Chapter 3

575 22 3
                                    

Chapter 3

Madaling araw akong nagising, naghahanda kasi ako para sa assignment ko ngayong araw. Di ako pinatulog ng idea na magiging bantay ako ni light kinabukasan, aaminin kong kinakabahan ako, madalas sya sa opisina ko at wala lang naman sa akin yun pero ibang usapin na kung sa ibang lugar ko sya makakasama. Kahit pa man di ko sya gusto ay alam kong may something parin siguro leftover lang ng naubos na paghanga ko sa kaniya.

"Ma, alis na ako." Sabi ko ng makalabas ako ng kwarto ko.

Walang sumagot kaya pumunta akonng kusina kung saan busy si mama sa paglilinis ng sink. Lumapit ako sa kaniya at hinalikan sya sa pisnge.
"Alis na po ako ma."

"Di ka ba pwedeng mag day off?"

"Ma, may bagong assignment po kasi ako eh, i-importante." 

"Kaarawan ko ngayon baka lang Nakalimutan mo. Ok lang sana kung magtatrabaho ka buong araw kahit pa di ka na umuwi basta di lang sa pagpupulis! Delikado ang trabaho mo anak!" Sermon ni mama habang nasa mga ginagawa ang mga mata. Its always been like this every morning.

Ngumiti nalang ako at hinalikan ulit sya sa pisnge, niyakap ko sya at napabuntong hininga naman si mama. "Aalis akong buo. At gaya ng pangako ko, uuwi akong buo araw-araw. Happy birthday ma. I love you."

Napabuntong hininga ulit sya, kinalas niya ang pagkakayakap ko sa kaniya mula sa kaniyang likuran at hinarap ako, she caressed my cheek while looking at me, begging. "Anak, baka may masamang mangyari sayo.."

"Ma. Walang masamang mangyayari sa akin. Alam kong di madaling maging pulis lalo pat usaping sakripisyo ito ng buhay, pero pinapangako ko ma, di ako mamatay ng di lumalaban." Sabi ko at hinawakan ang kamay niyang nasa pisnge ko.

Naiiyak na niyakap ako ni mama. "Ang tigas talaga ng ulo mo, oo." Sabi niya at hinalikan ang buhok ko. " May pinagmanahan ka talaga." Bulong niya.

Mapait akong napangiti. Kung si papa ay sinasabing nagmana ako kay mama, si mama naman ay sinasabing nagmana ako kay papa. Pero kahit kanino pa man ako nagmana, mahal na mahal ko sila pareho, kahit pa alam kong isa lang akong basura para sa sarili kong ama.

Humiwalay ako mula sa pagkakayakap ko kay mama. "Wag ka ng umiyak ma!" Pagalit kunwari kong sabi at pinunasan ang mga luha niya. "Mamaya pagkauwi ko, dapat nakadress ka, dahil kakain tayo sa labas, tapos manonood tayo ng sine, aagahan ko ang uwi ko, ma."

"Kahit wag na. Mag-ingat ka lang, ok na ako." Malungkot niyang sabi pero may nga ngiti sa labi. "Mahal na mahal kita anak, at kung matutupad man ang kahilingan ko ay wala na akong mas isasaya pa."

"Anong kahilingan ma?"

"Ang kahilingan kong maging masaya ka, alam kong napapagod, nasasaktan at nahihirapan ka na anak. Pasensya na.." naiiyak nanamang sabi ni mama.

"Ma! Ano ka ba! Ang saya ko kaya, ikaw ako..." si papa, sana. "Tayo, magkasama tayo, at yun ang importante, ma. Mahal na mahal na mahal din kita ma."

Niyakap ko sya ulit bago ako tuluyang umalis.

Dadaan pa sana ako sa pulis station pero sinend na nila sa akin ang address ng hotel na pansamantalang tinutuluyan ni light at sinabihan akong dumiretso na dahil kanina pa daw ito naghihintay. Tsk. Ang sabi sa akin alas sais ako pupunta sa kaniya, di ko na kasalanan kung alas kwatro palang gising na sya.

Matapos kong pinark ang aking Ducati ay sinuot ko na ang aking leather jacket. Naka-uniform kasi ako, complete pulis uniform. Inayos ko ang suot kong sombrero kung saan may tatak na palatandaang isa akong pulis. Wala masyadong tao dahil sobrang aga pa kaya di na ako nahirapan.

Caught By Light (ASHLEY 3) ☑Where stories live. Discover now