na. Pupunta muna ako sa kabilang bario para masimulan na ang paghahabi." saad ni Nanay at umalis na.

"Sige po, Nay." sabi ko. Jusko, kaming dalawa na lang. Umupo na si JunJun pero nilingon ako nito. Kaagad akong umiwas ng tingin at tumalikod, nag-kunwaring may kukunin sa kusina kahit wala naman talaga. Iba kasi ang nararamdaman ko ngayon, hindi naman ako tanga para hindi malaman ito.

Hindi kasi pwede...

Dahil masasaktan lang ako.

Ako lang ang nakakaalam na lahat ay kasinungalingan lamang...siya, hindi.

Beautiful Lie with Scars ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon