Chapter 18

496 18 5
                                    

Chapter 18

Nakatulala ako habang nakatingin sa newspaper na hawak ko. Naiiyak pero di tumutulo ang luha ko. Nasasaktan pero walang karapatan.

Napabuntong hininga ako at nilagay nalang ang hawak kong newspaper sa sahig at humiga na ako sa kama ko. I remembered his smiling face while looking at me, that was before. Napangiti ako ng mapait at saka ko pa naramdaman ang pagtulo ng mga luha ko.

Ayon sa nabasa ko sa newspaper, matagal na silang may relasyon, since highschool. Kailangan lang daw'ng mag abroad ni Glow for her modeling pero di sila nagkahiwalay, Light proposed to her seven years ago at ngayong nakalabas na si light ay di na nila papatagalin pa, kaya magpapaksal na sila agad agad.

So all this time. May karelasyon sya habang naging kami? I am so gullible. Akala ko ako na ang pinakamasamang tao sa buong mundo, yun pala hindi dahil mas masama sya! He cheated! He lied to me! He used me! He betrayed me! At ako naman si gaga na nagpauto sa kaniya. Bakit nga ba di ko naalalang may relasyon si light at glow noon nung highschool? Masyado akong nagpadala sa narinig ko ng nag confess ako sa kaniya, ang tanga tanga ko! Bat di ko naisip na baka alam ni light na nandoon ako kaya sya nagsinungaling kay glow? Bakit ngayon ko lang tu naisip?! Bakit ba mahal na Mahal ko parin sya!

"Mama!"

Agad  kong pinunasan ang mukha ko ng marinig ko ang pagkatok  at pagtawag sa akin ng mga anak ko.

"Coming babies!" Sabi ko at nagmamadaling binuksan ang pinto. We live now at papa's vacation house here at pasig, ang sabi niya ay mas ligtas kami dito.

Pagkabukas ko ng pinto ay agad akong napangiti ng makita silang nakapantulog na, parehas sila ng damit na suot ngayon pati kulay kaya sobrang cute nilang tingnan.

"Anong kailangan ng babies ko?" Paglalambing ko at hinalikan si adonis sa pisnge, sya kasi ang nasa pinakaharap kaya sya ng pinakamalapit sa akin.

"Mama, we wanted to sleep beside you." Abraham said, na para bang dapat at wala na akong magagawa sa desisyon nila.

I smiled widely at them. "Sige, but.." i smirked. "Kailangan di kayo maging pasaway tomorrow sa magbabantay sa inyo ha?"

"What kind of hindi maging pasaway mama?" Curios na tanong ni adam.

"Adonis my first, no watching tv before ten in the morning." Sumimangot si Adonis.

"But mama boring-"

"Abraham my second, no making some experiment in your room, ayaw kong may gagawin ka namang mga bagay lalong lalo na kapag involve ang electricity! Baka makuryente ka!"

"I always checks the voltage-"

"Adam my third, no asking of questions sa magiging bantay niyo dahil baka magresign agad agad ang yaya niyo dahil sa mga itatanong mo. I know your smart and curious pero anak, pag di ko maintindihan wag pilitin ok? You can ask your kuya abraham instead ok?"

"Yeah, no thanks, pipilitin nanaman ako ni kuya abraham na magbasa ng bible, tsk..."

"Are we clear boys?"

"Yes mama!" Sabay nilang sabi at tumakbo na papasok sa loob ng kwarto ko at nagtalo pa kung sino ang tatabi sa akin. I just laugh at them while watching.

Maaga akong nagising dahil malayo-layo din ang bya-byahiin ko mula dito papunta sa assigned station ko. Busy kasi si Winrell kaya di niya ako mahahatid, and I'm thankful for that, hindi rin naman kasi niya duty na ihatid ako araw araw, mas gusto ko talagang ako lang mag-isa lalo na kapag sa ganitong sitwasyon. 

I am preparing the breakfast for my triplets when the doorbell rang. Nilagay ko ang pang huling pinggan sa mess bago ko binuksan ang pinto.

"Hi! Ako po ang magiging yaya niyo.." masayang sabi ng babaeng  may kalakihan ang tyan.

Caught By Light (ASHLEY 3) ☑Where stories live. Discover now