TAEHYUNG'S POV
"Hindi na kita mahal, Taehyung"- Jungkook.
Naiwan ako ngayong umiiyak dito sa labas ng BigHit Building dahil pumasok na sa loob si Jungkook at hindi ko pa din matanggap na hindi na ko mahal ni Jungkook
Anong nangyari? Bakit ang bilis naman ng mga pangyayari?
Hindi na niya ko mahal? Bakit? Kulang paba lahat ng pagmamahal na binibigay ko sa kanya?
Ang daming tanong sa isip ko ngayon na si Jungkook lang ang makakasagot
Kahapon ang saya saya pa namin at ramdam Kong mahal niya ko pero bakit ngayon iniwan niya nalang ako sa ere.
Naniniwala Kong may nangyari lang na hindi maganda kaya nasabi yun ni Jungkook pero alam Kong mahal niya pa din ako
Agad Kong pinunasan ang mga luha ko gamit ang mga kamay ko at dali daling tumakbo papasok ng BigHit Ent para hanapin si Jungkook
Pumunta ko sa sofa pero si Jimin at Jhope pa din ang nandun kaya agad akong pumunta sa kwarto ni Jungkook pero wala siya dun
"Taehyung, bat pugto yang mata mo?" tanong sakin ni Namjoon nung makasalubong ko siya pababa ng hagdan.
Hindi ko na siya nagawang sagutin dahil si Jungkook lang ang gusto Kong makita at makausap ngayon
"Jungkook!" Sigaw ko habang nagpapalingon lingon sa bawat sulok ng BigHit Building.
"Pumunta sa rooftop si Jungkook habang umiiyak" sagot sakin ni Jimin at nanlaki naman yung mga mata ko.
"Ano bang nangyayari sa inyo? Ha!" Takang tanong ni Suga na nasa kusina pala.
"Tsaka na kami magpapaliwanag" sagot ko at tumakbo na papuntang rooftop.
Pagdating ko sa rooftop ay nakita Kong nakaupo si Jungkook sa isang upuan habang Nakatingin siya sa mga building na matataas na makikita dito sa rooftop
Dahan dahan akong lumapit sa kanya at habang papalapit ako ng papalapit ay naririnig ko ang pag iyak niya
Bakit kailangang umabot kami sa ganito? Nagkulang ba ko? Kung nagkulang man ako, sana sinabi niya. Pwede namang solusyunan
Hindi ko kayang mawala siya. Siya ang buhay ko
Naramdaman naman ni Jungkook na nandito ako sa may gilid niya kaya dahan dahan siyang tumingin sakin at napatayo
"J-jungkook" utal utal na sambit ko dahil naiiyak na naman ako.
"Hindi na kita mahal, bakit mo pa ko sinusundan?" Mahinahong tanong ni Jungkook pero hindi sakin Nakatingin dahil sa sahig siya Nakatingin.
"Anong dahilan para iwan mo nalang ako bigla ng ganito?" at tuluyan ng bumuhos ang mga luha ko na kanina ko pa pinipigilan.
Hindi naman agad nakasagot sakin si Jungkook dahil umiyak na din siya
"KAILAN PA NAWALA ANG FEELINGS MO SAKIN?! KAILAN PA!!!" malakas na sigaw ko dahilan para lalong umiyak si Jk.
Hindi ko na napigilan ang sarili ko. Sobrang sakit e, ang bigat sa pakiramdam
Ganto pala kapag nagmamahal ka ng totoo. Yung halos ayaw mo ng mawalay sa kanya
Yung siya na ang bumubuo sa araw mo tas ibibigay mo ang lahat ng pagmamahal sa kanya. Hanggang sa sabihin niya nalang na Hindi kana niya mahal
First time Kong umibig ng totoo. At first time ko ding masaktan kaya sobrang sakit
"Matagal ng nawala ang feelings ko sayo" sagot ni Jungkook dahilan para matigilan ako.