Chapter 2

638 25 1
                                    

Chapter 2

Di ko mapigilang humanga sa lalaking nakatayo ngayon sa harapan na may hawak hawak na mga certificates, halos hakutin na kasi neto ang lahat ng mga parangal. Ngumiti ito dahilan para mapatili ang mga kababaihang kaklase namin, lumitaw nanaman kasi ang mga pamatay na dimples neto.

"Ang gwapo!"


"Grabe, perfect package talaga si fafa Light!"


"I love him na talaga."


Mga komento nila. At ako? Gustuhin ko mang kiligin at magsalita din kung gaano ako humahanga sa kaniya ay di ko magawa dahil wala din naman akong katabi na pwede kong maging kausap.


Yes. I am a loner. Wala akong katabi at higit sa lahat wala akong kaibigan. Well, whoever wants to have a ugly and fat friend? At ayaw ko din naman dahil alam kong gagamitin lang nila ako, dahil matalino ako. Naniniwala akong matalino ang lahat ng tao. Our brain is like a sleeping genius, kailangang gisingin mo ito, not waking it up literally but by helping and letting yourself learn. Walang bobo , tamad marami.


"Our second honor. Miss Cerera." Pag anunsyo ng aming guro.


Huminga ako ng malalim bago ako tuluyang tumayo at naglakad na papunta sa harapan, maraming nagreak ng tumabi ako kay light. Lahat ng mga komento nila ay puro negatibo. Pero nanatiling walang pakialam ang expresyon ko, kung kaninay halos sumigaw na sila sa tuwa, ngayon namam ay halos mabingi ako sa katahimikan. Tsk.


Pero sa loob loob ko. Ang saya ko. Ang saya saya ko. Dahil halos magkadikit na ang mga balat namin ni Light! Amoy na amoy ko na din ang kaniyang panlalaking pabango, hindi ko alam kung natural ba syang mabango o ano, basta para sa akin, nakakalasing ang amoy niya, ang sarap ubusin kung makakain lang ito.


"And now for our third honor.. Glow Jen Fernandez." Pag-anunsyo ulit ng aming guro matapos ibigay sa akin ang certificate ko na hindi man lang ako kina-konggratulate, sanay naman na ako.


Mula pa Grade 1 ako, lagi kasi akong top 2 at si light ang laging top 1, mula noon hanggang ngayong Grade 10.



The room is filled with claps and praises again when glow stood up and got here in front with us. May narinig akong nagreak kasi di ako gumalaw para bigyan ng espasyo si glow na makatabi si light. Gustuhin ko mang gawin ang nararapat ay di ko nagawa dahil sa puso ko, sinisigaw kasi netong dapat pagbigyan ko muna ang sarili ko, lalo pat sa tuwing ganitong  pangyayari lang ako nakakalapit sa kaniya ng ganito ka lapit.


Kusang bumagsak ang balikat ko ng matapos na ang pag-anunsyo ni ma'am sa mga top 10 at sinabihan na kaming bumalik na sa mga upuan namin. I felt so disappointed kasi napakadali lang ng panahon. Napaka-ikli lang. Wala na bang ihahaba pa kahit isang minuto nalang?



Lihim akong napabuntong hininga ng makaupo na ako, pailalim kong tiningnan si light sa upuan niya, which is hindi masyadong malayo sa akin, ang totoo nyan ay isang kalabit ko lang sa kaniya ay lilingunin na niya ako dahil nakaupo lang naman sya sa upuang nasa harapan ko! Pero dahil sa takot na mapahiya ay di ko nalang ito ginawa.


"Congrats Light." Malambing na bati ni Glow na lumapit pa talaga sa kaniya, napakaganda pa ng ngiti niya.


"Mmhh, same to you as well." Bati pabalik ni light sa kaniya.



Hindi ko na kailangang makaharap sya para malaman ko kung nakangiti ba ito kay glow o hindi dahil sa expresyon palang ni Glow ay halata ng kilig na kilig ito.



Ibinaba ko ang aking kamay sa ilalim ng aking mesa at kinuyom ito. Hay, kailan ba ako magkakalakas ng loob?




Winrell snapped his fingers right in my face dahilan para bumalik ako sa pagkatino. Kumurap ako ng ilang beses bago tuluyang hinarap si winrell at tiningnan sya ng matalim.


Caught By Light (ASHLEY 3) ☑Where stories live. Discover now