Chapter 25

560 19 4
                                    

Chapter 25

Galing ako sa trabaho, at ang tumambad sa akin pag-uwi ay ang mama kong nakahandusay sa sahig, duguan at wala ng buhay. Halos hindi ako makagalaw ng makita ko ang lagay ng mama ko. Kung di pa dumating si winrell at justine ay di pa ako matatauhan. The investigation says that its a mistaken identity, na nadamay lang ang mama ko.

Sa mga panahon na iyon ay wala akong ibang maisip, mabuti nalang at may mga anak ako at ligtas sila dahil kung wala ay sumunod na ako kay mama. Wala akong magawa sa kaso ni mama dahil si papa na mismo ang pumigil sa akin, at sinabi sa aking mapapahamak lang ako kung ipagpapatuloy ko pa ang paghahanap ng hustisya.

Tapos ngayon, malalaman kong ang mga Ashley ang pumatay sa mama ko. Hindi ko na alam kung ano ang gagawin ko. Wala akong ibang nararamdaman ngayon kundi galit.

"Aaahhhhrh!" Sigaw ko sabay paputok sa baril ko. At ng maubos ang bala ko ay tiningnan ko ang drawing na hugis tao, isang butas lang ang makikta, at iyon ay sa gitna ng noo.

Agad kong pinahiran ang luhaan kong mga mata at nilagyan ulit ng bala ang magazine ng aking baril pero bago pa man ako makakaputok ay tinabihan na ako ng kapatid ko.


"I understand that your mad. Pero hindi bat mas maganda kung ang mga bala na pinakawalan mo ay sa totoong tao mo pinatama?"


Hindi ko sya pinansin at nagpaputok ulit. He pick a gun too from the table and do the same. Maglalagay sana ako ulit ng bala ng awagan niya ako. I glared at him, he just smirked. Pinanood ko syang bumaril.

I cant help but praise his looks. He got this blue deep eyes, blonde hair, proud nose, red lips na akal mo ay naglipstick pero hindi at may dimples din sya.

"Sis, i know im handsome but we cant be together, Papa will kill me." Biro niya pero sya lang ang natawa.

Iniwas ko ang tingin ko at huminga ng malalim. "Paano namatay ang mama mo?"


Ng tingnan ko sya ay wala ng ngiti ang mga labi niya. His facial expression is now the same when we first met. Dark and dangerous. "Hindi matanggap ng mga Ashley na kami ang pinili ni Mr. Salazar na  maging taga supply ng drugs. They keep on insisting that we tricked mr. Salazar. Kaya inatake nila si mama ng minsay mag-isa lang sya habang nasa harden."


"Sigurado ba kayong ang mga ashley nga?"


He threw me a dagger look. "Sa tingin mo, sino pa ba? Ang mga Ashley lagi ang humaharang sa amin dahil nga pangalawa lang kami samantalang sila ang number one."


"Alam ba ng mga Ashley na... na anak ako ni Brian?"

"Call him papa, sis. And to answer your question. I dont know. Hindi naman nila alam ang totoong pangalan ni papa, di rin nila nakita ang totoong mukha ni papa at mukha ko. They know papa as Bella and me as Slina."


"Bella?"

Papa Bruce used to call me bell..

"Bella is papa's first love. At para narin malito ang mga kalaban. Sa akin Slina, because its my mother's name nickname."

Nag-usap pa kami ni white patungkol sa maraming bagay. At sa pag-uusap namin ay masasabi kong mahal na mahal niya ang mama niya. Na-ikwento niyang madalas niya akong bantayan pero tumigil lang sya simula ng mamatay ang mama niya. He apologize for jot being there when mama got shot, nahuli daw sya, ng makarating daw sya sa bagay ay papaalis na ang mga tauhan ng mga Ashley. At kahit papaano ay naliwanagan ako.


Umuwi ako sa bahay. Sa bahay ni papa Bruce. Hindi ko alam kung ano na ang itatawag ko sa kaniya, pero alam kong dapat akong magpanggap na wala akong alam patungkol sa totoo kong ama.  Hindi ko rin alam kung bakit kailangang magpanggap ni papa bruce na sya ang ama ko kahit hindi naman. Pero ngayo naiintindihan ko na kung bakit iba ang trato niya sa akin. Kung bakit parang di niya ako anak kung tratuhin.



Caught By Light (ASHLEY 3) ☑Where stories live. Discover now