Chapter 24

499 21 0
                                    

Chapter 24

Nagising ako ng buhusan ako ng malamig na tubig. Habol ang ko ang aking hininga habang pinipilit na buksan ang mga mata ko. Sinubukan kong igalaw ang mga kamay ko , but both of my wrist were hanged.  Ng buksan ko ang mga mata ko ay tumambad sa akin ang lalaking nakaputi lahat. Naglakad sya palapit sa akin at huminto lang ng ilang dangkal ang layo mula sa akin.

"Dalawang araw ka na kasing tulog kaya pinabuhusan kita. Pasensya na."

Gusto kong magsalita pero may takip ang bibig koo kaya nanatili akong nakatitig sa mga mata niya. Isa lang ang nasisiguro ko, di ko kilala ang lalaking ito. Nung una akala ko si light dahil sa nakaputi ito, pero ngayong kitang kita ko na ang mga mata niya, masasabi kong hindi sya si light.

"Alam mo ba kung bakit ka nandito?" He asked and he suddenly acted like he forgot something. "My bad, di mo pala alam." Mapakla pa itong natawa.

Mas lumapit pa sya sa akin at marahas na hinablot ang buhok ko para mapatingala ako, matangkad na lalaki ang taong ito kaya kailangan ko pang tumingala.

"Nandito ka dahil ikaw ang anak ng dating asawa ni boss."

Nangunot ang noo ko. Si papa ba? O si mama?

Ngumisi siya ng sobrang lapad at binitawan ang buhok ko, napatingin ako sa lalaking pumasok at papalapit na sa akin ngayon. He is not that old, magka-edad siguro sila ni papa. He is not wearing something to hide his face, kaya kitang kita ko kung gaano sya kagandang lalaki. His face is somewhat familiar, pero di ko alam kung saan ko sya nakita. Ngumiti sya sa akin at sinenyasan ang mga tauhan niyang nasa likuran niya na pakawalan ako.

Habang pinapakawalan ako ng mga tauhan niya ay nasa kaniya lang ang paningin ko, at ganoon din sya. Agad akong bumagsak sa lupa ng makawala ako sa pagkakakadena, sa di ko malamang dahilan ay sobrang hina ng katawan ko. Sinubukan kong tumayo pero sobrang hina ng mga tuhod ko.

"Explain white. Bakit nanghihina ang anak ko."

Agad akong napatingin sa lalaki dahil sa sinabi niya, he is not looking at me, nakatingin sya sa lalaking nakaputi. The man in white looks a bit scared.

"Boss, dalawang araw na syang tulog kaya panigurado akong gutom ang dahilan ng panghihina niya."

Tumango tango naman ang matanda saka ako hinarap. He sqauted in front of me and he gently get the tape off of my mouth, he then caress my left cheek.

"You really look like your mother, child."

"S-sino ka?" Nanghihinang tanong ko habang pinipilit na iiwas ang mukha ko sa kamay niya.

He smile more. "I am Brian Loxter Cerera. Your Father."

--

Nanghihinang binuksan ko ang mga mata ko. Puting kisame at chandelier ang agad na bumungad sa akin. Nilibot ko ang mga mata ko sa kabuuan ng kwarto. Lahat ay kulay puti, maging ang kamang hinigigaan ko ngayon ay puti ang lahat.

Panaginip lang ba ang lahat? Pero nasaan ako?

Hindi pa man ako nakakagalaw para umupo ay bumukas na ang pinto at niluwa neto ang lalaking nagpakilalang Brian. Ng makita niyang gising na ako ay awtomatiko syang ngumiti at nilapitan ako. Umupo sya sa gilid ng kama at hinawakan ang kamay ko.

"Anak, kaya mo na bang tumayo? Kailangan mo nang kumain para bumalik ang lakas mo." Sabi niya na may halong pag-aalala.

Tinitigan ko sya. Mula sa buhok niya at lahat lahat ng parte ng mukha niya. Now i know why he look familiar. Magkahawig sila ni papa. Ang pagkakaiba lang ay ang lalaking nasa harapan ko ngayon ay may begote na hindi ganoon kakapal.

Caught By Light (ASHLEY 3) ☑Where stories live. Discover now