Kabanata 38
"Kamusta ka naman dito?"
Lucas smiled. Inabot nito ang kamay ko na nakapatong sa ibabaw ng maliit na parisukat na mesa.
"To be honest, I'm not okay, baby. I missed you so much." He kissed the back of my palm and put on his left cheeks.
Apat na araw na siyang nakakulong. Kinabukasan, nung araw nang hinuli siya ay nagkaroon kaagad ng hearing at malakas ang ebidensya na siya ang pumatay. Dahil mayroong CCTV at may witness na nakita sa kanya sa paglabas niya sa isang building.
Mahirap para sa akin na paniwalaan ang lahat ng ginawa niya dahil kahit kailan ay hindi pumasok sa isipan ko na papatay siya ng tao.
At ngayon na nalaman ko. Hindi kumulang ang pagmamahal ko sa kanya. Kailangan niya ako sa mga panahon na ito. He needs support, acceptance and forgiveness from me. Hindi ko kailangang lumayo sa kanya dahil hindi ko kaya.
"I miss you too," I replied. "Nakakatulog ka ba ng maayos sa loob?"
"Sakto lang." Aniya.
Lumungkot ang mukha ko. May eyebags na siya at ang balbas niya ay medyo mahaba na. Ako din naman, hindi nakakatulog ng maayos. Iniisip ko palagi ang kalagayan niya sa loob ng selda. Ayokong mangyari yung mga napapanood ko sa T.V na pinagtutulungan nilang bugbugin ang bida.
"Si Nanay Fely kamusta na?" Binaba nito ang kamay ko at pinagsiklop ito kasama ang kanya. "Did you tell her?"
I nodded. "Oo. Umiyak pa nga siya nang malaman na nakulong ka. Natakot pa ako kasi baka atakihin siya pero hindi naman. Inaalagaan siyang mabuti ni Beauty. Araw-araw ay lumalabas sila para makapag-masid masid at maarawan si Nanay. Sa tingin ko nga ay gustong nang maglakad ni Nanay."
"Oh, good to hear." He said.
Tumahimik kami pero ang aming mata ay tumitig sa isa't-isa na para bang nag-uusap ang mga ito.
Those green eyes...Nagsimulang mangilid ang luha ko. "Hinahanap-hanap ko ang presensya mo," I bit my lower lip to stop myself from crying.
Kahit na araw-araw naman akong bumibisita sa kanya, iba pa din na kasama ko siya sa bawat oras at palagay ang isipan ko sa kalagayan niya.
Lucas stood up and sat beside me. Niyakap ako nito. Sinandal ko ang ulo sa dibdib niya. He rubbed my back.
Maikli lang ang pagkikita namin araw-araw dahil nagpapaalam lang ako kay Felix na bumisita dito. Ayoko naman na iwanan siya mag-isa doon na nagtratrabaho kaya pagsapit ng lunch break ay aalis ako didiretso na ako bibisita kay Lucas na hanggang 2pm lang.
Tiningnan ko ang relo. It's 1:34 pm
"Kumain na kaya tayo?" pag-ayaya ko sa kanya. Bago pa siya humiwalay sa yakap ay hinalikan niya muna ang noo ko saka ang tungki ng ilong ko. Napangiti ako.
Nagdadala na ako ng luto na pagkain sa tuwing papasok ako sa facility para hindi pa ako umuwi pa at hindi masayang ang oras ko.
Ako na ang naglabas ng mga lunch box. May dalawang container ng kanin, ang mga ulam ay adobo, nilagang itlog at longganisa. Kapag hindi namin nauubos ay kinukuha na niya ito para sa loob na niya kainin.Ikinikwento niya sa akin ang mga nangyayari sa loob habang kumakain kami, ako din ay nagkwe-kwento tungkol sa naging araw ko ngayon. Ganoon naman palagi ang gawain namin. Hanggang sa matapos kami kumain ay nag-uusap pa kaming dalawa.
Ilang minuto na lang ay aalis na ako. Bukas ko na naman siya makikita.
Hindi ako mapapagod na bisitahin siya araw-araw.
BINABASA MO ANG
Beautiful Lie with Scars ✔
Romance[TO BE PUBLISHED] It takes a lot of truth to gain trust, but just one lie to lose it all. Belle is a gentle and compassionate woman who lives in a simple house at Baybay, Aklan. Despite their lower status, she's goal-oriented. She will prove to ev...