Chapter 9

519 19 0
                                    

Chapter 9

Ilang araw na ang lumipas at lahat ay nagbalik na sa dati. Nakalabas na si mama sa hospital at ganoon din si light, kahit pa nakakalabas naman talaga sya kahit na bawal pa. Balik trabaho na din si tenyente  Taboso, hindi na nga lang niya ako pinapansin.

Habang abala ako sa pagbabasa ng mga kaso ng preso nong nakaraang buwan ay biglang dumating si Director Bruce, kaya alisto akong napatayo at napasaludo sa kaniya, magsasalita pa sana ako ng may ihagis syang folder sa mesa ko tiningnan ko ito at tiningnan sya ulit.

Huminga sya ng malalim bago nagsalita. "Balita ko ay naging malapit kayo ng bunsong anak ni Dark Jay Ashley. "

"Not that close sir." 

Tiningnan ako ng masama ng direktor. Napalunok ako. "Dont lie to me!"

I startled at his sudden anger. Kinabahan ako ng matinde. Its his first time shouting at me, yes he always throws me hurtful words but hes never been this mad. 

"I-im not lying sir."  Nanginginig kong sabi.

Huminga sya ng malalim at humakbang palapit sa akin, gusto kong tumakbo o kahit humakbang man lang paatras pero di ko magawa. Gulat akong napatingin sa kamay niyang nakahawak ngayon sa aking balikat.

"S-sir-"

"Pasensya na sa pagsigaw ko, natakot ba kita anak?"

Umatras ang dila ko dahil sa narinig. Nangilid ang mga luha ko. "T-tinawag mo akong ... a-anak?"

Ngumiti sya sa akin, he spread his arms and my body just moves by its will, I hugged him. I hugged my father. "Pasensya na anak."

"Papa..." umiiyak kong sabi.

Humiwalay ako sa pagkakayakap sa kaniya at tiningnan sya habany may ngiti. This is a dream come true. Tinawag akong anak ng ama ko, naakap ko pa sya.

"Anak, kailangan ko ang tulong mo."

Agad akong napatango. "Kahit ano po, basta kaya ko, gagawin ko po, pa."

Mas lumapad pa ang ngiti niya. "Gusto kong imbestigahan mo si Light."

Unti-unting nawala amh ngiti ko. "S-si light? B-bakit ano po ba ang-"

"Anak." Pinatong niya ang dalawang kamay sa aking magkabilang balikat at tiningnan ako ng diretso sa mata. "Si Light Adad Ashley ang susunod sa yapak ng kapatid niyang si Grey Jitler Ashley sa pamumuno ng isang sindikato."

"S-sindikato?" Di makapaniwalang saad ko.

Tumango siya. "Pero wala pa akong sapat na ebidensya para mapatunayan ang lahat ng hinala ko, but with your help, We can end their dirty business, and I'll be promoted as the Deputy Director General, anak can you help me?"

Bumuka ang bibig ko pero walang lumabas na kahit na anong salita. Gusto kong sumang-ayon pero pakiramdam ko ay hindi tama, parang di ko gusto ang ideyang sinasabi niya.

"Dont worry, I'll help you be promoted too. Anak kahit ngayon lang ay may magawa ka naman sa akin. Gagawin at Ibinigay ko sayo ang lahat ng hihilingin mo, anak."

"Kahit ano?" Di ko maitago ang pagkagalak ko sa aking tinig.

"Kahit ano, anak. Pera, bahay, kotse, promotion... just name it."

Kumirot ang dibdib ko. "Hindi ko... hindi ko kailangan ng kahit na ano man sa sinabi mo, papa. Ang ituring mo lang akong anak, pa."

Huminga ako ng malalim saka ko binuksan ang folder na galing kay papa. Pangalan at larawan ni Light ang nasa unang bondpaper, nagpatuloy ako sa pagbabasa at pagobserba sa bawat larawan, lahat ng ito ay nagpapakitang nagpapatakbo ng ilegal na negosyo ang pamilya nila light, may mga taong armado syang kasama habang may mga drugs at pera sa mesang nasa harap niya habang kausap ang ilang mga panauhin.

Caught By Light (ASHLEY 3) ☑Where stories live. Discover now