CHAPTER 98

201 14 1
                                    

JUNGKOOK'S POV

Maaga kaming gumising ni Taehyung at tsaka na pumunta sa kanila

Kaunting oras lang naman ang biniyahe namin dahil hindi naman ganun kalayo ang BigHit building sa bahay nila Taehyung

Habang nasa byahe kami ay Nakatingin lang ako sa may bintana ng kotse at kinakabahan sa mga posibleng mangyare mamaya kapag ipinakilala na ko ni Taehyung sa family niya as his boyfriend

Nagitla naman ako nung biglang hawakan ni Taehyung ang kaliwang kamay ko na kanina pa pala nanginginig kaya Napatingin ako sa kanya na sa daan naman Nakatingin

"Huwag kang kabahan. Gayahin mo ko, hindi kinakabahan hahaha" pagbibiro pa ni Taehyung pero hindi ko magawang matawa dahil inaalala ko ang posibleng gawin ng Daddy niya sa kanya mamaya.

Siya ang unang taong hindi nahihiyang ipagmalaki ako sa buong mundo

Handa niyang isakripisyo lahat. Huwag lang akong mapahamak o mahirapan

Itakwil man siya ng lahat. Ako pa din ang pipiliin niya at tatakbuhan niya

Hindi ko kayang makitang masaktan si Taehyung. Kung pwede lang na ako ang umako ng mga ipaparusa sa kanya ng Daddy niya mamaya, gagawin ko.

Kung hindi siya natatakot, hindi din dapat akong matakot.

Ipinatong ko ang kanang palad ko sa kamay ni Taehyung na nakapatong sa kaliwang kamay ko dahilan para mapatingin siya sakin

"I love you" sambit ko tsaka ngumiti.

Napangiti naman si Taehyung

"I love you too" sagot niya at tsaka na muling tumingin sa daan at nagfocus na muli sa pagmamaneho.

Nandito na kami ngayon sa tapat ng Bahay nila Taehyung

"Let's go?" Aya ni Taehyung at akmang bababa na ng Kotse pero agad Kong hinawakan ang kanang braso niya dahilan para mapatingin sakin si Taehyung.

"Why?" takang tanong niya at bumuntong-hininga naman ako ng malalim.

"Ah wala wala. Sige na Tara na" sambit ko at napangiti naman si Taehyung.

"Ang cute mo haha" sambit niya at tsaka na tuluyang bumaba sa kotse.

Bumaba na din naman ako ng kotse at tsaka tumingin sa napakalaking bahay nila Taehyung

Sana naman hindi nila itakwil si Taehyung sa bahay na to.

"Sir!"

Napatingin naman ako dun sa katulong na lumabas mula sa bahay nila Taehyung at masayang binuksan ang gate

"Oh Yaya Kat, bumalik na po pala kayo" nakangiting sabi ni Taehyung at tsaka sila nagyakap nung Yaya Kat niya.

"Oo sir, pinabalik na ko ng Daddy niyo nung umalis kayo dahil wala daw magbabantay sa mommy niyo dahil lagi silang wala ng kuya mo sa bahay" paliwanag pa nung Yaya Kat.

"Ah ganun po ba. Nandyan po ba sila Kuya, Mom and Dad?" tanong naman ni Taehyung.

"Oo, nagluluto si Madam, nagbabasa naman ng dyaryo si Sir at nasa kwarto naman ang Kuya mo"

"Ah sige po"

Napatingin naman sakin yung Yaya Kat at taka Kong tiningnan

"Sino siya Sir?" tanong nung Yaya at Napatingin naman sakin si Taehyung at tsaka ngumiti at lumapit sakin.

Nagulat naman ako nung bigla niya Kong akbayan sa harap mismo ng Yaya niya! Shit.

"He's my boyfriend" nakangiting sagot ni Taehyung at nanlaki naman yung mata ni Yaya Kat.

BOY IN LUV (SEASON 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon