Chapter 22

508 20 2
                                    

Chapter 22

Pikit mata akong huminga ng malalim bago ko nilapitan ang puntod ni mama. Mapait akong ngumiti sa kawalan bago ako umupo sa damuhan, nilagay ko sa gilid neto ang dala kong bulaklak at inalis ang mga tuyong dahong nasa lapida ni mama.

"Ma... sorry.." kinagat ko ang pang-ibabang  labi ko.  "Sabi mo sa akin, kung may isang bagay man na ayaw mong gawin ko ay ang tuluran kang naging parausan ng taong may asawa na. Hindi ako sumagot ng tanungin niya ako ma." Lumunok ako. "I love him. At may parte sa akin ang gustong maging parte din sa buhay ni light kahit pa hindi tama. But I know its not right, ma. Ayaw mo nun, ayaw ko din nun. Anong gagawin ko ma? Ikakasal na sya bukas... ang mga anak ko... naguguluhan na ako.."


Bumuga ako ng marahas na hangin. "Ayaw kong sabihin sa kaniya dahil natatakot ako sa magiging reaksyon niya at mukha namang di na kailangan eh, nandyan na si Glow para bigyan sya ng mga anak, at isa pa kung sasabihin ko sa kaniya ang totoo tungkol sa anak namin baka masaktan si Glow." Tinitigan ko ang lapida ni mama. "Sinabi mo sa akin noon na layuan ko sya dahil masasaktan lang ako diba? Pero pasaway ako eh, this is karma."


Nilipad ng malakas na hangin ang buhok ko, i hugged myself together with my jacket as i let my tear fall. "Ang gulo ma. At si papa naman gusto niyang ipakasal ako kay winrell. Sabagay gusto mo rin naman si winrell para sa akin, siguro nga dapat sya ang pinili ko noon pa, sana di na ganito kagulo."

Napatigil ako sa pagsasalita ng tumunog ang cellphone kong nasa bulsa ng suot kong jeans. Tiningnan ko ang caller, nangunot ang noo ko ng makitang si justine ito, or should i call  him RF.

"May kailangan ka?" Sarkastik kong tanong sa kaniya ng sagutin ko ito.

"I really dont want to call you cause I know your mad , but there's an emergency."

"Oh? Emergency? Baka ikaw lang ang may gawa niyan, busy ako kaya ikaw nalang bahala dyan, Diba kayang kaya mo yan RF?"

"Its not about work. Its your sons.."

Agad akong napatayo at nagtagis ang bagang ko. "Dont you dare, justine. Wala akong pakialam kung sino ka! Lalabanan kitang hayup ka!"


"That hurts." Huminga sya ng malalim. "Its not me, actually you should thank me. Dahil may narinig akong plano na kikidnapin ang mga anak mo ngayong five pm. Yun lang naman salamat ha."

Di ko na pinansin ang pagiging Sarkastik niya at mabilis akong tumakbo papuntang sasakyan ko, my Ducati, at agad itong pinaharurot pauwi. Nadatnan ko ang mga anak kong nasa salas at nag-aagawan ng remote,  lahat sila ay napatingin sa akin ng hingal na hingal akong pumasok.


"Ma? Ok ka lang?" Tanongni abraham.

I quickly nod at him and didn't even bother to smile, tiningnan ko ang wall clock at sa di malamang dahilan tumunog ito ng saktong ituro ng maliit na arow ang numerong lima.

Agad nanlaki ang nga mata ko ng may marinig akong kakaibang tunog na para bang nagbibilang. Mabilis kong hinila ang mga anak ko palabas ng bahay at saktong pagkaapak namin sa labas ay syang pagsabog neto. Niyakap ko ang nga anak ko at agad na hinabol si adonis ng tumakbo ito palapit ng bahay .

"Adonis!!" Sigaw ko at mabilis na pinigilan ang pulsuhan niya dahil papasok na sana sya sa loob. "What are you-"

"Ma! Si yaya petra nasa loob! Ang baby niya!" Sigaw niya na halatang nag-aalala at natataranta na.


At dahil sa sinabi niya ay parang lumipat sa akin ang pagkataranta ni adonis kaya agad akong pumasok sa loob. But before taking another step i glance at my triplets.

Caught By Light (ASHLEY 3) ☑Where stories live. Discover now