Chapter 30
Marahas akong tinulak ng tauhan ni papa papasok sa loob ng abandoned warehouse. Di ko maiwasang tingnan si papa gamit ang nagtatanong na mga mata pero wala lang syang ginawa kundi tingnan ako. Akmang itatali ako ng dalawang tauhan ni papa sa upuang nasa gitna ng unahan ko sila ng suntok.
Ng matumba ang dalawa ay susugurin pa sana ako ng anim pang nasa gilid ni papa ng patigilin sila ni papa. Humakbang sya palapit sa akin. "Wag kang magkakamaling manakit ulit, byre."
"Anak mo ako." I said with hope, i stared straight to his eyes with love and trust, but he suddenly slapped me.
"Anak?" Sabi niya na para bang katawa-tawa ang salitang iyon. "Yun ang akala mo! Yun ang akala ko!"
Marahas niyang hinawakan ang magkabilang braso ko at tiningnan ako gamit ang nanlilinsik na mga mata.
"Papa, masakit.." naiiyak kong sabi.
"Wala akong kaalam alam! Na habang nakatalikod ako ay tinutuklaw din pala si bella ng kapatid ko! That bastard!" Sigaw niya.
Napapikit nalang ako. Ano bang nanguayari? Mama, ano ba ito? Sino ba talaga ang papa ko? Gulong gulo na ako!
"Damn it!" Mura niya at binitawan na ako. "Stop crying!" Galit niyang sabi sa akin.
"Papa... ano bang pinagsasabi mo? Sino ba talaga ang ama ko?" I beg.
He intently look at, tinawag niya ang isa sa mga tauhan niya at binigyan sya ng neto ng baril, tinutok niya ito sa akin at tiningnan ako gamit ang malalamig niyang mga mata. Tuluyan na akong naiyak ng paputukin niya ito. Napaluhod ako habang nakahawak sa balikat kong duguan.
Nakayuko ako pero ramdam na ramdam ko ang paninitig niya. Narinig ko syang humakbang palapit sa akin. Marahas niyang hinawakan ang buhok ko at itinaas ito para magtama ang nga mata namin.
"You look like your mother when you cry." Mahina niyang sabi. "Let me kill you the way I kill Bella."
Umawang bibig ko dahil sa narinig. "P-p-pinatay mo si m-mama?" Sumigaw ako. "Bakit!"
Hinawakan niya ang pisnge ko at marahan itong hinaplos. "Dahil di niya ako kayang mahalin kahit pa mahal ma mahal ko sya."
"H-halimaw ka." Nanginginig kong sabi. "Hindi ganyan ang pagmamahal..."
Ngumisi siya ng nakakaloko. "Bakit? Ano ba ang pagmamahal? Ano bang alam mo? Ha?" Sinampal niya ako ng mas malakas pa keysa kanina kaya naman halos mapahiga na ako sa sahig. "I gave my all to your mother yet she chose my brother! He chose my brother who is already married! He chose my brother who didn't give a fuck about her! He chose the man who can't love her the way I do! Now tell me! Ano ba ang pagmamahal ha! Eh anak ka lang naman sa labas! At kung hindi dahil sa may kailangan sayo si bruce ay di karin naman niya papansinin at ituturing na anak!"
Mapait akong napangiti, at dahan dahan tumayo. Hinarap ko sya at di na inabala pang alisin ang mga luhang nagkalat sa mukha ko.
"Tama ka. Anak ako sa labas. At kung walang kailangan ang kapatid mo ay di rin naman niya ako papansinin." I gritted my teeth. "Pero bakit di ko ginawa ang kung ano man ang ginagawa mo ngayon? Na sa ating dalawa, ako ang mas di nakadama ng pagmamahal!"
Mukhang nagulat sya dahil sa pagsigaw ko, pero di ako nagpadala.
"Ikaw. Minahal mo si mama diba? Pero iba ang pinili niya? May iba pa naman eh, hindi lang si mama ang babae sa mundo. Ni minsan ba naisip mo, na baka hindi si mama ang para sayo? Nasaktan din po ako. Nagmahal din ako. Pero gaya mo di ako ang pinili niya sa huli. Pero ni kailanman di ko naisip na gawin tu, ang pumatay, ang maghigante... di ko alam ang buong rason mo po, pero sa tingin mo po ba ito ang dapat mong gawin? Pagkatapos ba neto, magiging masaya ka na? Ng mapatay mo si mama, nakuha mo ba ang pagmamahal na hinahangad mo mula sa kaniya?"
YOU ARE READING
Caught By Light (ASHLEY 3) ☑
RomanceI thought I'd never Fall... but I did.. And I am caught by Light. Read at your own Risk! Light Adad Ashley •Ashley 3 (Second Generation) Date Started: 07/10/20 Date Ended: 07/31/20 Status: Completed. Editing.