[May 01, 2017]
BTS WINGS TOUR IN MANILA
Handa na ang lahat
Madaling araw palang ay lahat ng mga fans ng BTS ay nasa labas na ng Mall of Asia Arena
Habang ang BTS naman ay nagpapractice na sa Hotel ng mga ipeperform nila mamaya
Ang Hotel kung saan nandun ang BTS ay nasa tapat lang ng MOA
TAEHYUNG'S POV
Kitang kita ko ngayon sa taas ng hotel ang napakaraming mga fans namin sa labas ng MOA habang sinisigaw ang mga names namin at iwinawagayway ang kanya kanya nilang Army Bombs
Napakaganda nilang pagmasdan
Napapangiti nalang ako habang tinitingnan sila dito sa may bintana ng hotel habang nagpapractice kami ng sayaw
"Taehyung!" napalingon naman agad ako Kay Jimin nung tawagin niya ko.
"Waeyo?" tanong ko.
"Tara ng magpractice." Aya niya kaya agad na Kong lumapit ulit sa kanila.
Habang nagpapractice kami ay hindi ko maiwasang mapatingin Kay Jungkook sa malaking salamin na nasa harap namin
Mukhang pagod na pagod na siya dahil di na siya masyadong energetic di katulad kanina. Tagaktak na rin ang mga pawis niya
Wala kasi siyang pahinga kanina pa. Tuloy tuloy lang siya sa pagsayaw dahil gusto niya daw mabigyan ng napakagandang performance ang PH-Armys. Which is gusto naming lahat
"One, two, three and Stop!" sigaw ni Jhope na gumagabay sa pagsasayaw namin. "Perfect! Sige na magpahinga na muna ulit kayo"
Nagsiupuan na naman kami sa sofa na nandito sa Hotel at tsaka hinabol ang mga kanya kanya naming hininga habang umiinom ng tubig
Sa wakas nagpahinga na din si Jungkook
Nasa kabilang sofa siya ngayon at katabi niya si Jin. Pero kitang kita ko siya
Nagtatampo pa din kaya siya sakin?
Dahil nahihiya akong lapitan siya. Ichachat ko nalang siya, kaya agad ko ng binuksan ang Messenger ko at tsaka hinanap ang pangalan niya at chinat
JUNGKOOK JEON
Sorry.
Hindi ko alam kung anong ichachat ko Kay Jungkook kaya nagsorry nalang ako
Napatingin naman ako Kay Jungkook na ngayo'y kinuha na ang cellphone niya at tiningnan ata yung chat ko.
Nagulat ako nung tumingin sakin si Jungkook kaya agad Kong iniiwas ang tingin ko sa kanya at tumingin kunware ako sa bintana
Mga ilang oras pa Kong tumingin sa bintana at nung tumunog na ang cellphone ko ay agad ko itong kinuha at nagmamadaling tingnan yung chat ni Jungkook
Nagreply nga siya sakin!!! Kaya hindi ko mapigilang mapangiti
JUNGKOOK JEON
Sorry.
Sorry for what?
Napabuntong-hininga naman ako bago magreply
Kung dahil man Kay Bo Gum kaya ka nagtampo sakin. I'm sorry, promise magkaibigan lang talaga kami.