JIMIN'S POV
"Jimin!!!"
Nagising ako sa sigaw ng kung sino sa pangalan with matching pakatok pa ng malakas sa pinto ko
Sarap pa ng tulog ko, epal naman nun
Padabog na bumangon ako at binuksan yung pinto
"Bakit ba----" hindi ko na natuloy yung sasabihin ko nung makita ko si Suga na nakasandal sa pader na nasa harap ng kwarto ko habang naka cross arms.
"Late na tayo sa practice. Bilisan mo naman" inis na sabi ni Suga at napasinghal nalang ako.
Aba!
"Eh bat kapa nandito at iniistorbo ang pagtulog ko? Kung late na pala tayo sa practice?" pahamon na tanong ko at nagsalubong lalo yung kilay ni Suga.
"Gusto ko lang sabihin sayo na late kana sa practice! Magpasalamat kana lang at ginising pa kita dahil kung hindi lagot ka Kay RM!" sigaw ni Suga.
Sarap naman nitong inisin parang uusok yung ilong HAHAHAHA!
"Bakit sinabi ko bang gisingin mo ko? Pumunta kana nga dun!" kunwaring naiinis na sabi ko pero sa totoo lang natatawa na ko.
"Tss" singhal ni Suga.
Nginisian ko nalang siya at akmang tatalikod na ko sa kanya para bumalik sa pagtulog pero nagulat ako nung bigla niyang hilahin yung likod ng damit ko at kinaladkad palabas
"Hoy! A-ano ba! Mapupunit yung damit ko!" Reklamo ko pero tuloy tuloy pa din siya sa paghila sakin.
"Sayang naman yung pagsigaw ko para lang gisingin ka kanina kung hahayaan lang ulit kitang matulog" nakangising sabi ni Suga.
Nag pout nalang ako at hinayaang hilahin niya ko
Tutal naman wala Kong magagawa kahit pumalag ako dito. Eh di naman ako papakinggan nito e
Mas nagulat ako nung bitawan ni Suga ang damit ko at unti unting hinawakan yung kamay ko
Shit! Pakeneng Shet!
Dahan dahan akong tumingin Kay Suga pero hindi siya sakin Nakatingin
"Bat mo hinawakan yung kamay ko?" gulat na tanong ko.
"Masisira ang damit mo. Kaya sa kamay na kita hinawakan" seryosong sagot ni Suga pero sa ibang direksyon pa din Nakatingin.
"Buti naman naisip mo yun" pabulong na sambit ko.
Pero sa totoo lang kinikilig ako! HAHAHAHA
Pagkadating namin sa practice room ay nagpapractice na nga yung mga kaibigan namin
Lumapit naman samin ni Suga si Namjoon at mukhang galit siya
"Bakit late ka?" tanong niya at kinabahan ako bigla.
Sasagot na sana ko pero biglang nagsalita si Suga
"Napuyat kasi siya sa pagpapractice ng sasayawin natin kagabi dito sa practice room" singit ni Suga.
Wow! Sana gumana yung palusot niya
"Paano mo naman nalaman na nagpapractice siya ng sayaw?" nagtatakang tanong ni Joonie.
"Magkasama kaming nagpractice kagabe" sagot ulit ni Suga.
"Okay" tumango tango naman si RM at mukhang gumana yung palusot ni Suga sa kanya.
Nakisayaw na din kami ni Yoongi sa mga kaibigan namin at buong hapon kaming nagpractice
Minsan lang kami magpahinga dahil gusto naming mabigyan ng magandang performance ang Army's
Nung nagpapahinga na kami ay bigla akong napatingin Kay Jk na malungkot na nagpapaghinga ngayon habang Nakatingin sa kawalan. Katabi ko siya ngayon
Alam na namin yung problema nila ni Taehyung
Medyo nagtampo kami Kay Jk nung makipag break nalang siya bigla Kay Taehyung ng hindi namin alam ang dahilan
Pero syempre as his friends. Naiintindihan namin siya at nandito lang kami lagi para sa kanya at Kay Taehyung
Alam naming may reasons siya kung bat niya yun nagawa
Hindi namin sila makausap about dun sa problema nila dahil ayaw muna naming makielam
Hahayaan muna namin silang makapag isip isip at kapag need na nila ng tulong namin ay tsaka kami mangingielam
Nakarating na kami dito sa awardings at nagpeperform na ang ibang K-Idols
Kami na ang magpeperform ng BS&T at Fire
--------------
Nung matapos kaming magperform ay nagsimula na ang pagtawag sa mga winners
Akala namin hindi kami mananalo pero nung tawagin ang name namin ay halos mapasigaw at talon kami sa saya
Wala kaming ibang sinabi kundi
THANK YOU SO MUCH OUR ARMY!
WE LOVE YOU SO MUCH OUR ARMY!
WITHOUT THEM. WE ARE NOTHING.
Nung matapos ang awardings ay sumakay na kami sa van para umuwi na ulit
Bukas ay may pupuntahan ulit kami. Pero hindi sa mga awardings, concerts or interview. Kundi para magpahinga at mag vacation! Yuuuuhoooo!
Nang makarating na kami sa BigHit Ent ay syempre nagpuntahan na ulit kami sa kanya kanya naming mga kwarto
Pero ako naglalakad pa din papunta sa room ko nung biglang may humigit sakin
"Ano ba! Nakakagulat ka!" Sigaw ko Kay Suga nung makaharap na ko sa kanya.
"Hinaan mo nga yang boses mo" suway sakin ni Suga pero sinamaan ko lang siya ng tingin.
"Bakit mo ba ko hinigit?!" tanong ko pero hindi agad sumagot si Suga at parang nag-iisip pa.
"Huy! Bat mo sabe ako hinigit?" Pag uulit ko sa tanong.
"Ahm... K-kasi... Ahhhm"
"Isipin mo na muna yung dapat mong sabihin sakin at ako'y tutulog muna sa room ko" pagpuputol ko sa sasabihin ni Suga at tumalikod na ko sa kanya at akmang lalakad na pero napatigil ako nung bigla siyang magsalita.
"Jimin-ah! Magdate tayo bukas!" Mabilis niyang sambit at narinig Kong tumakbo na siya papunta sa kwarto niya at sinara ang pinto.
Whutttt? Magdate daw kami bukas????
Tama ba yung narinig ko?!!
Waaaaaaaaaaaaaaahhhhhh!!!!