Chapter 13

443 19 0
                                    

Chapter 13

Naiwan akong nakatulala ng umalis sya. Para akong binuhusan ng malamig na tubig na may sari saring matutulis na yelo kanina. Pakiramdam ko sobra sobra na ako, na isa akong walang pusong halimaw dahil lang sa pagpapanggap ko.

Eh ano naman ang gagawin ko? Kung ito lang ang tanging paraan para matanggap at mahalin din ako ng papa ko? 

Mabilis kong pinahiran ang mukha ko at inayos ang pagkakasuot ng salamin ko. Tiningnan ko ang nakabukas na  pinto at dahan dahang tiningnan ang nadiskobre ko kanina.

"I need to do this..." sabi ko sa sarili at agad na nilapitan ang pinto para i-lock ito.

I tried to move the bed but its too heavy for me, kaya sa huli ay napagdesisyonan kong ihiwalay ang kutson neto at pinatong nalang ang upuang nakita ko dito sa loob ng kwarto sa kamang walang kuston. Nagtagumpay naman ako sa pag-abot neto, i pushed it upward at may parang tumalbog nga kasabay ng ginawa ko. Gamit ang nanginginig kong kamay ay agad kong inalis ang harang at kinapkap ang nasa loob ng kisame, may nahawakan akong parang folder kaya agad ko itong kinuha. Nanlaki ang mga mata ko ng makita ang isang pamilyar na logo, mas kinabahan pa ako kaya halos mahulog ako sa pagkakatarantang makaalis sa upuang kinatatayuan ko. I immediately return the things and view to its original form, ilang minuto lang ay parang wala akong ginawa dahil sa maayos na ang pagkakaayos ng lahat na gamit. Agad kong nilagay sa ilalim ng kama ang nakuha kong folder, tiningnan ko pa saglit ang logo bago ito tuluyang itago.

Napahawak ako sa dibdib ko. Kailan kong makausap si light. I need to know the truth, kasi kahit pa may nakita na akong ebidensya ay di parin ako naniniwala. Im doing for my father's sake, but i need to hear light's explanation as his girlfriend not as a police officer who is just acting.

Matapos kong pakalmahin ang sistema ko ay bumaba na ako papuntang sala, mas lumakas ang tibok ng puso ko ng makita ko ang isang pamilyar na mukha. Nilingon ako ng babaeng may edad na nguniy litaw na litaw parin ang pagiging maganda neto.

"Hi.. you must be byre?" Nakangiting usal neto habang naglalakad palapit sa akin.

"O-opo.."

Mas lumawak pa ang ngiti neto at bineso ako. "Im Aurora, Light's mother, and I believe that your his wife?"

"W-wife? H-hindi po-"

"I know but your his girlfriend, right?"

Napalunok ako saka ako tumango.

"Well, isang beses lang naman magkakagirlfriend ang mga anak ko kaya asawa ka na niya simula ng maging kayo, that's for sure." Nakangiti paring saad neto.

"Hon, manang tiz told me something about grey.." sabi ng lalaking makisig na kahawig nila grey at light, kung di ako nagkakamali ay galing itong kusina.

Pinigilan ko ang sarili kong mapanganga, kahit pa kasi may katandaan na ito ay liyaw na litaw parin ang pagiging adonis neto gaya nalang ng asawa niyang kay ganda parin.

"Where is he?" Nag-aalalang sabi naman ng asawa.

"Hey, dont worry too much.." hinawakan ni Sir Dark ang beywang ng misis at hinalikan ito sa noo. "He can handle it, nagmana iyon sa akin eh." He tried to joke but Mrs. Aurora seems too worried to give him even a smile.

"Is it mes?"

Mes? Kanina ko pa naririnig ang pangalan na iyan. At kung di man ako nagkakamali, ang mes na ito ang kasintahan ni grey na bigla nalang naglaho dahil sa may nalaman sya patungkol kay grey, di kaya ang nalaman niya ay ang pagiging sindikato ng pamilya nila grey? Kaya ba sya umalis dahil sa takot?

"Yes." Sabi ni Sir dark at tiningnan ako gamit ang isang nakakatakot na tingin.

"Hon, your scaring her!" Tinampal ng asawa ang braso ng mister dahil sa inusal neto sa akin.

Sir dark threw a glance at his wife and they talk with their eyes for a moment before both of them faced me with cold expression. Napalunok ako dahil sa kaba.

"S-si light po?" All my life, ngayon lang ako natakot ng ganito, wala pa man silang ginagawa sa akin ay pakiramdam ko kinakapos na ako ng hininga this is not good.

Bahagya pang Tinabingi ni Mrs. Aurora ang ulo niya at tiningnan ako mula ulo hanggang paa, tumigil sya sa pagusisa sa akin ng may tumikhim galing sa pinto. Lahat kami ay napatingin kay light na mukhang galing pa sa pagligo dahil naka-topless ito at medyo basa pa ang buhok habang nasa balikat naman niya ang isang puting t-shirt. Puti nanaman.

"Ma, Pa." Bati ni light at hinalikan sa pisnge ang kaniyang ina bago niya ako nilapitan. Nanlaki ang mga mata ko ng halikan niya ako sa labi at hapitin sa beywang bago harapin ang mga magulang. Napayuko naman ako dahil sa pamumula. "Well parents i would like you to meet my girlfriend, Byre Gee Cerera.."

"Cerera?" Takang tanong ng ama niya habang magkasalubong ang kilay'ng nakatingin sa anak.

"Yes pa. But I'll change it soon."

"Anak." Makahulugang tawag ng kaniyang ina bago ako tiningnan. "How are you related to Director Bruce Galenne Cerera III?"

Napalunok ako ulit, naramdaman ko naman ang paghigpit ng hawak sa akin ni light. "I-I dont know if I have the rights to name myself his daughter, Mrs. Aurora Ashley, anak lang po niya ako sa labas." I dont know but it feels comfortable to tell them the truth.

Nangunot naman ang noo ng ina ni light habang nanatiling blanko ang expresyon ng ama niya. "Why  are you callinh me Mrs. Aurora Ashley?"

"H-hindi n-niyo po b-ba g-gusto?" Shit. Im stammering big time.

"O please, call me tita or mama, and same goes to my husband, dear." Bumalik ang saya at ngiti neto sa mukha kaya nahimasmasan ako sa kaba ng kunti.

"Mom, your scaring her." May pagbabanta na sabi ni light.

Umiling lamang ang ina niya at hinawakan ako sa balikat at tiningnan muna si light bago ako tuluyang hilain palayo sa anak. "Well, we will do some girl talk kaya ikaw light, and you dark, please go away at wag kayong uuwi until eight, is that clear? At dito narin kayo mag dinner, tiisin niyo ang gutom hanggang eight. Is that clear again?"

"Hon? Really?" Di makapaniwalang sabi ng asawa niya.

"Yes dark, kaya umalis ka na, or else kami ang aalis ni byre my dear, pupunta kaming bar at uuwi na kami mamayang twelve-"

"All right were heading off now." Iritableng sabi pa ng mister niya at nilapitan sya para halikan sa pisnge. "No boys." Rinig kong bulong ni tito dark sa asawa.

Kinurot naman ni tita aurora sa tagiliran si tito. "Do you think manlalaki kami? Takot ko nalang na maparusahan mo, nu. Sige na alis na!" Pagtataboy neto sa asawa at hinarap si light na nakabusangot ang mukha. "And you baby light, iwan ko muna kay mama si byre ha? Di ko naman sya ipamimigay sa iba eh, takot ko nalang na mawalan ng bunso, and dont worry di ko naman sasabihin sa kaniya na umiihi ka sa bed mo noon-"

"Ma!"


______________________________________

Avisala, This is lady_assasin2004 and thank you for reading this chapter ,i hope you didnt get bored at sana hintayin niyo pa ang iba pang chapters hanggang sa matapos ang story na tu .

Dont forget to :
✔Vote
✔Share
✔Comment and;
Follow

Itutuloy pa ba?

Caught By Light (ASHLEY 3) ☑Where stories live. Discover now