Chapter 29

496 18 0
                                    

Chapter 29

I slowly open my eyes. Kahit pa nanghihina na ang aking buong katawan at gustong gusto ko pang pumikit ay pinilit ko. Ng tuluyan ko ng mabuksan ang mga mata ko ay tumambad sa akin ang hinang hina na jamet habang nakahandusay sa sahig. Mabilis akong lumapit sa kaniya.

"Jamet... are you awake?" Tanong ko habang marahan syang niyuyogyog. Nanghihinang binuksan naman niya ang mga mata, at agad na hinaplos ang bilog na tyan.

"Byre... natatakot ako para sa baby ko.." naiiyak niyag sabi.

"Makakaalis tayo dito.. hinahanap ka ng asawa mo." I said and smiled at her. Tinulungan ko syang tumayo.

Nandito kami ngayon sa isang silid kung saan wala ni isang bintana, tanging ang ilaw lang mula sa bulb ang nagbibigay liwanag sa buong silid. Sinubukan kong buksan ang nag-iisang pinto sa pag-aakalang bukas ito pero nabigo ako. The door is lock. Hindi na ako nag-abala pang gumawa ng kahit ano dahil baka maalerto lang ang taong nasa labas.

Niyakap ko si jamet habang pareho kaming nasa gilid at naka-upo. She's not crying but i know she wanted to, pinipigilan lang niya. Nanghihina sya at di ko alam kung bakit.

"May ginawa ba sayo ang mga taong dumukot sa atin?" Tanong ko, saglit syang natigilan.

"Nasa bahay lang ako nun, nang biglang dumating si light at sinabi sa akin na nakita ka niya ulit. Nagkwe-kwentuhan lang kami ng may biglang nagbarilan sa labas. I am dialing grey's number that time when a man in white came in, sinabi ng lalaking iyon na may mga anak kayo ni light, at dahil sa preoccupied na si light, di niya namalayang hinila na ako ng kasamahan ng lalaking nakaputi. But i shouted, kaya nakuha ko ang atensyon ni light.." umiling sya. "Then may tinusok sila sa akin dahilan para manghina ako, di ako nawalan ng malay pero nawalan ako ng lakas..."


I hugged her tight. Di ko alam kung anong plano ni papa, gulong gulo na ako. Naawa ako kay jamet dahil halatang hirap na hirap na sya lalo pat buntis sya... naalala ko ang mga anak ko. I hope they're fine. At si winrell. Winrell please help me, help us.

Biglang bumukas ang pinto at inuluwa neto si papa at si white. Agad na nagtama ang mga mata namin ni papa, his eyes were full of frustration,  para bang nagmamadali sya na natataranta. Nilapitan ni white si jamet at hinawakan sa pulsuhan.

"Let go of me!" Sigaw ni jamet, agad kong hinawakan ang braso ni jamet at hinila palapit sa akin.

"Bitawan mo sya, white." Utos ko.

He smirked. "Sis, wag ka ng makialam."

"Anong wag? Hindi mo ba nakikitang buntis sya?! She's pregnant and she's weak! And she is my friend!" Bahagyang nanlaki ang mga mata ko ng tutukan niya ako ng baril.

"Bitawan mo sya kung ayaw mong unahin kita." Madiin sabi niya.

Umiling ako at hinarap si papa na nakatingin lang sa amin. "What is this all about?" Tanong ko habang nakatingin kay papa.

"Anak. Sinusugod na tayo ng mga Ashley, kailangan na nating gumawa ng paraan-"

"Kayo! Kayo lang pa! Anak mo ako diba? Pero pinakidnap niyo din ako at ngayon tinututukan na ako ng baril ng kapatid ko! Ano ba talaga ang nangyayari?"

Akmang magsasalita na sana si papa ng may pumasok na iilang tauhan nila na hingal na hingal.

"Boss, andami ng namatay sa atin.. kulang na tayo sa tao, maraming namatay sa atin eh. "

"Tawagan mo si ki-"

"Patay na sya, bossing.." sabat pa ng isa.

Nagdilim ang paningin ni papa at tiningnan ako. Napatili ako ng bigla niya akong hablutin at marahas na nilagay ang kamay sa leeg ko habang tinututukan niya ako ng baril sa ulo. The door flew open, at imbes ma magpaputok ang dalawang bagong dating ay natigilan sila at napatingin sa amin.

"Aray!" Hiyaw ni jamet, hindi ko alam kung anong ginawa nila sa kaniya dahil sa sitwasyon ko. I saw grey's jaw clenched at akmang lalapit na sya sa amin ng magsalita si white.

"Oh-ah, di ka pwedeng lumapit. Dahil Isang hakbang pa, sabog ang ulo ng babaeng tu." Kalmadong saad ni white.

"Don't you fucki'n dare." Gigil na saad ni grey saka ako tiningnan. 

"Byre.." rinig kong sambit ni light.

Sinubukan kong tingnan si papa. "Pakawalan mo na si jamet, please..." mahinang sabi ko pero halatang naririnig nila. Mariin akong pumikit. "Papa."

Kitang kita ko ang gulat sa mga mata ni grey at light dahil sa tinawag ko kay papa. At ng tingnan ko si light ay halo halong emosyon ang nasa nga mata niya. Lumunok ako at nag-iwas ng tingin.

"Manahimik ka, byre!" Galit na sigaw ni white at itinutok sa akin ang baril na nakatutok kay jamet kanina. "Kundi pasasabugin ko ng una yang ulo mo!"

"White!" Asik ni papa.

Mas humigpit pa ang pagkakasakal ni papa sa akin, kaya halos maubo ako, pero pinigilan ko ang sarili ko. Nakita ko na hahakbang na sana palapit si light pero nagpipigil din sya.


"Walang lalapit sa amin kung ayaw niyong mamatay ang isa sa mga babaeng ito!" Banta ni papa habang Dahan dahang tinatahak ang nag-iisang pinto.

Wala akong nakitang kasamahan nila light, silang dalawa lang ba ang sumugod dito? Habang palayo kami ng palayo ay palakas din ng palakas ang pagsigaw ni jamet. Lagi syang sinisigawan ni white pero hindi ito nakinig. Isinakay nila si jamet sa puting van habang ako ay ipinasok nila sa ibang van na kulay itim. Tumabi sa akin si papa. Nagpapasalamat ako at hindi na niya ako tinutukan ng baril.

"Lets see who'll they save." Nakangising saad ni papa.

"Papa-"

"Tumahimik ka." Malamig na saad ni papa. Iniwas ko ang tingin ko sa kaniya at tiningnan ang side mirror.

Nakita kong may itim na kotseng humahabol sa amin. Pero nag-iba naman ito ng landas kasabay ng pag-iba ng landas ng van kung saan nila sinakay si jamet. Di nakatakas sa panigin ko ang taong nagdadrive sa kotseng humahabol ngayon sa puting van. Its no other than light.

Mapait akong napangiti. Bakit naman ako umaasang ako ang ililigtas nila? Ano ba ako sa kanila? Kung tutuusin ay wala lang. Anak pa nga ako ng kalaban nila. Anak ako ng taong may pakana neto. Kaya bakit nila ako ililigtas. Bakit mo ako ililigtas... diba, light?


______________________________________

Avisala, This is lady_assasin2004 and thank you for reading this chapter ,i hope you didnt get bored at sana hintayin niyo pa ang iba pang chapters hanggang sa matapos ang story na tu .

Dont forget to :
✔Vote
✔Share
Comment and ;
Follow

Itutuloy pa ba?

Caught By Light (ASHLEY 3) ☑Where stories live. Discover now