JUNGKOOK'S POV
Pagkagising ko ay agad Kong tiningnan ang cellphone ko kung nagmessage na sakin si Taehyung
Pero nanlumo ako sa nakita ko.
WALA SIYANG NI ISANG MESSAGE MAN LANG!!!! WTH---
Inis na nilagay ko na ulit yung cellphone ko sa learning table ko at tsaka walang ganang tumayo para maligo
HINDI KO NA NAGUGUSTUHAN ANG MGA KINIKILOS NA GANTO NI TAEHYUNG HA!
Agad na Kong malungkot na naligo, nagbihis at kumain
"Bat ganyan ang mukha mo kuya? Anyare? Break na----" hindi na natapos ni Jen yung sasabihin niya dahil pinandilatan ko siya ng mata. "Sabi ko nga hinde! Hahahaha"
Napapailing na umupo na ako sa dining table at tsaka mabilis na kumain
Nandito na ko sa Bighit ent pero parang nawalan ako ng ganang pumasok
Nasa tapat pa din ako ng bighit ent kanina pa habang bumubuntong-hininga ng malalim
Alam Kong nasa taas na lahat ang mga kaibigan ko pati si Taehyung kaya tumingin ako sa bintana ng building ng bighit kung saan nandun ang practice room namin
Nagulat naman ako nung makita ko si Taehyung sa may bintana ng practice room namin na tinatanaw ako dito sa baba
Pero nung malaman niyang nakita ko siya ay umalis na siya kaya nanlumo na naman ako
BAKIT KABA NAGKAKAGANYAN TAEHYUNG? ANONG DAHILAN MO PARA SAKTAN AKO NG GANITO?!!!
Walang ganang umakyat na ko sa building ng bighit ent para pumunta na sa practice room namin
Pagkabukas ko ng pinto ng practice room ay bumungad sakin ang mga kaibigan ko na nagpapractice na nga at agad namang hinanap ng mga paningin ko si Taehyung na nagpapractice na din pala
Dati pagbukas ko palang ng pinto ay sasalubungin niya na agad ako ng matatamis na salita at yakap niya na ang sarap sa pakiramdam
Pero ngayon... LAHAT NAGBAGO NA
Cold na Taehyung na ang nasa harapan ko ngayon
Sa isang iglap lang ay unti unti ng nawawalan ng sigla ang mga mata niya tuwing makikita ako
Bakit Taehyung, anong ginawa ko?
"Jungkook!"
Bumalik naman ako sa wisyo nung bigla Kong tawagin ni Jimin kaya tuluyan na Kong pumasok sa practice room namin
Tumingin naman ako Kay Jimin at bumuntong-hininga ko ng malalim bago siya ngitian ng pilit
"Goodmorning sa inyo" bati ko sa kanila tsaka nagbow. Nagngitian naman sila maliban Kay Taehyung na sa kawalan Nakatingin.
"Oh Taehyung nandyan na ang googie mo" pang-aasar pa ni Jin Kay taehyung at siniko naman siya ni tae.
Tumingin naman kaming lahat Kay Taehyung at dahan dahan naman siyang tumingin sakin at ngumiti pero alam Kong pilit
"Goodmorning... Jungkook" sambit niya at nginitian ko siya.
Pansinin mo lang ako ay ngingiti na ko kahit hindi googie ang tawag mo sakin
"Okay Tara ng mag practice! Pupunta daw ulit dito mamaya si manong bighit" sambit ni namjoon at agad ko ng binaba yung bag ko sa sahig at nagsayaw na din.
Nung nagpapahinga na kami ay hindi ko muna tinabihan si Taehyung kung saan siya nakaupo dahil baka hindi din naman niya ko pansinin
Bigla namang bumukas yung pinto at pumasok si Bang Pd-nim kaya agad kaming napatayo at tsaka nag bow sa kanya
"I'm happy to see you again my seven boys" nakangiting sabi ni bang PD at napangiti naman kami.
"May gusto lang akong sabihin sa inyo"
"What is it?" tanong ni Suga.
"Malapit na namin kayong ipakilala sa kpop industry"
Napatalon naman kami sa tuwa sa sinabi ni Bang Pd-nim
"Waaaah! Finally" sambit ni Jimin tsaka tumingin sa langit.
"Sige na mag ensayo pa kayo. Nang maging mas mahusay pa kayo" huling sabi ni Bang Pd-nim bago umalis sa practice room namin.
Nagyakap yakap naman kaming pito at at tsaka sumigaw ng "FIGHTING!"
Nung tapos na kaming mag practice ng sayaw at kanta ay inayos na namin ng mga gamit namin para umuwi na
Pero napansin Kong may katext si Taehyung sa cellphone niya at hindi siya mapakali
Walang ano ano'y lumabas siya bigla ng practice room kaya agad ko din siyang sinundan
NGAYON MALALAMAN KO NA KUNG ANONG DAHILAN MO KUNG BAKIT MO KO INIIWASAN
Nakita Kong umakyat si Taehyung sa rooftop kaya sinundan ko ulit siya
Pero habang umaakyat palang ako sa hagdan papunta sa rooftop ay may naririnig na Kong mga boses
At para marinig ko ang pinag-uusapan ng mga boses na iyon ay lumapit pa ko ng lumapit at tsaka ko sumilip para tingnan kung sino ang mga nag-uusap na iyon
At
Nanlaki ang mga mata ko nung makita ko ang dalwang lalaking nag-uusap
Si....
EUNWOO AT TAEHYUNG.