Chapter 1
Mabilis akong tumakbo at ilang beses na malapit na mabangga pero agad ding nakakaiwas habang habol habol ko ang magnanakaw. Nagsibigayan naman ng daan ang mga taong nadadaanan ng kawatan. Nandito kami ngayon sa Palengke, wala namang nagsabi o tumawag sa akin na may mangyayaring ganito pero malakas ang kutob kong mangyayari ito kaya nagpunta ako dito na lingid sa kaalaman ng Head Police Officer ko.
Tiyak na mabubungangaan nanaman ako neto. Pero ang mas mabuti ay mahuli ko ang kawatan na ito, atleta nga siguro ang gago dahil ang bilis tumakbo, nagsisimula na rin akong hingalin, bwesit. Napayuko ako ng bigla niya akong paputukan ng baril, anak ng... Kailangan ko na ng tulong mula za bestfriend ko. Niluhod ko ang isang tuhod ko at inilabas na ang baril ko.
"Huli ka ... balbon." sabi ko sa sarili at pinutok na ang baril.
Sumigaw ito at napadapa na sa lupa. Natamaan ko sya sa bente. Gaya ng kung saan ko sya gustong tamaan. Malalaking hakbang ang ginawa ko para mabilis akong mapalapit sa kaniya.
Bago ko pa mahawakan ang magnanakaw ay may sumirena ng mga police car. Bwesit. Mabilis na nagsilapitan ang mga kasamahan ko at sila na ang humawak sa kawatan. Tiningnan ko ng masama ang kawatan na sobrang angas pa talaga kung makatingin, tsk, adik.
Lumabas sa front seat ang isang lalaking naka-shades pa at todo kung makangiti.
"Police officer Byre Gee Cerera." Tawag sa akin ng isa sa mga ayaw kong kasamahan sa trabaho, wala nga lang akong swerte at magkasama pa talaga kami sa iisang istasyon.
Tiningnan ko sya gamit ang isang walang pakialam na tingin, ni hindi ako ngumiti. "Tenyente Taboso."
Tumawa sya at bigla nalang akong inakbayan. Di nalang ako umimik kahit pa gustong gusto ko na syang balibagin. "Sabi ng winrell nalang eh."
"Mabigat ang braso mo." Simple kong sabi.
Natawa lang ang bwesit at nilapit pa ang bibig sa tenga ko. "Pinagtitinginan ako ng mga babae, di ka ba nagseselos?"
Tinapunan ko sya ng bored na tingin. "Joke ba yan? Hindi nakakatawa." Sabi ko at inalis ang braso niyang nakapatong sa balikat ko.
Narinig ko pang tinawag niya ako pero dire-diretso lang ang lakad ko papuntang motor ko, my black Ducati. Agad akong sumakay dito ,sinuot ang aking helmet at pinaandar na at pinatakbo ito ng mabilis.
Police Station
Pagkaapak na pagkaapak ko palang sa unang hanay ng tiles papasok sa police station kung saan ako na-asign ay alam ko na kaagad na nandito nanaman ang gongong na iyon. Tsk.
Nilagay ko ang helmet ko , kinuha ang bag ko, at nagbihis ng police uniform. Naka civilian kasi ako kanina para di masyadong halata. Matapos kong magbihis ay agad akong nagtungo sa desk ko kung saan may naghihintay na sa aking kriminal.
"Byre, ikaw na bahala dito." Nagmamadaling saad ni justine sabay tayo mula sa kinauupuan neto. Tinanguan ko sya at tinapik naman niya ang balikat ko.
Tumikhim sya kaya napatingin ako sa kaniya. Nang magtama ang mga mata namin ganoon nalang kabilis nangunot ang noo ko. Bat naman ang sama makatingin ng isang ito? Na para bang ako ang kriminal sa aming dalawa? Haist.
I cleared my throat and continue walking and sit on my chair. Binasa ko ang Criminal record niya, napahilot ako sa aking sintido ng makitang pang apat na niya ito para lang ngayong linggo, mula lunes hanggang ngayong huwebes, walang absent.
"Nambugbog ka ulit?" Kaswal kong tanong sa lalaki. Hindi niya ako sinagot kaya inangat ko ang paningin ko sa kaniya.
Nakangisi sya na para bang sayang saya sya sa nakikita niya, nakalitaw pa ang mga dimples niya, napako ang tingin ko doon, ng mapansin kong mas lumapad pa ang ngisi niya ay tumikhim ako.
YOU ARE READING
Caught By Light (ASHLEY 3) ☑
RomanceI thought I'd never Fall... but I did.. And I am caught by Light. Read at your own Risk! Light Adad Ashley •Ashley 3 (Second Generation) Date Started: 07/10/20 Date Ended: 07/31/20 Status: Completed. Editing.