Chapter 4

551 20 2
                                    

Chapter 4

Natahimik sya at mukhang nag-iisip ng malalim. Umayos ako ng pagkatayo at pinasadahan sya ng tingin. Bat ba kung makatanong ka ay parang... sana mali anh iniisip ko, light.

"O, asan na ang kwarto mo dito?" Pag-iiba ko ng topic. Mukhang natauhan naman sya sa tanong ko kayat bigla nalang syang nataranta at iginaya ako sa kwarto niya.

"I can ahm.. help you with the dress.." pa-inosenteng saad niya at kung makatingin pa sa akin ay parang batang gustong sumama sa mall.

Sinamaan ko sya ng tingin and i slam the door on his face. Bumuntong hininga ako, Tiningnan ko ang kabuuan ng kwarto, napangiwi ako ng maalala ang babae kanina. Lumapit ako sa kamang puti ang bed sheets neto, ang unan, ang comforter pati ang headboard ay puti.

"Dito ba sila ng babaeng yun?" I said out of digust.

Ngumuwi ako at mabilis na kinuha ang malaking kahong nasa ibabaw ng kama at dinala Ito sa sahig na may fur carpet na kulay puti din. Haist. Adik sa puti, gaya padin noon.

Binuksan ko ito, di ko mapigilang mamangha at mapangiti, pero nilingon ko pa muna ang paligid baka kasi may makakita sa aking ganito kung makangiti. Nakangiting inilabas ko ito mula sa kahon. Ang totoo niyan, ngayon palang ako makakasuot ng ganitong damit, kaya naman ang saya saya ko, ano kaya ang pakiramdam kapag suot ko na ito. Nakangiting tinahak ko ang banyo at nagbihis na.

--

Bagsak ang mga balikat at namumugto ang aking mga mata habang nakatingin sa babaeng may suot ng gown mula dito sa labas ng boutique. Yari sa salamin ang nagmimistulang dingding neto kaya kitang kita ko ang babaeng may suot ng gown na gustong gusto ko.

Bumaba ang aking tingin sa hawak kong alakansya. Tumulo isa isa ang mga luha ko, hinigpitan ko ang pagkakahawak ko sa alakansya ko at tiningnan ulit ang napakagandang babae. She's smiling while dancing like a princess with the gown i wanted to buy. Pinag-ipunan ko eto ng mahigit dalawang taon dahil sa pag-aakalang tutuparin ng may-ari ng boutique ang sinabi niyang hindi niya ito ibebenta sa iba.

Sinabi ko kasi sa kaniyang bibilhin ko ito at mag-iipon muna, nangako akong babayaran ko, gusto kong bilhin ang gown na iyon para sana sa JS Prom, baka sakaling di nila ako pagtawanan at mag-iba ang tingin sa akin ni light kapag suot ko ang gown, baka sakaling tratuhin nila ako kagaya kung paano nila tratuhin si glow.

"Sayang... " yun lang ang lumabas sa bibig ko at tiningnan pa saglit ang babae saka ako tumalikod at naglakad na pauwi.

Nagsibagsakan naman ang tubig ng ulan, pero sobrang hinang hina ang loob ko kaya hinayaan ko nalang na basa-in ako neto. Naka-uniporme pa ako, ang totoo, kanina pagkauwian ay agad agad akong umuwi sa bahay para kunin ang alakansya ko, at dahil walang tricycle na naliligaw sa amin ay tinakbo ko ang boutique. Pero yun lang pala ang maabutan ko.

Tiningnan ko ang hawak kong alakansya, medyo malabo ang paningin ko dahil sa namumuong luha at tubig ng ulan pero kitang kita ko parin ang nakangising baboy netong mukha. Mas lalo akong napaiyak. Napa-upo ako sa lupa at tiningala ang langit, sinasalubong ang bawat patak ng ulan.

"Halos di na ako kumain.. naglalakad na nga lang ako papuntang school eh... tinitiis ko ang pangungutya ng mga kaklase ko kapag nakikita nila akong nagtatrabaho sa cafeteria... para lang maka-ipon ... para mabili ang gown na yun... panginoon, pasusuotin mo naman ako ng gown diba? Hindi ngayon yun? Sige, maghihintay ako..."

--

Di ko maipaliwanag ang nararamdaman ko habang nakatingin ako sa repleksyon ko sa salaming mas malaki pa sa akin. Gusto kong ngumiti pero naiiyak naman ako.. gusto kong umiyak pero mas gusto kong matuwa.

Caught By Light (ASHLEY 3) ☑Where stories live. Discover now