Chapter 5
Matapos niya akong bilhan ng contact lense ay dumiretso na kami sa sinasabi niyang venue, nagpanggap akong di interesado kahit pa ang toto ay excited na akong makakita ng mga kinekwento niya. Panay kwento kasi sya patungkol sa mga party na napuntahan na niya .
"It's so boring..." tamad niyang sabi na tinutukoy ang mga parties na kinekwento niya.
Para sa akin? Hindi sya boring, it's exciting, pero ganoon siguro talaga, lumaki syang party dito party doon kaya siguro boring na ang party para sa kaniya.
Ang pupuntahan namin ay isang engagement party ng business partner ng komapanya nila, ang HUE Empire, at dahil sa kadaldalan niya nalaman kong dalawang business pala ang pinapatakbo ng pamilya nila ang Ashley companies and hotels at ang HUE Empire.
Ang Ashley Hotels lang ang alam ko, sikat kasi ito, at iyong hotel kanina ay kay light mismo, hindi iyon kasali sa family business nila. Nasabi niya ring may plano si grey na magtayo ng sarili ding hotel sa isang resort sa davao.
Di ko mapigilang mamangha dahil sa taglay nilang yaman at talino pagdating sa business, I've never heard that Ashley fails, wala pa kahit ni isa. Walang mahuhukay na baho ang mga journalist at reporters, wala ring makakatumba sa kanilang competitors. At ayaw ko mang aminin pero sa likod ng paghihinala ko ay talagang namamangha ako. Ang swerte ng mapapangasawa ng mga Ashley.
"Let's go?" Nakangiting tanong sa akin ni light habang nakalahad sa aking harapan ang kaniyang kamay.
Binaba ko ang tingin ko sa kamay niya mula sa mukha niya. Grabe mukhang mas maganda pa ang kutis niya keysa sa akin.
Nagdadalawang isip may tinanggap ko nalang ang kamay niya ng makalabas ako mula sa sasakyan niya at agad na iginala ang mata sa paligid.
Napalunok ako. "Ang sabi mo, hindi naman marami ang aattend?"
"Hindi nga, One thousand lang naman yata kasi ang pinagbigyan nila ng invitation.."
Saglit akong napanganga sa kaniya. Huminga nalang ako ng malalim. Maglalakad na sana ako ng bitawan niya ang kamay ko, kinain ako ng panghihinayang kung kayat kunot noo ko syang nilingon. Halos kumawala ang kaluluwa ko ng hawakan niya ako sa beywang at idinikit sa katawan niya.
I look up to him and see him clenching his jaw while looking around. "They are watching you... "
"Ha?" Parang tanga kong tanong.
Nilingon niya ako habang nakayuko, napamura ako sa isip ng pagkalingon niya ay halos maglapat na ang mga labi namin, ang mga ilong namin ay magkadikit na at gustuhin ko mang umatras ay di ko magawa dahil sa nanghihina ako ng maamoy ko ang bango ng bibig niya. Leche.
Nakatingin lang ako sa mga mata niya at ganoon din sya pero unti-unting bumaba ang mga mata niya sa mga labi ko.
"Sana pala hinayaan nalang kitang magsalamin. Tsk."
Agad ko syang natulak ng may tumikhim, hindi ako makatangin sa kung sino man ang nasa harapan namin ngayon dahil sa paniguradong ang pula pula na ng mukha ko! Hindi naman kasi ako nag make up o blush on ba yun! Letche talaga!
"Kuya, akala ko di ka pupunta."
Agad akong napatingin sa tinawag niyang kuya. Nanlaki ang mga mata ko habang pigil hininga syang pinasadahan ng tingin.
YOU ARE READING
Caught By Light (ASHLEY 3) ☑
RomanceI thought I'd never Fall... but I did.. And I am caught by Light. Read at your own Risk! Light Adad Ashley •Ashley 3 (Second Generation) Date Started: 07/10/20 Date Ended: 07/31/20 Status: Completed. Editing.