CHAPTER 73

259 20 0
                                    

JIMIN'S POV

"Sayang wala dito si Mommy. Kung kelan naman natupad na namin yung mga pangarap namin ay tsaka nawala si Mommy sa tabi natin" malungkot na sabi ni Jihyo habang nakain siya.

Nagkatinginan naman kami nila Daddy at Jamaine

'Hindi pa din namin nakakalimutan yung ginawang pang-iiwan samin ni Mommy at inis ipinagpalit niya si Daddy sa ibang lalaki'

Gustuhin ko mang magalit kay Mommy pero alam kong hindi na maibabalik yung dati kahit magwala pa ko

"Jihyo, wag mo ng banggitin si Mommy dahil matagal na niya tayong iniwan kaya dapat na natin siyang kalimutan" inis na sambit ni Jamaine at nagpatuloy na lang kami sa pagkain.

Hindi ko alam ang sasabihin ko dahil maski ako ay namimiss na din si Mommy pero tama si Jamaine. Iniwan at kinalimutan na kami ni Mommy kaya dapat na din kaming mag move on

Pagkatapos naming kumain ay nagpaalam na ko kela Daddy, Jamaine at Jihyo na aalis na ko

Ang lagi Kong pinapaalam sa kanila na nagsisimula na kong maghanap ng trabaho kaya agad silang pumapayag

Pagkadating ko sa Bighit Ent ay si Suga palang ang tao dun at tulog siya ngayon habang naka headphone

Tss. AS ALWAYS NAMAN!

"Palagi nalang tulog tong lalaking to! Kaya walang nagiging Jowa e lagi lang tulog!" napapailing na sambit ko at tsaka na inilapag ang bag ko sa sahig.

"Bawal ka pa namang magjowa e"

"Ay kabayo!" napasigaw nalang ako sa sobrang gulat nung magsalita bigla si Suga.

Paano niya ko narinig e naka headphone siya?!! Takte!

Pati anong sinabi niya na 'bawal pa naman daw akong magjowa'???

Huh?! Ako ba ang tinutukoy niya?! Hala weh? OMG!!!

pero ayokong maging assuming kasi baka ibang tao yung tinutukoy niya no! Mapahiya pa ko!

Dahan dahan naman akong humarap kay Suga na ngayo'y nakaupo na sa sofa habang nagcecellphone

Ambilis naman nitong kumilos! Di ko man lang naramdaman

Napatingin naman sakin si Suga at nagkatitigan kami kaya agad akong umiwas ng tingin at humarap sa malaking salamin

Kita ko naman sa malaking salamin na binaling na ulit ni Suga yung paningin niya sa cellphone niya

"Bat namumula yang pisnge mo?" bigla niyang tanong kaya natigilan na naman ako.

Bakit ba tuwing magsasalita tong lalaking to e nagugulat ako?! Ano to? Automatic akong magugulat kapag nagsasalita siya.

Nakita ko nga sa salamin na namumula yung dalwa Kong pisnge kaya nagtaka ko

"Bat naman to namula? Tss" nagtatakang tanong ko sa sarili ko.

"Baka kinilig dahil sa sinabe ko kanina" sagot ni Suga.

Huh? Epal talaga to! Bigla biglang nasabat -,-

So ako nga yung sinabihan niya ng nakakakilig na words kanina? Wow alam Kong trip niya lang yun

Pero kung totoo yun. Edi WWWWWWAAAAAAAAAAAAAHHHHHHHHHHHHH!!!! SUGA! MYLABS! JOKE HAHAHAHAHAHAHAHAHA!

Tayo ata ang susunod sa love team ng taekook ah joke ulit hahaha!

"Anong kinikilig ang sinasabe mo dyan? Tss" sambit ko at tumayo na mula sa pagkakaupo sa sahig tsaka ko naglakad papunta sa sofa na katabi ng sofa na inuupuan ni Suga para syempre umupo.

Nung makaupo na ko ay pasikretong sinusulyapan ko si Suga na ngayo'y busy na sa pagcecellphone

Patahi-tahimik lang tong lalaking to pero kapag nagsalita parang automatic kikiligin ka e!

"Ahm... Diba naka headphone ka kanina?" tanong ko at tumango lang siya. " eh paano mo narinig yung sinasabi ko kanina?"

"Sinasalpak ko lang yung headphone ko sa tenga ko pero walang tunog parang props lang pampacool" natatawang sagot ni Suga at natawa na din ako.

"Lakas talaga ng TAMA mo! HAHAHAHAHAHAHA" natatawang sabi ko at Napatingin naman sakin si Suga e Nakatingin din ako sa kanya kaya nagkatitigan na naman kami.

"Lakas ng tama ko... SAYO" sambit niya habang diretsong nakatingin sa mga mata ko kaya natigilan ako.

WAAAAAAAAAAAAHHHHHH! ANO BANG PINAGSASASABE NITO?! BALIW NA ATA TO! TSK AKALA NIYA NAMAN KIKILIGIN AKO SA MGA FLOWERY WORDS NIYA TSS

alam kong trip niya lang yan! Si Suga paba!

Napaiwas naman ako ng tingin Kay Suga dahil sa pagkailang

Sari-sari kasi ang sinasabe e! Kala'y nakakatuwa pa! Kaenes!

"Tss ano bang pinagsasasabe mo? HAHAHAHAHA!" sambit ko nalang at kunwaring natatawa pero napangisi lang si Suga at napapailing na binaling nalang ulit sa cp niya yung paningin niya.

'Wooooooooooooh!'

Napabuntong-Hininga ko ng malalim dahil sa wakas tinigilan na ni Suga ang mga flowery words niya na binibitawan sakin

Grabe tong lalaking to! Nakakahimatay ang mga sinasabe!

Jusko!

Maya maya lang ay isa-isa ng nagdatingan ang mga kaibigan namin at tsaka na ulit kami bumalik sa pagpapractice



Napatingin naman ako kay Jungkook na ngayo'y masayang nakikipagkwentuhan kay Taehyung

'MY FIRST LOVE'

BOY IN LUV (SEASON 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon