Light and Byre

616 17 0
                                    

Pigil ngiti akong nakatingin sa harapan, kung saan nakatayo at nagsasalita ang babaeng chubby pero brainy na si byre. Seryoso syang nakatingin sa kung saan, at napapanguso nalang ako sa tuwing dumadaan lang ang paningin niya sa akin, gusto kong tingnan niya din ako! Pero di niya ako tinitingnan ng matagal.

At dahil matalino sya ay naging matalino na din ako, sobrang saya ng puso ko sa tuwing nagkakatabi kami, ako kasi lagi ang first habang sya naman ang second sana pagdating namin ng grade four ay magkaklase padin kami. Grade three pa kasi kami ngayon, pero andami na niyang alam sa math at science.  Napapanganga talaga ako sa tuwing nagsasalita na sya.

Lumipas ang mga araw, mga linggo, mga buwan, mga taon at nanatiling gaoon lang, nanatili kaming magkaklase. We are now Grade ten and yet she wont look at me the way she's looking at our male teacher today. Nabwebwesit ako dahil halos di niya tinatanggal ang mga mata niya sa aming guro.

"Ang gwapo talaga ni sir.. yiehh.."

"Mas gwapo naman si light."

Rinig kong bulong bulungan ng mga babaeng malapit sa akin. Gusto kong matawa dahil sa mga narinig ko, nakangisi kong sinulyapan si byre na nasa unahan ko lang.

'Narinig mo yun? Mas gwapo ako sa lalaking iyan!'

Akmang lilingon na sya sa direksyon ko ng tawagin sya ng guro namin at tinanong ng kung ano ano. Pinag-kruss ko ang mga braso ko at Magkasalubong na kilay kong pinanood ang pag-uusap nilang dalawa. Kinilabit naman ako ni fin na nasa tabi ko lang.

"Matunaw yan." Natatawa niyang sabi. Alam niya kasing may gusto ako kay byre, actually sya lang ang may alam. Sa kaniya lang kasi ako komportbaleng makipag-usap, maliban sa mga kapatid ko ay sya lang ang maituturi kong kaibigan.

"Tss." Singhal ko at ibinalik ang mga mata sa kay byre na kakaupo lang, lilingon na sana sya sa pwesto ko ng kalabitin sya ng katabi niyang babae at may tinanong. Bwesit.

Pasimple akong naglakad sa hallway habang nasa likuran ako ni byre. Noon pa man ay lagi ko na syang sinusundan pagkauwian, baka kasi may magtangkang umagaw ng pag-aari ko. Dahan dahan lang ang bawat hakbang ko, saglit akong huminto sa paglalakad ng huminto din sya saglit, lilingon na sana sya sa direksyon ko ng tawagin sya ng science teacher namin.

My eyes move heavenwards. Bat ba sa tuwing titingnan mo na sana ako ay laging di natutuloy, byre? Bat ba di mo ako mahuli huling tumingin sa iyo? Gusto kong mahuli mo akong nakatingin sayo ng sa ganoon ay malaman mong may isang Light Adad Ashley na naghihintay sa paglingon mo.

Valentines day came and I received so many gifts. Pero wala naman akong ibang gusto ngayong araw na ito kundi si byre, kahit pa tingnan niya lang ako saglit, that would be the sweetest.

"Light, I really like you." Nahihiyang saad ni Glow. She's the school's muse they say, maganda sya pero mas maganda si byre.

"Im sorry but I dont like you glow." I honestly answer.

"B-but light... I-I like you k-kasi, a-and I think pa nga na I-I love you-"

"I really hate dramas, glow. I like someone else, no let me rephrase that, I think I love her."

"And who is this bitch!?" Galit na saad ni glow na halatang nanggigil.

Nagdilim naman ang mukha ko. "Don't use words to my woman that is supposedly used on you glow."

How dare she call my byre a bitch?! Nagdadabog na nagmartya si Glow palabas ng court. And I just sigh, I pick some of the letters from the floor and read it, napa-tsk naman ako at tinapon ito sa basurahang nasa tabi ko. All i want is byre's! Bat ba kasi di ka nalang isa sa mga babaeng may gusto sa akin byre?

Caught By Light (ASHLEY 3) ☑Where stories live. Discover now