JUNGKOOK'S POV
Pagkadating ko sa bahay ay agad akong nagkulong sa kwarto ko at umiyak ng umiyak
B-bakit?! Huhuhuhu
"BAKEEEEEEEEEET?!!!" at sinimulan ko ng itapon ang mga gamit ko sa kwarto at nagsisigaw.
"Kung mahal mo ko! Bakit mo ko nagawang ipaubaya nalang ng basta Basta sa IBA!!!! Bakit ayaw mo saking sabihin ang dahilan kung bakit?!!!" sigaw ko habang nahagulgol sa pag-iyak.
Narinig ko naman ang mga yabag ng paa patungo sa kwarto ko
Baka nadinig na ni Mommy ang pagwawala ko. Si Jen kasi ay may nasa trabaho pa
"Anak! Anong nangyayari?!" nag-aalalang tanong ni mommy habang sunod sunod ang pagkatok niya sa may pinto.
Agad ko namang pinunasan yung mga luha ko at tsaka lumapit sa pinto para pagbuksan si Mommy
"Pasok po kayo" sambit ko at natigilan si mommy sa pagpasok sa kwarto ko nung makita niya na nakakalat lahat ng gamit ko.
Dahan dahan namang tumingin sakin si mommy na nanlalaki ang mga mata
"What happened to you?" nag-aalala niyang tanong at tuluyan ng bumagsak muli ang mga luha ko.
Naglakad ulit ako sa kama ko para umupo at tsaka yumuko habang umiiyak
"Anak" lumapit naman sakin si mommy at tsaka hinagod yung likod ko at tsaka niya ko niyakap.
"Handang makinig sayo si mommy. What happened huh?"
Dahan dahan naman akong tumingin sa mga mata ni mommy at tsaka muling umiyak
"Kahit po ba ipinaubaya kana ng taong mahal mo sa iba? Ay pagmamahal pa din ang tawag dun?" Tanong ko Kay mommy at binigyan niya naman ako ng nagtatakang tingin.
Ngayon ready na Kong umamin Kay Mommy kung anong meron talaga samin ni Taehyung
"Ano bang nangyayari sayo anak?" nag-aalala na talagang tanong ni mommy.
Bumuntong-hininga naman muna ko ng malalim at tsaka nagsalita
"Si Taehyung po kasi..." tumulo na naman ang mga luha ko kaya agad itong pinunasan ni mommy gamit ang hinlalaki niya.
"Anong meron Kay Taehyung?"
"H-hindi lang po kami magkaibigan..."
"Oo alam ko"
Nagulat ako nung biglang sabihin ni Mommy ang linyang yun
H-ha?
A-alam na ni mommy?
"Alam niyo na pong kami na?" nanlalaki ang mga mata ko habang Nakatingin Kay mommy at bigla siyang ngumiti at tumango.
"Oo, nung pumunta dito si Taehyung nun ay kinakabahan din siya na sabihin sakin pero alam niyang mabait ako kaya umamin na siya. Hindi naman ako nagalit dahil malayang magmahal ang mga tao kahit sino pang gustuhin nila... Pero depende yun sa sitwasyon" paliwanag ni mommy at napangiti naman ako at tsaka ko siya niyakap.
NAPAKA SWERTE KONG MAGKAROON NG INA NA KATULAD NIYA
"I'M SO VERY VERY LUCKY TO HAVE YOU, MOMMY" sambit ko at hinagod ulit ni mommy ang likod ko.
"Me too, my son" sagot ni Mommy.
Nung kumalas na ko sa pagkakayakap ko Kay Mommy ay nagkwento na ko sa kanya
"Hindi ko po kasi alam ang dahilan ni Taehyung kung bakit niya nalang ako biglang ipinaubaya sa iba" umiyak na naman ako.
"Shhhh sabi mo nga hindi mo alam ang dahilan niya... Kaya wag ka munang magalit sa kanya ng todo" sambit ni mommy.
"Pero ayaw Niya po saking sabihin ang dahilan kung bakit niya ginawa yun, paano ko naman siya iintindihin?!" naguguluhan na na sambit ko.
"Anak, baka may mabigat na dahilan si Taehyung kung bakit hindi niya pa masabi sayo. Antayin mo lang siya na magkusa at intindihin mo siya"
"Ang ipaubaya ba sa iba ang mahal mo ay pagmamahal pa din po ba ang tawag dun?" tumingin naman ako Kay mommy na ngayo'y nakangiti sakin.
"Oo naman"
"Po? Pano pa yun natawag na pagmamahal?
"Sakripisyo ng pagmamahal. Kailangang magsakrispisyo ng isa para maligtas ang isa o silang dalawa"
Napaisip naman ako sa sinabi ni mommy
Ha? Hindi ko gets
"Sige na matulog kana anak. At ipahinga mo muna ang iyong isipan at puso" nakangiting sabi ni mommy at sinunod ko naman siya.
Pagkahiga ko sa kama ay ikiniss na ko ni mommy sa noo
"Goodnight son" banggit ni mommy.
"Goodnight mom" sagot ko at tuluyan ng umalis si mommy sa kwarto ko.
Bigla namang tumunog yung cellphone ko kaya agad ko itong tiningnan
At nakita Kong itinext ako ni Eunwoo
Tss pati number ko ibinigay na sa kanya ni Taehyung
Hindi ko na binasa ang text ni eunwoo at natulog nalang ako