JUNGKOOK'S POV
Nandito ko ngayon sa may labas ng BigHit Ent at iniintay ko si Taehyung dahil kagahapon pa ko hindi mapakali at pakiramdam ko may masamang nangyari
Inagahan ko talaga ang gising ko para antayin siya dito
Mamaya kasi ay may pupuntahan ang grupo namin dahil iinterviewhin daw kami mamaya sabi ni Bang Pd-nim
Maya maya lang ay may tumigil ng kotse sa tapat ng kinatatayuan ko ngayon sa BigHit Building
At alam Kong Kay Taehyung na kotse yun kaya agad akong ngumiti
Hindi nga ko nagkamali dahil si Taehyung ang lumabas sa kotse at Napatingin agad siya sakin sabay ngiti
Agad siyang lumapit sakin at agad ko din siyang niyakap
"I miss you" sambit ko at narinig ko namang natawa si Taehyung.
"Isang araw lang akong nawala, namiss mo agad?" tanong niya at natawa nalang din ako.
Nung makakalas na kami mula sa pagkakayakap namin sa isa't isa ay agad Kong tiningnan ang mga kamay, braso at binti niya. Naka T-shirt na blue lang kasi siya ngayon at naka short na hanggang tuhod kaya makikita ko kung may pasa siya na natamo sa Daddy niya pero wala naman kaya nakahinga ako ng maluwag
"Tara na sa loob?" Aya ni Taehyung kaya Napatingin ako sa kanya pero agad niyang ibinaling sa gilid ang mukha niya.
"Bakit?" takang tanong ko.
"Wala" sagot niya pero alam Kong may tinatago siya kaya niya iniiwas ang mukha niya tuwing titingin ako sa kanya.
Kaya walang ano ano ay agad akong pumunta sa pwesto kung saan nakabaling ang mukha niya at nanlumo ako nung makita Kong PUTOK ANG KANANG GILID NG LABI NI TAEHYUNG!
Tama nga ang hinala ko na sasaktan siya ng Daddy niya
"Napano yan? Sinaktan kaba ng Daddy mo?" Nag-aalala na talagang tanong ko pero nginitian lang ako ni Taehyung pero alam Kong pilit.
"Ah hindi haha. Nadulas kasi ako sa sahig sa may kwarto ko tas ayun kaya ko to natamo" paliwanag pa ni Taehyung pero hindi ako naniniwala.
"Hindi ako naniniwala na nadulas kalang!" inis na sambit ko pero hinawakan ni Taehyung ang dalwang balikat ko at humarap na siya sakin.
"Promise, nadapa----" hindi na natuloy ni Taehyung yung sasabihin niya dahil agad ko siyang niyakap at tuluyan na Kong humikbi.
"Jungkook, don't cry na" bulong ni Taehyung habang hinahagod ang likod ko.
"Sinabi ko naman sayo! Huwag na tayong umamin sa pamilya mo e!" naiyak na sabi ko.
"Pero sinabi ko din naman sayo na handa na Kong ipakilala ka sa buong mundo bilang boyfriend ko" sagot ni taehyung at mas lalo na Kong umiyak.
"Pero napapahamak ka"
"Okay lang... Basta masilayan ko lang ang mga ngiti mo tuwing ipinagmamalaki kita sa buong mundo. Balewala na tong mga sugat ko"
Mas lalo ko namang niyakap ng mahigpit si Taehyung dahil sa sinabi niya
Ikinahihiya ko ang sarili ko dahil nagagawa Kong ipagmalaki ni Taehyung sa lahat pero ako lagi akong pinangungunahan ng takot tuwing gusto ko din siyang ipagmalaki sa iba na boyfriend ko siya
Hindi ko siya deserve.
"Itinakwil na ko ni Daddy" malungkot na sambit ni Taehyung at narinig ko na din ang paghikbi niya.
Nanlaki naman ang mga mata ko at napakalas ako mula sa pagkakayap ko Kay Taehyung at tsaka ko siya tiningnan na nakayuko na ngayon habang humihikbi
Nasasaktan ako tuwing nakikita ko siyang umiiyak!
At nang dahil sakin itinakwil na siya ngayon ng Daddy niya.
Habang Nakatingin ako ngayon sa parang batang umiiyak na si Taehyung. Nadudurog at nasasaktan ng sobra ang puso ko
Gusto ko man siyang yakapin muli pero hindi ko magawa dahil sinisisi ko pa din ang sarili ko kung bakit nangyayari ang lahat ng to
Dahan dahan namang tumingin sakin si Taehyung at ngumiti
Ang mga ngiti niyang nagpapagaan lagi sa pakiramdam ko
Pero ngayon alam Kong ang mga ngiti niyang yun na ipinapakita ngayon sa akin ay may kasamang poot, sakit at hinagpis
"S-sorry Taehyung" hindi ko alam pero ang mga salitang yun nalang ang lumabas sa bibig ko.
"Bat ka nagsosorry?" takang tanong niya.
"Kung hindi dahil sakin. Edi sana hindi nangyari ang lahat ng to. Kung hindi mo ko nakilala-----" hindi ko na natapos yung sasabihin ko dahil biglang hinila ni Taehyung ang kamay ko papalapit sa kanya at tsaka ko niyakap.
"Hindi mo kasalanan kung hindi tayo tanggap ni Daddy. Walang may kasalanan" sambit ni Taehyung at tuluyan na Kong umiyak.
Nagagawa niya pa din akong icomfort kahit na siya talaga ang may kailangan nun
Kung nagawang ipaglaban at gawin lahat ni Taehyung. Wag lang akong masaktan. Gagawin ko din lahat ng mga pwedeng gawin, wag lang siyang mawalay sa pamilya niya
"Sabi ko naman sayo. Itakwil man ako ng lahat, sayo pa din ako kakapit, My googie" bulong ni Taehyung at tsaka ko hinalikan sa noo.
Dinama ko naman ang labi niyang dumampi sa noo ko
Namiss Kong tawagin niya Kong Googie
Nagyakap lang kami ni Taehyung ng matagal at hinayaan naming umiyak kami at ilabas lahat ng bigat ng loob habang magkayakap kami sa isa't isa
Habang yakap ko si Taehyung ay pumasok bigla sa isip ko yung napagplanuhan Kong gagawin ko kapag umuwi ng may bangas si Taehyung
At dahil umuwi siya ng may bangas
Buo na ang desisyon ko. Gagawin ko na lahat ng plano ko
Hindi ako papayag na masira ang pagsasama ng pamilya niyo, Taehyung.
Lumuhod man ako sa harap ng Daddy mo. Ipaglalaban at papakiusapan ko siya.
Ako naman ngayon ang magsasakripisyo para maligtas ang isa