Chapter 7
Its been one week. One week na walang light na gumugulo sa opisina ko, one week na tahimik lang ako, one week mula ng araw na iyon, at one week na simula ng mag-ospital si mama.
Pagkauwi ko kasi galing sa ospital ay naabutan ko si mama na nasa sahig na at walang malay, ang sabi ng doktor which is si Doc Aj, inatake daw si mama ng high blood buti nalang at naisugod sya kaagad sa hospital kaya naagapan. May malay na si mama pero andami pang test na ginagawa sa kaniya kaya nasa hospital parin sya.
Wala akong balita tungkol kay light, gaya ng sabi ni doc lyean, walang ibang nakakaalam na na-ospital si light maliban sa kaniya at sa dalawa pa niyang kasama na sina doc jupiter at doc aj. Wala rin namang nababanggit si doc aj sa akin patungkol kay light kay nag-uusap kami, sa katunayan, puro sakit lang ni mama ang bulam bibig niya. Gustuhin ko mang magtanong pero di ko magawa, paano nalang kasi kung magtaka sya at tanungin ako pabalik kung ano at bakit ako nagtatanong? Ano nalang ang isasagot ko?
"Ma.." tawag ko kay mama ng makapasok na ako sa kwarto niya. Nasa isang Private Room kasi kami nilagay ni Doktora lyean, wala na daw kasing bakante sa ward, at sinabi rin niyang sya na ang magbabayad, tumanggi ako pero sa huli ay napapayag din.
"Anak, ang aga mo ah.." nakangiting saad ni mama at hinalikan na ako sa pisnge ng makalapit na ako sa kaniya.
Ngumiti lang ako at nilagay na sa mesa ang mga binili kong prutas. Hinubad ko ang suot kong gloves at sumbrero at nilagay ito sa sofa bago ko ibinagsak ang pang-upo ko dito.
"Mukhang pagod na pagod ka ngayon ah?" Nag-aalalang sabi ni mama.
Napamura ako. Bat ba nakalimutan kong nanonood pala si mama sa akin. Ayaw na ayaw ko pa namang nakikita niyang pagod ako. Pero di rin naman ako sinungaling, sadyang di ko lang talaga sinasabi ang totoo.
"Oo ma eh, may operasyon kasi kaming ginawa kanina sa baranggay Mabuhay, nagpahabol pa ang isang drug adik sa akin, buti nalang at mabilis akong tumakbo." Sinubukan kong magbiro pero ako lang ang natawa kaya tumikhim nalang ako.
"Anak, alam mo bang delikado ang ginagawa mo?" Here we go again..
Ngumiti nalang ako ng pilit at pinigilan ang sarili sa pagbubuntong hininga. "Ma, buo parin naman ako, oh."
"Anak naman, paano kung may dala iyong armas? At ikorner ka at binaril? Anak bakit ka ba kasi nag pulis!"
Napakagat labi nalang ako at napahawak sa braso kong natatabunan ng jacket, may tama kasi ako ng baril kanina, dahil nga ang hinahabol kong drug adik ay may lecheng baril at natamaan pa talaga ako. Di nalang ako nagsalita, dahil tama si mama.
Pero kahit pa tadtad ako ng bala, as long as i can walk and pretend im not hurt, ill come back to my mother, ill go home to her, because i love her so much. At alam kong ako lang ang nagmamahal sa kaniya, dahil kung mayroon pa mang iba, nasaan na sila? Nasaan na sila nung mga panahong kailangan namin sila? Wala. Walang dumating. That's why I always do my best to be home, umuwi ng buo sa bawat operasyon na ginagawa namin dahil alam kong may naghihintay sa akin.
Bumukas ang pinto kaya pareho kami ni mama ang napatingin sa bagong dating. Agad akong napatayo at napakunot noo. "What are you doing here?"
Ngumiti lang sya sa akin at lumapit kay mama at nagmano. "Good afternoon po tita, Pasensya na at ngayon lang ako nakabisita."
"Ah, walang problema.. buti nalang at nakabisita ka ulit winrell." Masayang sabi ni mama kay tenyente.
Nilagay ko ang mga kamay ko sa magkabilang beywang ko habang nakatingin sa dalawa. "Nakabisita ulit?"
YOU ARE READING
Caught By Light (ASHLEY 3) ☑
RomantikI thought I'd never Fall... but I did.. And I am caught by Light. Read at your own Risk! Light Adad Ashley •Ashley 3 (Second Generation) Date Started: 07/10/20 Date Ended: 07/31/20 Status: Completed. Editing.